12

20.2K 424 21
                                    

"NAUGHTY, baka gabihin ako nang uwi mamaya. Nag ka problema kasi dito sa set kaya late na kaming nakapag simula. Pero promise pipilitin ko paring umuwi."

"Josh it's ok. Kung late na late na talaga kayo wag ka na lang bumyahe. Ilang oras karing mag didrive diba mula dyan sa Subic? Delikado na."

"Pero wala kang kasama."

"I'm fine. Isang gabi lang naman. Mahigpit din naman yung security dito sa building kaya safe. Wag ka masyadong mag-alala ok? Ayos lang ako."

"Can't help it. Nag-aalala ako kapag hindi kita kasama. Lalo na maselan kayo ni baby. Pag katapos nalang ng shoot ko. Kahit hindi pa tapos yung iba mag papaalam na akong umuwi."

"Babe, ayos lang ako. Basta kapag late na wag ka nang bumyahe. Dyan ka nalang muna mag pahinga. Bukas nang umaga ka nalang lumuwas nang manila."

Narinig nya ang pagbumtong hininga ni Josh. "Sige. I'm sorry naughty. I am supposed to be there beside you but here I am, having photo shoot somewhere far from you and baby."

"Babe, wag ka nang masyadong madrama. Uuwi ka naman bukas kaya ayos lang. Isa pa diba last shoot mo na yan on your modeling career kaya enjoyin mo na."

"Yeah."

"Babe, cheer up. Ayos lang talaga kami ni baby. Tatawag nalang ako sayo pag may nangyari."

Mukang hindi parin talaga kumbinsido ang kanyang kasintahan. Nag-aalala parin ito sa kanya at sa kanyang anak.

Kaninang madaling araw kasi ay bumyahe si Josh patungong Subic, Zambales para sa photo shoot nang isang brand nang damit. Hilig talaga nito ang mag modelo kahit pa may sarili naman itong kompanya na mapagkukunan ng kabuhayan.

Pero bago tangapin ni Josh ang proyekto na ito ay nag paalam muna ang binata. Pinayagan nya ito agad pero nagbigay parin ito sa kanya nang kondisyon. Nangako ang kasintahan na ito na ang huling beses na magmomodelo ito. Gusto daw kasi nitong ibuhos nalang sa kanya at sa magiging anak nila ang buong atensyon ng binata.

Sa una ay tumangi sya sa sinabi ni Josh. Alam nya kung gaano nito kamahal ang ginagawa at ayaw nyang huminto ito dahil lang sa kanya. Pero mapilit talaga ang binata, sinabi nitong mas mahalaga sila at mas mahal sila ni Josh kompara sa trabaho.

"tomorrow morning, promise I'll be there when you wake up. I love you Naughty."

"Ang tamis." She giggled. "I love you too babe. Ingat kayo dyan."

"Yes, we will. Anyway, nasaan ka pala ngayon?"

Insinubo nya muna ang blue berry cheese cake na nasa kutsara bago sumagot. "Nandito sa mall nag shoshoping. But right at this moment I am here at Starbucks eating some yummy blue berry cheesecake and white chocolate."

"Sounds fun. Are you enjoying? Wag ka masyadong mag pagod ah. Wag ka ring masyadong bumili para wala kang bibitbitin. Next time ka nalang mag shopping nang husto para ako ang mag buhat. But if you really want to buy things I can call Aaron to send someone who could accompany and guard you. How was that?"

"Josh, ano ka ba ayos lang ako. Nakakahiya naman sa pinsan mo. Saka may book lang ako na gustong bilhin kaya ako lumabas. Maya maya uuwi nadin ako."

"if that what's my Naughty want." Narinig nya ang boses ng assistant ni Josh na tumawag dito. "Naughty, pano I have to end this call."

"Sure Babe, bye!"

"Bye Naughty, I love you and I miss you already."

Bahagya syang napangiti at namula sa sinabi nito.

Lockheart Series 5- His HeartbreakTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang