17

19.9K 545 90
                                    

MANHID yan ang nararamdaman ngayon ni Vannesa.  Mula ulo hangang paa wala na syang pakiramdam.  Kung pwede nga lang pati puso nya patigilin nya na rin sa pagtibok para matuluyan na talaga. 

“Anak.”
Bahagya nyang sinulyapan ang kanyang ina na lumuluha sa kanyang tabi.

“Uwi na tayo ma.” Walang emosyon nyang tugon dito.

“Van.” It was Rean.  Kagaya ng kanyang ina ay umiiyak din ito.  Sa gilid nito ay nandoon si Zea na namumula rin ang mata.  Nang ilibot nya ang paningin ay nakita nya ang kanyang ama,  si Nick at si Ravin.  Lahat sila ay nakatingin sa kanya ng may lungkot ang mga mata. 

Tinignan nya si Rean na hawak ang kanyang kamay ay marahang nginitian. “Ri, uwi na tayo.” Nag patulong sya ditong bumangon na agad namang ginawa ng kaibigan. “Dad, is my bill already settled? Gusto ko na po kasing mag pahinga sa bahay.” Isang matipid na ngiti din ang kanyang ibinigay dito.

“Yes sweetheart.” Lumapit ito sa kanya at hinalikan ang kanyang noo. “everything is settled. Magpapadala lang ako dito ng wheelchair para gamit mo-“

“No need dad. Kaya ko naman po.”

“Van.”

“Ri, ayos lang ako. Ok lang bang pakikuha yung damit ko?  Magpapalit lang ako para makauwi na tayo.”

Kinuha nito ang kanyang hinihingi at ibinigay sa kanya. Nang tatayo na sana sya ay nag presinta ang kanyang mommy na samahan sya sa loob ng banyo pero hindi na nya ito pinayagan.  Nag pumilit pa ito pero ang kanyang ama na ang nag sabi sa kanyang ina na hayaan nalang muna sya.

As soon as she enters the comfort room. Doon biglang bumuhos ang kanyang masaganang luha. Ayaw man nyang maramdaman ang sakit na halos pumatay sa kanyang buong pagkatao ay hindi naman nya iyon magawa. Kaya naman ipinikit nya nalang ng mariin ang kanyang mga mata upang pigilan ang pag patak ng luha pero hindj iyon nakatulong.  Dahil nang ginawa nya ito ay samo’t-saring imahe ang pumasok sa kanyang isipan.  Masasakit na ala ala na kahit kailan ay hindi na nya nais pang balikan. At kahit na imulat na nya ang mata,  nananariwa parin sa kanyang utak ang lahat.

Gusto nya sanang tignan ang sarili sa salamin pero hindi nya magawa.  Natatakot sya sa pwede nyang makita doon.  Natatakot syang titigan ang sariling mga mata. Baka hindi nya kayanin ang sakit na makikita nya doon.  Basga Natatakot sya.

“Van,  sweetheart!”

Pinilit nyang patatagin ang boses upang sumagot. “Ma? Malapit na po akong matapos.” And luckily she did. Pinunasan nya ang muka at nagmadaling nagbihis.  When she open the door she pretended to be ok.

Nang makalabas sya ay sinalubong agad sya nito. Inalalayan sya ng kanyang mga magulang mula paglabas ng ospital,  pagsakay sa kanilang sasakyan hangang sa makarating sila sa kanyang condo. Pati nga si Rean at Zea ay hindi rin sya iniwan. 

“Gusto ko na pong magpahinga.” Isa-isang mahigpit na yumakap sa kanya si Rean at Zea.  Nang bumitiw ay inalalayan sya ng kanyang ina na pumunta sa kanyang kwarto. Nang umupo sya sa kama ay hinawakan ng kanyang ina ang kanyang mga kamay. Hinalikan nito iyon.  Hinawakan din nito ang kanyang mukha saka sya hinalikan sa noo. Sa ginawa nito ay doon na nya hindi napigilan ang paglabas ng damdaming kinikimkim.

“M-ma.” Papiyok nyang tawag dito habang tuloy tuloy ang pagbagsak ng kanyang luha.

“Shhh. Sweetheart.” Niyakap sya nito.  “Mama is here.  Hinding hindi kita iiwan.”

“Ma, mama.”

“I know.” Hinagod nito ang kanyang likod upang kahit papaano ay kumalma sya. Pero kahit ang haplos nito ay hindi magawang maibsan ang kanyang nararamdaman.

“M-ma,  gu-s-gusto ko na ma-“

“Shhh.  Don’t say that. Please honey don’t say that.  Maawa ka sa sarili mo.  O kung hindi man,  please maawa ka saamin ng daddy mo.  We love you so much.”

“P-pero wala akong kwenta.”

“That’s not true! Anak please alam kong nasasaktan ka. Lahat naman tayo nasasaktan, pero wag mong iisiping wala kang kwenta.  You are everything baby,  you are our everything. Kaya please wag mo namang isipin na iwan kami ng daddy mo. I can’t afford to lose you, not you my daughter please.”

“Pero ma,  ang sakit sakit na.  Hindi ko alam kung kaya ko pa ba-“

“You can anak. Me,  your dad,  rean and all your friends are here for you.  Mahal na mahal ka namin.  Mahal na mahal kita anak.”

“But ma,  this pain is too much.”

“I know. Kaya nandito kami.” ihinarap sya nito.  Pinunasan ng kanyang ina ang kanyang mga luha. “We will help you. I know what your feeling now is unbearable but believe me.  God has a better plan for you,  for us.  Manalig ka lang anak.”

“Ayoko na ma.”

“Van.-“

“Hindi ko na kaya.  Sana namatay nalang din ako.”

“Shhh!” muli sya nitong niyakap ng mahigpit. “Sweetheart don’t say that please.”

“Mama,  sana namatay nalang ako- sana sana nawala nalamg din ako kasama ng anak ko.”





_______________________________

A/N: hopefully her last pain :(

Lockheart Series 5- His HeartbreakWo Geschichten leben. Entdecke jetzt