18

21.1K 548 81
                                    

"VAN, I'm sorry. I'm sorry." umiiyak na pahayag sa kanya ni Josh. Sa totoo lang ay gusto nya itong sigawan, suntukin at kalmutin ng paulit-ulit. Gusto nyang iparanas dito ang sakit na kanyang nararamdaman ngayon. Gusto nyang ipamukha dito kung gaano ito kawalang kwenta. Na dahil sa walang sawang pananakit nito sa kanya ay nawala ang kanilang anak.

Pero hindi nya ginawa..

Hindi nya magawa..

Dahil kahit anong subok nyang iangat ang kamay upang saktan ito. She ended up caressing his face and drying his tears. Instead of punching him, she hugged him. Instead of cursing, she told him its ok and he was forgiven. Oo katangahan nanaman pero iyon ang dinidikta ng kanyang puso kaya yun ang kanyang sinusunod.

"Tahan na Josh." Hinawakan nya ang magkabila nitong pisngi at pinakatitigan ang puro pasa nitong mukha. "Tama na."

"Van." Patuloy na bumabagsak ang luha ng binata. Kitang kita nya sa mga mata nito ang labis labis na sakit.

"Tama si Mommy, may rason kung bakit nangyayari lahat ng 'to satin. B-baka-" huminto sya saglit upang pahupain ang emosyong nararamdaman. Ayaw nyang maging mahina ulit sa harap nito. Ayaw nyang umiyak. Dapat ay maging matapang sya, para sa sarili nya at para sa kanila. "Maybe our angel is not really for us."

"That's my fault Van I'm sorry." bumitiw ito sa kanyang pagkakahawak at lumuhod sa kanyang harapan. "I'm sorry. I'm so sorry."

"Josh ano ba tumayo ka nga." Hinawakan nya ang balikat nito upang patayuin ang binata pero umiling lang ito.

Patuloy itong humingi ng tawad sa kanya habang nakaluhod. Umiiyak at nag mamakaawa.

Iniiwas nya ang tingin kay Josh. Hindi nya kayang makitang nagdurusa ng ganito ang binata. Ngayon nya napapatunayan kung gaano ba kalalim ang pagmamahal nya dito. Na kahit sa pinakamasakit na estado ng kanilang buhay ay mas nanaisin nyang sya nalang ang patuloy na masaktan. Wag na ito. Mas mabuti nang sya nalang ang labis na masdusa. Sa tingin nya ay mas kakayanin nya iyon kumpara sa nakikitang nasasaktan din ito. Dahil para sa kanya, bawat luhang pumapatak mula sa mata ng binata ay katumbas ng isang punyal na tumatarak sa kanyang puso.

"Josh please, tumayo ka na." mahina nyang sabi sa garagal na boses.

Ipinangako nya sa sarili kanina na pipilitin nyang maging matatag pero hindi nya pala kaya. Hind nya magawang maging matibay gayong nakikitang nanghihinang nakaluhod si Josh.

Umiling iling parin ang binata. Nakayuko ito sa kanyang paanan. Nagsusumamo ng kapatawarang hindi pa man ito hingin ay ibinigay na nya.

Huminga sya ng malalim bago yumuko para pumantay sa mukha nito. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ng binata at pilit na pinaharap sa kanya.

"Josh look at me." Nagbabadya ang ang kanyang mga luha pero hindi na nya iyon pinansin pa. "Napatawad na kita. Hindi mo na kailangan lumuhod para lang hingin yon."

Kinagat nito ang sariling labi upang kahit papaano ay mapigilan nito ang paghikbi. Pero tanging tunog lamang ang napahinto nito dahil ang mga luha ni Josh ay patuloy paring bumabagsak mula sa mata ng binata.

"I am such a fool. I am jerk and I fucking hate myself for that."

"Shhh. No you are not. Kagaya ko. Nag mahal ka lang din. You just loved someone more than you love yourself. Binigay mo na lahat lahat doon sa una kaya wala na halos natira para sayo."

"Van mahal kita."

"I know. At alam mong mahal na mahal din kita. But let us just admit it. Kahit anong gawin natin, mo. You can't deny the fact that your love for Zea is greater than what you feel for me. Or what you feel for yourself. Mas mahal mo sya."

Lockheart Series 5- His HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon