09

21.7K 531 23
                                    

MULA nang araw na mag kausap sila ni Josh ay naging tuloy tuloy na ito. Lagi na silang magkasama kagaya nang dati.

Kung noon, madalang syang sabihan ng binata ng mga lakad nito, na kailangan nya pa itong tanungin ng mga schedules. Ngayon ay nag kukusa na ang binata. Lahat ng pupuntahan ni Josh ay agad nitong sinasabi sa kanya. Personal man iyon o trabaho. Kahit nga ang mga meetings nito na minsang nagiging dahilan ng hindi nila pagkikita ay ipinapaalam nito sakanya. Hindi rin pumapalya ang pagbibigay nito sa kanya ng bulaklak tuwing umaga kahit pa halos magkasama naman sila lagi.

Hindi man nito tahasang aminin pero alam nya at nararamdaman nya na totoo ang sinabi nito noon. That something inside of Josh is growing and that something is for her. Alam nyang lahat ng luha at sakit na kanyang inilabas at naramdaman sa mahigit isang taon na pagiging magkaibigan nila ay nagbunga na. Unti unti na syang minamahal ni Josh.


“Hi Naughty, how are you?”

“Not Good.” matamlay nyang sagot dito. Hindi kasi ito makakapunta sa kanyang restaurant ngayong hapon dahil meron itong lunch meeting. Tuloy ay wala syang kasabay na mananghalian.

“Why? May masakit ba sayo? Kumain ka na ba? Do you need me there?”

“Oo.” Yan ang gusto nyang isagot sa huling tanong nito pero nahihiya sya. Malaking kliyente kasi ang kikitain ngayon ni Josh.

“No wag na. May meeting ka remember? I just have headache but I will be fine soon. Pag nakita nakita.” She want to add again but refrain herself from doing so. Baka naman kasi sabihin ni Josh na masyado na syang nagiging clingy.

“Are you sure? Kumain ka na ba?”

“Not yet. Mamaya na siguro.”

She heard him creaked a bit and hold the line. Ilang segundo din itong nawala sa linya bago ulit nagsalita.

“I’ll be there in few minutes. Is there anything you want me to bring?”

“Huh? Diba may meeting ka? You go with your meeting. Mamaya ka nalang pumunta dito pag natapos na.”

“Is there anything you want me to bring?” pag-uulit nito sa tanong. Hindi man lang nito pinansin ang kanyang huling sinabi.

“Josh-“

“I cancelled the meeting. I don’t want to eat lunch when I know you aren’t having yours. Mas mag aalala lang ako kapag may nangyari sayong masama kaya sasabayan na kitang mag lunch.”

Hindi nya mapigilang kiligin sa sinabi nito. Kahit napakaseryoso ng pagkakasabi non ni Josh, para sa kanya ay napaka romantiko ng ginawa nito.

“But, what about the Russian investors?”

“They are fine. I told them my girlfriend needed me that I cannot make this appointment. They said ok and agreed to re-scheduled it some other time. Matagal tagal pa naman silang mamamalagi sa pilipinas kaya ayos lang.”

Sa haba ng sinabi ni Josh ay ang my “girlfriend needed me” lang ang kanyang naintindihan. Hindi na nya marinig ang iba pang sinabi nito dahil sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Pakiramdam nya ay hihimatayin na sya sa sobrang sayang nararamdaman. Gusto narin nyang maiyak dahil finally narinig nya dito ang mga katagang iyon. Hindi na best friend ang label nito sa kanya kundi girlfriend na.

“O-ok.” all she could say.

“So, wala kang ibang gustong kainin? Nasa basement na ako.”

“N-nothing.”

“Are you sure? Why are you stammering my Naughty, masama siguro talaga ang pakiramdam mo?”

“Yeah. A-a oo masama nga.” Utal utal nyang tugon.

“Fifteen minutes and I’ll knock your door.” He said and ended the call.

Sya naman ay habol hininga ang ginawa ng maibaba ang telepono. Nanginginig din ang kanyang kamay.

Tulala lang syang nakatingin sa screen ng kanyang cellphone at nimamanman ang sinabi ng binata.

“Girlfriend!” hindi nya mapigilan ang mapangiti ng malawak.

Nasa ganon syang ayos ng pumasok si Josh sa kanyang opisina. Mabilis sya nitong pinuntahan at sinapo ang kanyang noo.

“Hindi ka mainit, but you look pale. Ayos ka lang ba gusto mo dahlin kita sa ospital?”

