28.02

15.9K 283 12
                                    

Hi CrizDeMz ito na po yung kasunod.  :D

SA NAKALIPAs na buwan ay nagpatuloy ang pagkakaibigan nila ni Josh. Tinulungan sya nito sa pagpapatayo ng bagong branch ng restaurant. Hindi nya kasi akalain na ito pala ang bumili ng dati nyang restaurant na ibinenta nya noong nag desisyon syang pumunta ng amerika. Halos ibigay na nga nito sa kanya iyon pero hindi sya pumayag, binili nya dito ang kalahati ng shares na sinang-ayunan naman ng binata. Dahil doon ay mas naging madalas ang kanilang pagkikita lalo pa ng magdecide sya na mag-dagdag pa ng dalawa pang branches.

“Ayos ka lang ba? You looked so tired.” Nagulat sya ng may bigla nalang magsalita sa kanyang harap. Hindi nya namalayan na nakapasok na pala si Josh sa kanyang opisina.

“Nandyan ka pala. Sorry I didn’t notice you.” he was wearing his three-piece suit. Mukhang kagagaling lang nito sa sariling kompanya.

“Nah, it’ ok. Kumain ka na ba?”

Nang tignan nya ang oras ay alas kwatro na nang hapon. Tamang tama naman na biglang kumulo ang kanyang tiyan dahil sa gutom.

“You didn’t?” nakataas ang kilay nitong tanong sa kanya.

“I forgot.” She smiled awkwardly.

“Stand-up Naughty, let’s eat.” He looked annoyed at the same time worried.

“No Need, padating narin naman sila Zyroh. We are going out today remember. Sa labas nalang ako kakain.”

“O-oh kay.”

“Would you like to join us.” She offered. “ipapasyal lang naman namin si prinsesa Zena. You know how she always demanded that to us.”

“Hindi na. Thanks for the invite tho.”

Kagaya nga ng kanyang sabi. Ilang minuto lang ay bumukas na ang kanyang opisina at iniluwa noon ang kanyang napakagandang anak. “Mommy- hi tito Josh.” Zena greeted Josh. Inangat pa nito ang kamay tanda na nag papabuhat ito which Josh gladly did. “Tito Josh, sasama ka po sa amin?”

“No baby, siguro next time nalang family bonding nyo kasi yan.” 

“But, you are part of the family.” Zena said confused. “Sabi po ni daddy Zyroh you will soon to be---“ dali dali nyang tinakpan ang bibig ni Zena bago pa nito masabi ang hindi dapat sabihin. Kinuha nya rin ito mula sa pagkakakarga ni Josh.

“She’s not saying anything.” She told him. At bago pa man ito makapag tanong ay nagmadali na silang nag-paalam at lumabas sa kanyang opisina bitbit ang maganda pero madaldal nyang anak.

Nang makasakay sila sa sasakyan ay sinermonan nya si Zyroh.”Ikaw kung ano-anong sinasabi mo sa anak ko. Yan tuloy she almost tell josh about it.”

“Talaga?” and he laughed. “Baby, what did you tell to tito Josh?”

“I wasn’t able to tell him anything dad. Tinakpan po kasi ni mommy ang mouth ko.” Sumbong nito na mas ikinatawa ni Zyroh.

“Ganun ba? Sad naman. Si mommy kasi masyado pang pakipot.” Patuloy na pang aasar nito sa kanya.

“Daddy ano yung pakipot?”

“Yun yung-“

“Zyroh!” kung mag-usap ang dalawang to parang wala sya dito. Pakiramdam nya tuloy ngayon ay pulang pula na ang kanyang mukha sa sobrang hiya.

“Ito na po tatahimik na. Pikon.” Bulong nito pero narinig parin nya iyon. Pinandilatan nalang nya ng mata si Zyroh na ikinatawa nito ng husto.

Tulog na tulog na sa sasakyan ang kanyang anak matapos nilang mamasyal. Natatawa nalang sila ni Zyroh dahil sa kalikutan nito ay masyado itong napagod. Matapos nya itong punasan at palitan ng damit ay hinalikan nya ito sa noo at lumabas na ng silid. Nang pumasok sya ng kusina ay naabutan nya pa doon si Zyroh na umiinom ng tubig.

Lockheart Series 5- His HeartbreakTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang