25

18.5K 454 44
                                    

"MOMMY."

"Yes baby? Is there anything you want?" iniabot nya sa anak ang chocolate nito na sya namang kinuha at inninom ng bata.

"None Mommy, I'm full." Bumaba ito sa upuan at nagpunta sa kanyang harap.

"What is it baby?"

"hmm. Mommy, ang daming days na po natin nandito sa house ng friend nyo ni daddy. Dito na po ba tayo forever?"

"Namimiss mo na ba yung dati nating bahay?" yumuko it at mahinang umiling.

"May bad guys po doon mommy. Baka po puntahan nila tayo ulit."

"Kaya dito muna tayo kay tito Josh mo hanga't hindi pa nila nahuhuli yung mga bad guys. Ok lang ba yun sayo?"

"Opo, pero sad."

"Why?"

"Hindi po kasi kayo nag-uusap nni tito Josh. Para pong enemy kayo." Sumimangot ito sa kanya. "Enemy mo po ba sya mommy?"

Natigilan sya sa tanong ng anak. Hindi nya alam na napansin pala nito ang pag-iwas nya sa binata. Sa ilang lingo kasi na pananatili nila dito ay ni minsan hindi nya nagawang kausapin si Josh. Lagi syang umiiwas sa tuwing makikita nya itong papalabas sa sariling silid. Tanging sa kayang asawa lang sya nakikibalita ng mga kaganapan, kung nasaan na ba si Zoe.

"No baby, hindi kami magkaaway."

"Bakit po hindi kayo nag-uusap?" inosente nitong tanong.

"Kasi baby, busy si Tito. Oo busy sya kaya hindi kami nakakapag-usap." She lied. Pero sadyang matalino talaga ang kanyang anak.

"But, he's playing with me mommy. Almost every day."

"Really?"

"Yes po, and he is good mommy. Lagi nyang sinasabi na ipoprotect nya tayo sa mga bad guys."

Isang matamis na ngiti nalang ang kanyang isinagot sa anak. Hindi nya kasi alam kung paano ba sasagutin ang mga tanong nito dahil kahit sa sarili nya ay hindi nya maipaliwanag ng maayos ang kanilang sitwasyon. Ang awkward kasi, nakatira silang buong pamilya sa bahay ng kanyang ex.

"Yes Aaron, I am here." Narinig nya ang seryosong tinig ni Josh. He looked disturbed looking for something. But, when he saw her and Zena on the kitchen ay lumambot ang ekspresyon nito. "Ok. I will not leave. Thanks for the information Aaron." Nakatitig ito sa kanya habang nagsasalita.

"Tito Josh." Tumakbo ang kanyang anak kay Josh at nag pakarga. Masaya namang binuhat ng binata ang bata at naglakad ito palapit sa kanya.

"Kain ka na."

"Thanks! Pero pwede ba kitang makausap."

"Huh?"

"Mommy, tito Josh will talk to you daw po." Humarap ang kayang anak sa binata. " Tito, put me down please so you and mommy could talk."

Ibinigay ni Josh ang kanyang anak sa isang kasambahay. Inutusan nito na bantayan ang bata at siguruhing hindi ito makakalabas. Nakita nya rin na may mga dumating na lalaking naka itim at sumasa sa mga tauhan ni Josh upang magbantay sa labas ng bahay.

"What's going on?" kinakabahan nyang tanong.

"May nakita sila Aaron na mga kalalakihang umaaligid malapit dito. But, don't worry everything is well taken care of. Pero sa ngayon hindi muna kayo pwedeng lumabas ng bahay. Masyado pang delikado."

"Si Zyroh?" hindi nya maiwasang hindi mag-alala sa kaalamang wala sa kanilang tabi ang asawa. Oo ligtas nga silang mag-ina pero paano naman si Zyroh? baka may masamang gawin dito si Zoe.

Lockheart Series 5- His HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon