04

22.5K 523 33
                                    

“KANINA pa ako salita nang salita dito hindi mo man lang ako pinapasin.”

“Huh sorry ano ulit yun?”

“Nag kukwento ako about sa-“ tumikhim pa ito at bumulong. “sex life namin ni Nick pero sayang di ka nakinig.” Namumula pa ito na ewan.

“Sex life? Lokohin mo lelang mo.” she smirked. “Hindi mo nga masabi ng malakas ang SEX mag kwento pa kaya. Don’t me Rean Lor.”

Nakita nyang mas namula ang mukha nito. Kasi naman minsan talaga ay sablay itong mag joke.

“Van! Oo na hindi na yun yung kinukwento ko pero utang na loob wag mo nang lakasan.”

“Eh ikaw eh.”

“Ewan ko sayo.” Rean sipped her mango juice and asked her again. “kumusta na pala kayo ni Josh? Naasabi mo na ba sa kanya na balak mong umuwi nang amerika?”

“Uumuwi? Bibisita lang shonga!”

“Oo na bibisita na. Pero nasabi mo na ba sakanya?”

“Kailangan pa ba?” gusto nyang isagot dito. Mukha naman kasing walang pakialam si Josh sa kanya. Ilang buwan na sila sa ganitong relasyon pero wala paring progress. Bed friends parin sila. Ni hindi man lang magawa ni Josh na i-level up kung ano man ang meron silang dalawa. Lagi nalang kasi itong nakay Zea. Kaya hindi na sya mag tataka kung hindi nito mapansin kung aalis man sya. Baka nga kahit hindi na sya bumalik ay ayos lang dito.

Pero sa kabila ng inis na nararamdaman nya ay hindi nya parin mapigilan ang sarili na mas mahulog pa sa binata, kaya nga nasasaktan sya sa ginagawa nito. Ngayon kasi ay nasa ospital ulit ito dahil manganganak na si Zea. Kung mataranta ito kanina nang malaman na manganganak na ang babaeng gusto ay ganun nalang. As if naman ito ang tatay ng pinag bubuntis ni Zea.

“Ano na?” pangungulit ni Rean sa kanya. Pero siguro ay nakita nito ang kanyang malungkot na ekspresyon kaya hinawakan nito ang kanyang kamay.

Iniiwas nya ang tingin sa kaibigan. Ayaw nyang mas makita nito ang inis at sakit na kanyang nararamdaman. Naisip nanaman kasi nya si Josh kaya nagiging ganito sya.

“Van, look at me.”

“I’m fine!”

“You’re crying?”

Nang damhin nya ang kanyang mukha ay basa nga ito. Hindi na pala nya namalayan na umiiyak na sya.

“Napuwing ata ako.” Natatawa nyang sabi habang pinapahid ang luha. Pero alam nyang hindi naniniwala si Rean base narin sa reaksyon nito.

“Van.”

Siguro sa sobrang inis ay sumabog na sya. Nag tuloy tuloy nang umagos ang luha na kanina lang ay pinipilit nyang pahupain. Iniyuko nya nalang ang ulo sa lamesa upang hindi na makita ng kaibigan ang kanyang mukha. Mabuti nalang at nasa pinakadulo at tagong bahagi sila ng coffee shop kaya walang makakakita sa kanya na umiiyak maliban sa kaibigan.

Ilang minuto din syang tahimik na lumuha bago nya inayos ang sarili. Siniguro nyang tuyo na ang kanyang mukha, nang masiguro iyong ay humarap sya ulit sa kaibigan ng may ngiti sa labi.

“Ok na ko. Thanks!” she smiled sweetly. Ganun naman lagi ang kanyang ginagawa pag hindi na nya kaya ang sakit. Luluha sya saglit pagkatapos ay ngingiti na ulit.

“Van.” Nakikita nya ang pamumula ng mata ni Rean. May namumuo naring butil sa gilid nang mata nito. Alam nyang kilalang kilala talaga sya ng kaibigan. Alam nitong hindi sya ok.

“Ano ka ba Rean. Ako yung napuwing pero ikaw yung iiyak? Ang wierd ah.” She tried to laugh with her own joke to lighten the atmosphere but Rean didn’t buy it. Tumayo ito sa kinakaupuan at niyakap sya mula sa likod. Dahil tuloy sa ginawa nito ay hindi nya ulit napigilan ang luha sa kanyang mata. Sunod-sunod itong nag sibuhos.

Lockheart Series 5- His HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon