02

29.1K 572 23
                                    

ANG DAPAT sana’y date nila ni Josh ay hindi natuloy dahil kinailangan parin nitong umalis. Tinawagan kasi ito nang production team na kung hindi sya nag kakamali ay kasama si Zea.

Kailangan daw nila ng isa pang modelong lalaki dahil hindi nakapunta ang isa. At dahil si Azalea ang pinag uusapan ay hindi na nag dalawang isip si Josh.

Sa totoo lang ay naiinis na sya kay Josh dahil sa pinapakita nitong pag mamalasakit sa babae pero alam naman nya na wala syang karapatang mag reklamo. Isa pa, tuwing mag tatampo sya sa binata ay roromansahin lang sya nito at agad nang napapawi ang kanyang inis.

“Oh bakit ka nandito?” bungad sa kanya ni Rean nang pagbuksan sya ng pinto.

“Wow! Ako na best friend mo bawal pumasok sa unit mo pero si Nick kahit saang pinto hinahayaan mong pumasok. Sagad pa!”

“Vanessa!”

“Ooops sorry! Virgin nga pala yang tenga mo.” sarkastiko nyang sagot dito.

Kasi naman kung makaasta ito eh parang isang berhen na hindi pa nadadapuan ng malaking ibon. Samantalang mukang inaaraw araw din nito ang hobby nila ni Josh. Isa pa, parang ayaw sya ni Rean na pumunta sa condo unit na dati naman na nilang tinatambayan.

Umupo sya sa sofa at hinintay na bigyan sya ni Rean nang maiinom. Alam na nito kung ano ba ang kanyang gusto kaya hindi na nag tanong ang kaibigan.

“Bakit ka nga nandito? Bakit hindi ka mag duty sa Restaurant nyo?”

“Kasi nga ayoko! Tinatamad ako.”
“Ewan ko sayo.”

Kinuha nya ang remote kontrol at namili ng palabas.

Sa sobrang pag kalibang sa panonood ay hindi na nila namalayan ang oras. Nang tignan nya ang wall clock ay nakita nyang alas otso na pala nang gabi. Panigurado ay hinahanap na sya ni Josh dahil ang sabi nito ay babalik ang binata ng bandang alas sais at kakain sila sa labas.

Nang tingnan nya ang kanyang cellphone ay hindi nga sya nag kamali. 43 missed calls and 50 plus messages. Nang basahin nya iyon ay natawa nalang sya.

“where are you Naughty?”

“Van, where are you?”

“Vannesa Galupa where the hell are you?”

“Dammit Naughty, I’m worried. Where the hell are you?”

“Sh*t why aren’t you answering your phone? Why your GPS is off. Why the hell can’t I contact you?”

“Vannessa answer your God damn phone!!!!”

At sa mga huling mensahe nito ay parang nag mamakaawa na ang binata.

“Naughty please. Answer your phone now. Or just at least reply cause I am really worried. Please.”

Parang kiniliti ang kanyang puso sa mensahe nito. Talagang nag aalala sa kanya si Josh at kinikilig sya doon. Ibig lang kasing sabihin ay may halaga sya para dito.

Pero nang sya naman ang tumawag ay ito naman ang hindi sumasagot. Pakiramdam tuloy nya ay pinapaasa lang sya ng binata. “Kala ko pa naman nag aalala ang kumag.” Napag pasyahan nya nalang na sundan si Rean sa kusina upang tulungan itong mag luto. Nang nasa tapat na sya ng pinto ay sakto namang may narinig syang nag doorbell. Marahil ay si Nick iyon dahil sa pagkakaalam nya ay dito din tumutuloy ang binata kada gabi.

Nang buksan nya ang pinto ay nagulat sya ng bigla nalang syang yakapin ng bisita ni Rean. Nang madikit ang kanyang katawan sa katawan nito ay agad na sumuot sa kanyang ilong ang paborito nyang pabango na suot ng paborito nyang lalaki sa balat ng lupa.

Lockheart Series 5- His HeartbreakDove le storie prendono vita. Scoprilo ora