29

17.4K 399 30
                                    


Hi jingky-jong, sana mapangiti ka nito.  :)

PINAGMAMASDAN ni Josh si Vanessa na mahimbing na natutulog. Mukha itong pagod.

Napangiti nalang sya sa naisip. Pagod naman kasi talaga ang dalaga. Pagkatapos kasi nilang kumain sa restaurant ay dinala nya ito sa kanyang condo unit. Dito ilang beses nilang pinag saluhan ang init ng kanilang pagmamahal sa isa’t-isa. Paulit ulit nyang ipinadama kay Vanessa ang kanyang kasabikan. Ang kanyang nag uumapaw na saya dahil sa wakas kasama na nya ito.
Anim na taon matapos silang maghiwalay ni Van, ay sa wakas narinig na nya ulit mula sa bibig ng dalaga ang mga katagang matagal nya nang inaasam asam. Mahal sya nito. Hindi sya nito iiwan. Hindi ito aalis.

Hindi pa malinaw sa kanya kung ano ba ang nangyari dito at kay Zyroh na asawa ni Van. Hindi nya alam kung naghiwalay ba ang dalawa? o kung magiging lihim ba ang relasyon nila dahil may asawa pa ito. Hindi nya alam. But, he is willing to gumble. Handa syang maging kabit ni Van kung yun ang nanaisin nang dalaga. Handa syang maging madumi nitong lihim at handa rin syang maging pangalawang ama ni Zena kung sakaling hiwalay na ang mga ito.

“I love you so much.” He whispered and kissed her forehead. Hindi nya namalayang sa sobrang saya na kanyang nararamdaman, umupaw iyon at bumuhos sa kanyang mga mata. Hindi nya lubos inakala na darating pa sa kanya ang ganitong pagkakataon. Akala nya noong iwan sya nito ay yun na ang katapusan ng lahat.

Dalawang buwan ang nakalipas mula nang umalis si Vanessa ay ipinasya nyang sundan ito sa amerika. Hindi na nya kayang tiisin pa na hindi ito makita. Alam nyang labis labis itong nasaktan sa kanyang ginawa. At alam nyang hindi pa sapat ang mga panahong magkalayo sila upang maghilom ang sugat sa puso nang dalaga pero hindi na nya matiis. Sabik na sabik na syang makita ito. Pakiramdam nya, sa bawat araw na hindi nya ito nasisilayan ay unti unting lumiliit ang tyansa na bumalik ito sa kanya.

Natatakot sya.

Kaya naman inutusan nya ang kanyang sekretarya na asikasuhin ang lahat. Pero bago sya mag pakita dito. siniguro muna nya na wala nang maaaring maging hadlang sa kanilang dalawa. Kinausap nya si Yer, ang modelo na nakasiping nya noon. Tinanong nya dito ang buong nangyari at ipinag tapat nang dalaga na walang namagitan sa kanila.
Hallucination nya lang iyon. Epekto ng drugs na inilagay nito sa kanyang inumin. Umamin ito na noong una, gusto talaga nitong may mangyari sa kanila. Hindi naman kasi lingid sa kanyang kaalaman na may gusto ang dalaga sa kanya. Pero nang ihatid na daw sya nito sa kanyang silid ay paulit ulit nyang binibigkas ang pangalan ni Van. Kaya nakonsensya ito, imbes na ipilit ang sarili sa kanya ay nagkasya nalang ito na matulog sa kanyang tabi.

Kaya nang magising sya kinaumagahan ay buong akala nya may nangyari sa kanila. Lalo pa nang magising syang tanging boxer lang ang suot habang ito ay naliligo sa kanyang banyo.

Noong sabihin ito sa kanya ng dalaga ay nagalit sya pero sa kabilang banda ay nag papasalamat dahil hindi nya pala pinag taksilan si Van.

Kaya mas minadali nyang makapunta kung nasaan ang dalaga upang mag paliwanag dito. alam nyang hindi sapat ang kanyang sasabihin pero umaasa sya na kahit papaano ang maiibsan ang nararamdaman nitong sakit. Iniisip nya na pag sinabi nya kay Van na walang nangyari sa kanila noong babaeng katrabaho nya, mababawasa ang insecurities nito sa sarili. Hindi na nito iisipin na maraming kulang dito, na madali lang syang palitan at lokohin.

Ang dami nyang planong gagawin kapag nagkita sila ni Van. iniisip nya na luluhod ulit sya sa harap nito, kahit ilang ulit nya pa iyong gawin ayos lang. Basta kausapin lang sya ng dalaga. Pero nang nakarating na sya doon, nang makita na nya si Vanessa na nakaupo sa isang park malapit sa bahay nito Ay nadurog ang kanyang puso.

Nakahangad ito at nakapikit ang mga mata. Habang walang humpay ang pagbagsak ng mga luha ng dalaga. She is crying. Looking at her in pain is making his heart sink! It is like there are unsharpened knife stabbing his chest over and over till it bleeds. He can feel his heart being crumpled and torn into many pieces. Gusto nya itong lapitan pero hindi pala nya kaya. Gusto nyang ikulong ang dalaga sa kanyang mga bisig at aluin ito. Pero alam nyang mas madaragdagan lamang ang pagdurusa ni Vanessa kapag nakita sya. Gusto nya itong hagkan pero naduduwag sya. Kaya pinag kasya nya nalang ang sarili na tignan ito sa malayo. Nakuntento na sya na titigan ito at bawat luhang pumapatak sa mga mata nito ay sinasabayan nang kanya.

“Im sorry Van, I’m so sorry.” yan ang paulit ulit nyang sinasabi. Nagbabakasakaling maririnig ito nang dalaga nang sagayon ay kahit papaano maibsan manlang ng kaunti ang dinaramdam nito.

Limang buwan syang nanatili sa amerika. Palihim nya itong sinusundan kahit saan ito mag punta. Akala nya ay walang makakapansin sa kanyang ginagawa pero hindi sinasadyang nakita sya ng mga magulang ni Van. Nagalit ang mga ito sa kanya. Pinalalayo sya ng mga ito sa kanilang anak. Ilang beses syang lumuhod sa harap ng mga ito upang payagan syang tignan kahit sa malayuan ang dalaga pero matigas ang mga ito. Hindi nya rin naman masisisi dahil anak nila ang sinaktan nya. Kaya kinabukasan, may mga police galing Philippine embassy ang kumatok sa kanyang hotel suite. At dahil sa katangahan nya na hindi asikasuhin ang kanyang visa extesyon ay napa deport sya.

Gustong gusto nyang magwala nang mga panahon na iyon. Gusto nya sanang manatili kung nasaan si Van pero hindi na nya iyon magawa. Nag patulong sya kay Nick na asikasuhin ang anyang papeles upang makabalik sya ng amerika. Pero habang inaasikaso nang kanyang pinsan ang kanyang papeles ay may dagok nanamang nangyari.

Namatay ang kanyang tiyahin na kapatid nang kanyang ina. Ito nalang ang itinuturing nang kanyang ina na kaisa isang karamay matapos pumanaw nang kanyang ama. Kaya nang mawala ito ay sobrang depresyon ang naidulot nito sa ginang. Noong araw pa nang libing nang kapatid nito ay inatake ang kanyang ina sa puso na muntikan na nitog ikamatay. Kaya sa takot na mawala ang ina sa kanya ay nanatili sya sa tabi nito. Sa awa nang diyos, makalipas ang ilang taon ay tuluyan na itong gumaling. Unti unti nang bumalik ang lakas nito kagaya nang dati. Kaya nang masiguro nya na kaya na nito ay nag paalam sya sa ina. Gusto nyang puntahan si Vanessa sa amerika upang sunduin ito. Umaasa sya na sa nakalipas na ga taon. Kahit papaano ay naghilom na ang sugat na dinulot nya sa dalaga. Sana napatawad na sya nito.

Pero nang pumunta sya doon ay isang masakit na balita ang bumungad sa kanya. Nang puntahan nya ang simbahan na sinabi sa kanya ng katulong nila Vanessa ay nakita nya ang dalaga. Nakatayo ito sa altar habang naka harap sa isang lalaki. Kitang kita nya sa mga mukha ni Van ang kasiyahan habang pinapakingan nila ang sermon ng pari. At nang sabihin ni Vanessa ang katagang I do pakiramdam nya tumigil sa pagtibok ang kanyang puso. Huminto para sa kanya ang mundo. Daig nya pa ang binaril sa dibdib. Ang sakit! Hindi nya akalain na may ganong klaseng pakiramdam. Na may ganong katinding sakit. Halos hindi na sya makahinga. Ayaw nya nang huminga.

“I love you!” he saw those words in her lips despite his blurry vision. Sinabi iyon ni Van sa lalaking kaharap nito bago naglapat ang labi nang dalawa.
 

Lockheart Series 5- His HeartbreakNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