05

21.5K 490 58
                                    

Hello CristinaRaganas This chapter is for you. Salamat po sa patuloy na pag shashare ng gawa ko. ;)

Enjoy!

__________________________________

ALAS KWATRO na nang madaling araw pero umaasa parin si Van na uuwi si Josh. Alas ostso ang flight nya. She was hoping that he will come before she leave. Pero dumating nalang ang oras na kaialangan nya nang umalis ay wala pa ito. Umiling nalang sya at ngumiti ng mapakla. Di bale kapag naging maayos na ang kanyang mommy ay babalik nalang sya ulit dito sa pilipinas. Aakitin nya ulit si Josh at hindi sya titigil hangang mahalin din sya nito.

Nang makarating sa amerika ay dumiretso na sya sa ospital kung saan naka confine ang kanyang mommy. Pagpasok nya sa inookupa nitong silid ay nagulat pa ang mga ito kung bakit sya nandoon. Magkakasama pala ang kanyang dalawang lola at isang lolo pati ang kanyang daddy sa pagbabantay sa kanyang mommy. Mukang nagkakasiyahan ang mga ito dahil naririnig nya ang lakas ng kanilang mga tawanan na agad na nawala ng dumating sya.

“Vannesa?” gulat na tanong nang kanyang mommy. Iminuwestra nito ang kamay sa harap tanda na gusto sya nitong mayakap.

“Mommy!” walang ingat nyang inilapag ang bag na bitbit at tumakbo payakap sa ina. “I miss you!” she said sobbing. Natatandaan nyang bata pa sya nang huli syang yakapin ng ganito kahigpit ng ina. Yung yakap na damang dama mong mahal ka. Yung tumatagos yung init nang pagmamahal nito sa iyong puso. Mula kasi nang mag teen ager sya ay naging busy na ang mga ito sa kanilang negosyo at halos makalimutan na sya.

“I miss you more sweetheart.”

“Nagtatampo ako kasi hindi nyo sinabi sakin na naospital si Mommy.” Nakasimangot sya sa kanyang ama.

Nakaupo sya sa kama sa tabi nang ina habang hawak hawak ang kamay nito. Nagtawanan nalang ang kanyang mga lolo at lola pati ang kanyang ina sa kanyang turan. Habang ang daddy naman nya ay napakamot nalang sa ulo.

“Because we don’t want you to worry.” Lumapit ito sa kanya at hinalikan ang kanyang ulo.

“But it is mommy. I will be worried.”

“Sorry na. next time we will tell you right away. Kala kasi naman busy ka sa pilipinas at ayaw ka naming gambalain pa.”

“Hmm. I will not accept that excuse.” Nag tawanan ulit ang lahat sa kanyang sinabi.

Ilang lingo pa syang nanatili sa amerika, bawat araw na nadito sya ay siniguro nyang makakapag bonding sila ng kanyang mommy. Tatlong araw kasi mula nang makarating sya dito ay pinayagan na nang doktor na lumabas ang ina. Ibinilin lang na iwasan ang pagpapagod ng husto pati narin ang stress.

“Kompleto na ba yan lahat wala ka nang nakalimutan? Yung tubig mo nandyan na? Yung make-up kit na binili natin nung isang araw baka naiwan mo.”

“Nandito na po mommy. Nakaayos na po lahat.”

“Ok.” Malungkot itong tumitig sa kanya. “Mamimiss ko ang baby ko.”hinawakan nito ang kanyang pisngi at binigyan sya ng halik sa noo at ilong. “Take good care of yourself always. Don’t forget to call me when you need anything. Be a good girl in Philippines sweetheart ok? Mamimiss kita.”

“I will miss you too mom.” Mahigpit nya itong niyakap. Kung hindi nya lang talaga mahal si Josh ay mas gugustuhin na nyang manatili dito. Ngayon pa na naging maayos na ulit ang relasyon nilang mag-ina. Pero kailangan nya kasing mapasagot muna ang binata. Para naman pag bumalik sya ulit dito sa mga magulang ay hindi sya mangangamba na maagaw si Josh ng iba.

Lockheart Series 5- His HeartbreakWhere stories live. Discover now