28.01

21K 463 63
                                    

GAYA NGA nang napag-usapan nila ni Zyroh. nang mag-umaga ay agad nyang tinawagan si Josh. mahigit isang buwan narin kasi mula nang huli nya itong makita. Natatandaan nya pa kung gaano kasakit ang eksenang iyon.

Pinilit nya ang binata na lumayo na sa kanyang pamilya. Nag makaawa ito sa kanya pero hindi nya ito pinakingan. Mas nangibabaw sakanya ang kagustuhang magkaroon si Zena ng buong pamilya sa piling nila ni Zyroh. Na kailangan nyang pigilan ang damdaming muling umusbong para kay Josh dahil sa hindi nito pag-iwan sa kanya sa nakalipas na mga buwan. Sinabi nya sa sarili na madali nya ring makakalimutan ang damdamin para dito. Minsan na nyang nagawang patayin ang pagmamahal sa binata. At sa pangalawang pagkakataon ay gagawin nya ulit iyon.

"Josh." Garagal nyang boses ng sagutin nito ang tawag. Wala syang naririnig sa kabilang linya pero alam nyang nakikinig ito. "Pwede ba kitang makita? Pwede ba tayong mag-usap ngayon?"

"Saan?" sinabi nya dito ang lugar . sumang-ayon naman ito at sinabing pupunta doon sa oras na napag-usapan.

Mabilis syang nag asikaso ng sarili at nag bihis. Nang nakagayak na ay hinanap nya si Zyro at Zena. Nag paalam sya sa dalawa ng maayos. Ngumiti naman sa kanya si Zyroh habang ang kanyang anak naman ay binigyan sya ng matamis na halik.

Nang makarating sa restaurant ay sinabi nya ang pangalan ng binata. Inakay sya ng waitress papunta sa isang silid. Pagkapasok ay doon nya nakita si Josh, nakatutok ang mata nito sa kanya na para bang sinusuri ang kanyang buong pagkatao mula ulo-hangang paa.

Tumayo ito mula sa upuan at lumapit sa kanya. Magalang nitong pinaalis ang waitress. Inalalayan sya ni Josh papunta sa lamesa at ipinag hila pa sya nito ng upuan.

"Josh."

"Pwede bang kumain muna tayo?" malumanay nitong pahayag ngunit wala syang anumang emosyong nakikita sa mga mata nito. "Baka kasi hindi na tayo ulit makakain nang sabay pagkatapos ng araw na to."

"Josh."

"Don't worry, malapit nang dumating yung pagkain. I order in advance so we could eat fast."

"Josh, I just-." Pero imbes na pakingan sya ay tumayo ito.

"Wait, I will just follow-up our order. Ang tagal."

Tumayo ito pero hinawakan nya ang kamay ng binata. "Josh, listen. Stop avoiding me. Let's talk."

"ok." Bumalik ito sa pagkakaupo at tumingin sa kanya. Nakikita nya ang lungkot sa mga mata nito. Hindi nya alam kung para saan ba iyon.

"Josh, I am here to say thank you. Thank you for helping us, for protecting my family and for saving us from Zoe. Thank you na kahit muntik mo nang ikamatay yung pagsagip mo samin ginawa mo parin."

"Dahil mahal kita. Gusto kong iparamdam sayo kung gaano ka kahalaga. The things I failed to do when you were with me. I want you to know that you are worth the sacrifice, you are worth to die for." Mahina nitong sabi. Namumula din ang mata nito. "Mahal na mahal kita, I am willing to catch the bullets so you will not be wounded. I will gladly die just to make sure you are safe. Ganun kita kamahal." Ngumiti ito ng mapait sa kanya. "Pero alam ko na lahat ng sakripisyo na to, walang wala kumpara sa mga sakripisyong ginawa mo noon para sakin. This pain I am enduring right now has nothing compare to what you have been thru while you are with me." Hinawakan nito ang kanyang kamay at inilagay iyon sa mukha nito. "I am such a fucking fool for making you feel worst. Ako na ang pinaka tangang tao sa buong mundo dahil nasaktan kita. I am sorry Van. kaya mula ngayon, ipinapangako ko na kahit anong mangyari, poprotektahan ko kayo. You and your family."

"Josh, hindi mo naman kailangang gawin yun."

"I have to." Nakikita nya sa mga mata nito ang sakit at pagdurusa. "I will do it. Kahit na paulit ulit akong pinapatay sa tuwing nakikita kitang kasama yung pamilya mo ayos lang. I better leave this way, I'd rather die seeing you happy with someone else's arms while protecting you than totally lost you."

Lockheart Series 5- His HeartbreakWhere stories live. Discover now