26

17.5K 403 45
                                    

"SI ZYROH? where is he? Where is Zyroh?" halos mapaos na sya katatanong sa mga naabutan nilang bombero at tauhan ni Aaron na rumisponde sa nasusunog na ospital.

Noong una pa nga ay ayaw syang isama ni Josh sa pagpunta dito pero nag pumilit sya. Gusto nyang matiyak na ligtas ang kanyang asawa. Pero sa nakikitang katahimikan sa lahat ng taong napagtanungan nya ay unti unting kinakain ng takot ang kanyag buong pagkatao.

"Aaron please tell me, where is Zyroh? Where is my husband?"

"Hindi pa namin sya nakikita mula kanina. According to his assistant nurse, bago mag kasunog may kausap ito sa loob nang opisina. They were arguing and shouting each other so we presumed it was Zoe. Pero walang nakakita sa kanila kung magkasama ba silang lumabas."

"Oh my god, No! baka dinukot sya ni Zoe. Baka may masamang gawin sa kanya yun." Hindi na sya mapakali sa mga tumatakbo sa kanyang isip. Alam nya kung gaano kasama ang kapatid ni Zyroh at kung ano ang maaari nitong gawin sa asawa.

"Van, calm down. SI Aaron na ang bahala sa lahat."

"No, I can't calm down. Hindi mo alam kung anong kayang gawin ni Zoe. He's a living demon, he killed everyone he wanted to, in an instant. Wala syang sinasanto na kahit sarili nyang mga magulang pinatay nya. Pati ang kasintahan at anak nya nagawa nyang patayin!" sunod sunod na bumuhos ang kanyang luha sa mapait na ala-ala. "even me, he demonized me."

"What do you mean?" Bakas sa mukha ng dalawa ang pagkabigla. SI josh ay namumula ang mata na nakatitig sa kanya.

"What do you mean Vanessa? Anong ginawa nya sayo?"

"H-he i-s... he -is Zena's father and h-he is my real husband, not Zyroh."

"Did he- did he?"

Hindi pa natatapos ni Josh ang tanong nang makita sya nitong umiiyak na yumuko.

"P*t*ng- *n* nya! Fuck him! Fuck him!" galit na galit nitong sigaw. "Papatayin ko syang hayop sya, fuck, I'm going to kill him!"

Nanginginig ang kanyang buong katawan dahil sa takot sa nakikitang galit sa mga mata ni Josh. galit na galit ito na parang handang handang pumatay anumang oras. Isabay pa ang kanyang nararamdamang pag-aalala kay Zyroh. sa bawat minutong lumilipas na hindi nila ito nahahanap ay lumiliit ang tyansang maisalba pa ito nila Aaron.

"Jos-h."

"Shhhh." Niyakap sya nito ng mahigpit at hinalikan sa noo. "You are safe now. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo pati kay Zena. I will protect you Naughty. I will." Buong diin nitong sabi sa kanya.

Gumanti sya ng yakap sa binata. At sa mga sandaling iyon, nadama nya ang kapayapaan na matagal na nilang hinahangad ni Zyroh. Kapayapaan na mula sa mapanganib nitong kapatid.

"Wag kang aalis dito naiintindihan mo? dito ka lang, kahit anong mangyari wag na wag kang lalabas ng sasakyan na to." Mahigpit na bilin sa kanya ni Josh. Nasa isang warehouse sila. Ito ang sinasabing pinag tataguan ni Zoe, na sya ring pinag dalhan nito sa kapatid. Thanks to Aaron and his team, madali nilang nalocate ang eksaktong kinaroroonan ng mga ito.

"Oo hindi ako lalabas." Akmang aalis na si Josh nang tawagin nya ito. "Josh, b-be safe. Iligtas mo si Zyroh please."

"I will."

Ilang oras na syang naghihintay sa labas ng warehouse kasama ang ilang tauhan ni Aaron pero hindi nya parin nakikita maski na anino ni Josh o ni Zyroh. Puros mga putok ng baril lang ang kanyang naririnig. At bawat tunog niyong ay nagdudulot sa kanya ng pangamba na baka isa sa mga ito ang napahamak.

"Josh!" nag mamadali syang bumaba ng sasakyan ng makita ang pamilyar na anyo ng lalaking papalabas mula sa abandonadong lugar. "Oh my god! Josh, Zyroh!"

Nakasukbit ang kamay ni Zyroh sa balikat ni Josh at inaalalayang ng huli ang kanyang asawa. parehang duguan ang mga ito, pero mapapansing mas nanghihina si Zyroh. Parang halos wala na itong lakas na maglakad. Hindi narin nito halos maidilat ang mata dahil sa dami nang sugat na nasa mukha ng lalaki. Putok ang labi nito at may nakataling tela ng damit sa ulo nito na may dugo. Paika-ika din itong maglakad dahil sa malaking sugat sa binti.

Sa nakikitang kalagayan ni Zyroh ay hindi nya mapigilang maawa. Bakas na bakas dito ang hirap na sinapit sa kamay ng sariling kapatid.

"Help them please." Pakiusap nya sa isang tauhang kanyang kasama sa sasakyan. Tumalima naman ito at tumakbo upang salubungin si Josh at Zyroh.

Pero hindi pa ito nakakalapit ng makarinig sila ng ugong nang sasakyan.

"Fuck you! You thought you can escape me? No mother fucker, no one- no one can escape with me!" parang baliw na sigaw ni Zoe habang mabilis na pinaharurot ang sasakyan papunta sa kinaroroonan nila Josh.

Mabilis ang naging kilos ng mga tauhan ni Aaron, pinaulanan nila ng bala ang sinasakyan ni Zoe. Kitang kita nang kanyang dalawang mata kung gaano kadaming tama ng baril ang tinamo nito at nang sasakyan pero nagawa parin nitong ituloy ang pagpapaandar sa kotse. Hangang sa makita nya ang pagtulak ni Josh kay Zyroh palayo at ang pag banga nito sa kotseng minamaneho ni Zoe.

"Josh! Zyroh!" mabilis syang tumakbo sa papunta sa mga ito. Hindi nya alam kung sino ba ang una nyang llalapitan. Si Josh o si Zyroh.

"Josh!" bago pa man sya nakarating sa kinaroroonan ni Zyro ay nakita na nya si Aaron na mabilis na dinaluhan ang pinsan. Kaya naman si Zyroh nalang ang kanyang pinuntahan. Agad nyang hinawakan ang leeg nito upang tignan ang pulso ng asawa.

"Zyroh zyroh!"

"Van." Bahagya itong nagmulat ng mata.

"Zy, please lumaban ka. Don't close your eyes- Zyroh, don't close your eyes." Umiiyak nyang sigaw nang makita ang panghihina nito. Dalawang lalaki ang lumapit sa kanya upang buhatin si Zyroh. nang maisakay na nang mga ito ang asawa sa ambulansya ay hindi nya ito iiwan. Nanatili sya sa tabi nito habang hawak hawak nya ang isa nitong kamay. Natatakot sya. Takot na takot na baka pag binitiwan nya ito ay tuluyan na syang iwan ni Zyroh.

"Van."

"Zy, malapit na tayo sa ospital magagamot ka na. Just stay still."

"Mahal kita."

"I know and I love you too. Wag kang bibitiw please. Wag kang pipikit."

"Thank you, Van."

" Zy, please wag ka nang magsalita. Reserve your energy, malaoit na malaoit na tayo. Malapit na."

Pero hindi pa man sila nakakarating sa ospital ay naramdaman na nya ang pagdausos ng kamay ni Zyroh mula sa kanyang pagkakahawak. Nang tignan nya ang mukha nito ay nakangito ito sa kanya. At kahit na punong puno ng dugo ang kabuuhang ulo nito, nakita nya parin sa mga mata ni Zyro ang butil ng luha.

"Zyroh!"










-------------------------------------------------------

A/N: Baka marami nanaman pong magsasabing magulo. hahaha Kalma lang. may kasunod yan agad. I just need some motivation Naughties. :) Comment po kayo ng saloobin. 

Lockheart Series 5- His HeartbreakWhere stories live. Discover now