Hinawakan nya ang kamay ni Josh na nakapatong sa kanyang noo. “Josh yung sinabi mo kanina, totoo ba yun?”

His forehead creased. “Yung alin?”

“The-the girlfriend thing.” Nakayuko syang lakas loob na nag sabi sa binata.

Mahina itong natawa at hinalikan ang kanyang noo. “Yeah, if you want to.”


“Of course I want!”

Nakangiting inilapit ni Josh ang mukha sa kanya. “Really? So Its official you are now my girlfriend.”

Siguro sa sobrang excitement, saya, gulat isabay pa na hindi pa sya kumakain ay bigla nalang nag blurred ang kanyang paningin. Kasabay niyon ay ang kanyang panghihina.


“Naughty!” Rinig nyang nag-aalalang sigaw ni Josh bago sya tuluyang nawalan ng malay.



NAGISING si Van sa kulay puting silid. Agad hinanap ng kanyang mata si Josh at nakita nya itong kausap ang doktor.

“J-Josh!”

“Naughty.” Agad itong pumunta sa kanya. Ang doktor naman na kausap nito ay lumabas ng silid. “May nararamdaman ka ba? May masakit ba sayo? May gusto ka bang kainin o gawin o puntahan o inumin? May gusto ka ba-“

“Josh, relax. Ok na ko. Medyo nahihilo pero ayos na. Medyo nauuhaw lang.”

Nagmamadali itong kumuha ng tubig at ibinigay sa kanya.

“Ok ka na ba? Nagugutom ka? May-“

“Josh, wag OA. Ayos lang ako. Itigil mo na yang marami mong tanong.” Natatawa nyang pag pigil dito. “Hindi kasi ako kumain kanina isabay pa yung bigla mong pag dedeclare na boyfriend na pala kita. Kaya ako hinimatay.”

Seryoso itong nakatingin sa kanya. Maya maya ay yumuko ito upang bigyan sya ng magaan na halik sa labi at niyakap sya ni Josh. “I got worried. Natakot ako nung nakita kita na walang malay. Hindi ko alam kung anong gagawin.” Hinalikan nito ang kanyang ulo. “Wag mo na ulit gagawin yun. I feel like dying seeing you unconscious. Too many thoughts already run thru my mind. Paano kung wala ako don nung hinimatay ka? Paano kapag may sakit ka? Paano pag iniwan mo na ko? Pakiramdam ko mamamatay na ko sa kaba.”


“Ang OA.” Natatawa nyang sabi pero sa totoo lang ay naiiyak na sya sa mga pinagsasabi ni Josh. Kulang nalang ay sabihin nitong I love you.


Natigil ang kanilang pag-uusap ng may dalawang doktor na pumasok. Ang isa ay ang kausap ni Josh kanina at ang isa naman ay babaeng doktor.

“Mr. and Mrs. Lockheart, this is Dr. Gonzales, our gynecologist.”

Seryosong nakipag kamay si Josh sa doktor. Akala nya ay itatama nito ang unang sinabi ng doktor that she is Mrs. Lockheart pero hindi iyon ginawa ng binata. Instead, he asked the doctors about her condition as if he is really her husband.

“Don’t worry Mr. Lockheart, your wife is normal. The dizziness and vomiting is usual on her condition.”

“What do you mean? How come it is normal for her to be sick?”

“Mr. Lockheart.” Ipinakita nito sa kanila ni Josh ang hawak na papel. “We run some test on her blood a while ago. And according to the lab test result, your wife is six weeks pregnant. Congratulation Mr. And Mrs. Lockheart!” masaya nitong pahayag.

Sya ay tulalang napahawak sa kanyang tiyan.

She is pregnant? Mag kakaanak na sila ni Josh. Meron nang munting nilalang na nabubuhay sa kanyang tiyan. Masaya syang napangiti sa naisip. Pero napawi din iyon sa pangamba na baka sya lang ang masaya sa narinig. Paano si Josh? Paano kung hindi pa pala ito handa?

Nang tignan nya ang binata ay tulala din ito. Pero nang humarap ito sa kanya ay unti unting sumilay ang matamis nitong ngiti.

Yumuko ito sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha. “Naughty, you heard that? Mag kakaanak na tayo. Magiging daddy na ako.” He said in a misty eyes.










______________________________________

A/N: Ieeeeh, sige na. oo na. haha sige aaminin ko nang sabaw ang update. :P








Lockheart Series 5- His HeartbreakWhere stories live. Discover now