15

20.4K 531 34
                                    

“HI! “ alanganin nyang bati kay Josh nang pumasok ito sa loob ng silid.  Nakita nyang namamaga ang mata nito tanda na kagagaling lang ng binata sa pag-iyak.

Kanina nang magising sya ay tanging si Rean lang ang nabungaran nya. At nang maalala nya ang huling nangyari ay bigla syang nakadama ng takot kaya nawala sa isip nya si Josh.  Pero nang sabihin sa kanya ng doktor na ayos lang ang kanyang anak ay doon lang sya kumalma.

“Naughty.” Nakita nya ang pamumuo ng tubig sa gilid ng mata ng binata.  Mabilis itong lumapit sa kanya at yumakap.  “I’m sorry! “ he said and hugged her even tighter.

Gumanti sya nang yakap dito.  Nang halikan sya ni Josh sa noo ay naramdaman nya na parang may tubig na pumatak sa kanyang mukha.

He’s crying!

Bahagya nyang inilayo ang katawan kay Josh upang titigan ang mukha nito. 

“Why? “ she asked confused.  Alam nyang natakot ito sa nangyari sa kanila ng kanyang anak.  Kahit naman sya ay natakot din pero iba, mas mataas ang lebel na nakikita nya sa mata ni Josh.

“I’m so sorry! “ he keep on blabbing on a very low voice habang nakatitig ito sa kanya.

Sa totoo lang ay nadudurog ang puso nya sa Itsura nito.

“Ok na Josh.  Me and baby are ok, so please stop crying.” Pinunasan nya ang luha nito pero hinawakan ni Josh ang kanyang kamay at hinalikan.

“Alis na muna kami.” Paalam sa kanila ni Rean.  Kasama nitong lumabas sa silid ang asawang si Nick. Tumango lang sya sa mga ito. Nang makaalis na ang dalawa ay ibinalik nya ang tingin sa kasintahan.

“when I saw you bleeding,  I was so afraid.  I thought I will lose you and baby.  I-“ tumikhim ito upang pigilan ang pag piyok.  “I thought you’ll be gone.  Takot na takot ako.” Pumikit ito at dinama ang kanyang kamay na nasa mukha ng binata. “Sorry-“

“Shhhhh.” She cut his words. “Maayos na ako.  Maayos na kami ng anak natin.”

“Kasalanan ko lahat.”

“Josh,  please stop blaming your self.”

“Naughty.” Huminga ito nang malalim. “I am sorry for everything,  Sorry for always hurting you.  For being too weak.  Fo-for being unworthy of your love.” Tuluyan na itong pumiyok sa huling sinabi.

“Josh, ano ba!  Stop saying that.  You are worth the pain.”

“No Van.  I am not.  Hindi ka dapat na nasasaktan.  You don’t deserve to be lied and cheated on.  You don’t deserve this pain.  You don’t deserve this kind of love. I don’t deserve your pure love too.” Tuloy tuloy ang pag agos nang luha sa mga mata nito.

Sa totoo lang ay gulong gulo na sya sa mga sinasabi ni Josh.  Ano ba talaga ang ipinapahiwatig nito?  Bibitiw na ba ito sa relasyon nila?  Akala ba ng binata hindi na nya kayang mag tiis?  O ginagawa lang nitong dahilan ang kanyang nararamdaman para makawala ito sa kanya?  Baka naman sa simula palang ayaw na talaga ni Josh,  napipilitan lang ito dahil nabuntis sya nang hindi sinasadya. Na baka ngayon napagtanto na nito na hindi talaga sya ang mahal nito. O baka kahit kailan ay hindi naman talaga sya?

“Ano bang gusto mong sab-bihin?” she tried so hard to be strong pero tinraydor sya ng sariling bibig ng hindi nya mapigilang mautal.

“You are better off without me. Kasi pakiramdam ko puro sakit nalang yung naibibigay ko sayo.  Hindi man lang kita mapasaya-“

“Shut-up Josh!” galit nyang bulyaw dito. “How dare you used my pain? Why can’t you just say it straight to my face?”

“Naughty-“

Lockheart Series 5- His HeartbreakWhere stories live. Discover now