31

17.6K 419 27
                                    

NAGISING SI Vanessa sa malakas na ingay na nag mumula sa labas. Nang tignan nya ang kanyang katabi ay hindi nya ito makita. “Anong ginagawa nang magaling na lalaki na yan dito?” narinig nyang sigaw nang kanyang Ina mula sa sala. Mabilis syang bumangon at inayos ang sarili bago lumabas.

Nabungaran nya doon ang mga magulang, si Zyroh at Josh. nakayuko si Josh habang sinisigawan ito nang kanyang ina. Nasa gilid naman nito si Zyroh na nakatungo din. Ang kanyang ama naman ay nasa likod nang ina at hinahagod ito.

“Ma, ako po ang nag papunta sa kanya dito-“

“Bakit mo sya pinapunta? Wala syang karapatang tumungtong sa pamamahay nyo nang anak ko. At ikaw na lalaki ka, ang kapal nang mukha mong mag pakita pagkatapos nang pananakit mo kay Vanessa-“

“Ma!” agad nyang nilapitan ang ina at niyakap ito. Hindi nya masisisi ang mga magulang kung bakit ganoon nalang ang galit nila kay Josh. Nakita kasi nang mga ito kung paano sya umiyak, masaktan at magdusa dahil sa sinapit mula sa binata.

Nang bumitiw ito sa kanyang yakap ay muli nitong hinarap si Josh. “Ano pang ginagawa mo dito? Umalis ka na!”

“Ma, please calm down.”

“I will not clam down ‘till he leaves.” Matigas nitong sabi. Kaya naman dahil sa takot na kung ano pa ang mangyari sa kanyang ina, baka mas mabuting paalisin na muna nya si Josh.

Akmang lalapit sya dito pero hindi sya binitiwan nang kanyang ina. “Don’t go near him.”

“Mom, please.”

“Van, please!” mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kanyang kamay. “Don’t go near that bastard.”

Wala na syang nagawa. Humarap sya kay Josh upang kausapin ito. Pero wala pa man syang nasasabi ay huminto na sya.

Nag lakad ito palapit sa kanila. Nang nasa harapan na nila ito ay laking gulat nyang ng lumuhod si Josh sa harapan nang kanyang ina. Namumula ang mata nito tanda na nagpipigil ito nang emosyon.

“Ma’am, alam ko kung gaano nyo ako kinamumuhian dahil sa ginawa kong kagaguhan sa anak nyo. I also despise myself. Alam ko rin na hindi sasapat ang salitang sorry para pahupain ang galit na nararamdaman nyo para sakin. But, believe me ma’am, mahal na mahal ko po ang anak nyo.” Sa huling sinabi nito ay pumiyok na ang boses ni Josh. “Mahal na mahal ko sya.”

“Josh, tumayo ka na.” nararamdaman nya narin ang pamamasa nang kanyang mata dahil sa naririnig mula sa binata. Mahal sya nito, nararamdaman nyang totoo iyon.

“Please ma’am, give me another chance, let me redeem myself and fix all the mess I’ve done. Bigyan nyo po ako nang pagkakataong ipakaita sa inyo at sa anak nyo kung gaano ko sya kamahal. I am begging you ma’am.“ niyuko ni Josh ang kanyang ulo sa paanan nang ina at niyakap ang binti nito.

Hindi nya akalain na kaya iyong gawin ni Josh. kaya nitong lumuhod at ipahiya ang sarili para sa kanya.

“Hindi sapat ang mga salita mo para patawarin kita. I have seen how she’d suffer because of you, and as a mother I will do everything to protect her from the same pain. God knows how much I love my daughter.” Ang matapang na mukha nang ina ay napalitan. Ang kaninang galit na boses nito ay naging garagal. She is about to cry but she managed to suppress it. Para sa kanya nagiging matapang ito.  “Kaya kahit lumuhod ka pa dyan at lumuha nang dugo, kung alam kong sasaktan mo lang din naman ang anak ko. Hinding hindi kita patatawarin.”

Lumapit ang kanyang ama dito at nikayap ito. “Hon, let them be.”

“No!” matigas na pagtutol ng kanyang ina. “Paano pag nasaktan ulit ang anak ko?”

“Malaki na si Vanessa, alam nya na ang ginagawa nya.”

“Still a no. No matter how old she is, Van is still my daughter. I am her mother and I am still in-charge of protecting her.”

“Ma.” Nang tumingin ito sa kanya ay bumuhos ang emosyon sa kanilang dalawa. Kung takot sya, alam nyang mas natatakot ang kanyang ina para sa kanya. Nararamdaman nyang mas malalim ang sugat na idinulot nang kanyang mga naranasan dito. Kaya hindi nya ito masisisi kung bakit ganoon ang reaksyon nito.

Inalalayan ni Zyroh si Josh upang tumayo habang sya naman ay inakay ang ina papunta sa kanyang kwarto.

“Bakit nandito sya?” tanong nito sa kanya nang makapasok na sila. Hindi ito galit, mas nararamdaman pa nga nya sa boses nito ang pag-aalala.

“I love him ma.”

“Paano kung saktan ka nya ulit?” nang hindi sya sumagot dito ay niyakap sya nito ng mahigpit. “You know how much I love you sweetheart. Masakit para sakin tuwing nakikita kitang umiiyak. kaya kahit anong pilit ko, hindi ko parin sya lubos na mapagkatiwalaan.”

“I am fine ma, hindi nya po ako sasaktan.” Hindi na ito nagsalita. Niyaap lang sya nito nang mahigpit.

Ilang minuto din sila sa ganoong posisyon. Nang kumalma na silang pareho ay nag tanong ulit ito.

“Paano si Zena? Kung sakaling matutuloy na mag kabalikan kayo ni Josh paano ang anak mo?”

“Hindi pa po namin napag-uusapan but, definitely she will stay with me.”

“Hindi nya pa alam ang tungkol sa inyo ni Zyroh?”

“Not yet Mom, hindi pa po kami nakakapag usap nang maayos. Wala pa syang alam sa mga nangyayari.”

“Mommy!” umiiyak na pumasok ang kanyang anak sa kwarto. Agad nya itong sinalibong nang mahigpit na yakap.

“Baby, why are you crying?”

Isinubsob nito ang mukha sa kanyang leeg. “Narinig ko po kasi kanina na may nagsisigawan. I thought the bad guys came and fought with you. Baka po saktan ka nila ulit.”
“Shhh. Walang bad guys apo. Sorry you hear lola’s shouting. Pero walang bad guys.”

Nag angat ito nang tingin sa lola. “Tinalo na sila ni tito Josh?” she innocently asked. Parang hinaplos ang kanyang puso sa tanong nito.

“Yes baby.”

“Buti nalang po.” She said. Bumaba na ito mula sa pagkakakapit sa kanya at lumapit nang yakap sa lola. “Momy La, you know what. When you are not here, there were bad guys. Sinaktan po nila si mommy and they tried to get me. Buti nalang po dumating si tito josh, he brawled with them and rescued me and mommy.” Anakangito nitong kwento sa lola.

Sya naman ay nanonood lang sa dalawa. Natutuwa sya na maganda ang imahe ni Josh sa kanyang anak. at sana makatulong ito upang kahit papaano ay magawa nang kanyang ina na bigyan ng isa pang pagkakataon ang binata kagaya nang kanyang ginawa.

Lockheart Series 5- His HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon