20

20.7K 459 61
                                    

"MOMMY!" naririnig nya ang iritadong boses ng kanyang anak. Inaapura na kasi sya nito upang bilisan na ang kilos dahil excited itong gumala. Unang beses kasi nyang ipapasyal si Zena dito sa bansa mula nang dumating sila.

Nang makalabas sya ng kwarto ay agad nya itong nilapitan. Nakasimangot na ang mukha nito tanda na inip na inip na ang anak.

"Why are you frowning? I told you to always smile right? Nagiging kamukha mo na talaga si daddy." Natatawa nyang pinangigilan ang matambok nitong pisngi.

"What took you sooooooo long mommy?" parang kanta pa ang pagkakasabi nito ng soooooo na ikinatawa nya.

"So impatient baby. Nag paganda pa kasi si mommy."

"We are already beautiful mommy. We don't need that." Mayabang nitong sabi.

"Anak nga kita." Pinupog nya ng halik ang mukha nito na ikinatawa lang ng bata.

"So sad mommy, daddy is not here." Enjoy na enjoy sa pagkain ng spaghetti ang kanyang anak. Kanina ng makita nito ang Jollibee ay tuwang tuwa ito. Ilang beses nitong niyakap ang matabang bubuyog na estatwa. At nang may lumabas na mascot mula sa ikalawang palapag ng store na kanilang kinakainan ay tuwang tuwang naglulundag ang kanyang anak. agad itong tumakbo sa naka mascot at yumakap.

"Nasa work kasi si Daddy." Don't worry sa weekend babawi sya."

"I understand my." Parang matanda nitong sabi at kumain ulit ng manok na hawak.

Natutuwa sya dahil bukod sa maganda ay mahusay pa ng kanyang anak. Hindi lang mukha ng ama ang namana nito kundi pati ang anking talino. Ngayon nga ay kahit hindi nila kasama ang asawa dahil nag tatrabaho na ito sa isang ospital bilang isang heart surgeon ay nauunawaan iyon ng kanyang anak.

"After this, where do you want to go?"

"Hmm." Bahagya itong nag-isip. "Kay daddy, dalhan po natin sya ng lunch."

"Ang sweet naman ng baby ko." Hinalikan nya ito sa pisngi na ikinatuwa nito. Her daughter really loves to be complimented.

Matapos silang mag mall ay pumunta sila sa ospital kagaya nalang ng request ng kanyang anak. Bitbit ang mga pagkaing para sa asawa ay tumuloy sila sa loob at dumiretso na sa opisina nito. Kabisado na nya iyon dahil bago pa man ito nag simulang magtrabaho dito ay nailibot na sila ni Zyroh sa buong ospital. Hindi lang kasi isang surgeon dito ang asawa kundi ito rin ang namamahala ng ospital na ito. Isa kasi ito sa limang branch nang ospital na pagmamay-ari ni Zyroh kasama ang lima pang mga kaibigan na pawang mga doktor din. Ang tatlong branch nila ay nakalagi sa amerika habang ang dalawa ay dito sa pilipinas na nakatokang pamahalaan ng kanyang asawa.

Nang marating nila ang opisina ng asawa ay sumalubong sa kanya ang sekretarya nito. Magalang silang binati at pinapasok sa loob ng opisina ni Zyroh. Ayon dito ay kasalukuyang kinakausap ng asawa ang anak ng bago nitong pasyente. Kaya habang wala ito ay sinabihan nya ang anak na ihanda nalang nila ang pagkain sa lamesa.

"Mommy, matagal pa ba si daddy?"

"I don't know baby why? Naiinip ka na ba?"

"Hmm. Medyo po, I want to eat this chicken na din po."

"Pero baby, kakakain mo lang nyan." Natatawa nyang pinag mamasdan ang mukha ng anak na parang nahiya. Pero dahil mana ito sa kanya ng ugali ay nakaisip agad ito ng irarason.

"I should eat more food mommy so I would grow tall. Kaya ok lang po na mag eat ulit ako ng chicken. I think daddy will don't mind." Proud na proud ito sa naisip.

Ilang sandali pa silang nag hintay bago pumasok ang kanyang asawa. Masayang masaya itong sinalubong ng kanyang anak.

"Daddy eat this."

Lockheart Series 5- His HeartbreakWhere stories live. Discover now