16

20.4K 502 52
                                    

DALAWANG araw na mula ng makalabas sya ng ospital ngunit hindi parin nya nakikita si Josh. Ang huling kita nya dito ay noong mag-away sila. Mula noon hindi na ulit ito nagpakita. Nang makalabas din sya ng ospital ay hindi sa condo nito sya tumuloy kundi sa sarili nyang unit. Doon sya nag pahatid kay Rean at Nick.

Noong una pa nga ay gusto ng mga ito na sa bahay ng dalawa sya tumira upang mas mabantayan sya ng kaibigan pero tinangihan nya ang alok nito. Hindi naman kasi sya responsibilidad ng kaibigan. Kung may dapat man na mag-alaga at mag bantay sa kanya ay dapat si Josh iyon. Pero wala ito.

"Hindi ka na iiyak. Hindi ka na iiyak." Pag kausap nya sa sarili habang pilit na inaalis ang bigat sa kanyang dibdib. "Baby, sorry ah kasi pati ikaw nadadamay sa stress ni mommy. Sorry anak."hinawakan nya ang kanyag limang buwan na tiyan. Sa isang lingo ang nakatakda nyang pagbisita ulit sa kanyang doktor upang alamin ang kasarian ng kanyang baby. Ipinag darasal nya na sana bago iyon ay magpakita na sakanya si Josh. Sana sa araw na iyon ay masamahan sya ng binata.

Nag lalakad sya sa loob ng mall upang humanap ng bakery. Gusto nang kanyang anak na kumain ng frozen cake kaya naman ipinasya nyang lumabas ng bahay. Habang naglalakad ay napansin nya ang dalawang taong masayang nag-uusap sa loob ng isang restaurant. Ayaw man nyang gambalain ang mga ito pero may gusto lang syang alamin. Isa pa matagal na nya talagang gustong makausap ang babae.

Pumasok sya sa loob at nag tuloy sa upuan nila Zea. Kasama nito ang asawang si Ravin at masayang nag kukwentuhan ang dalawa. Habang papalapit ay mas lalo nyang napagmamasdan ang mukha nito. Isang beses palang nya itong nakita ng personal at inaamin nyang na iinsecure sya sa ganda nito. Isipin pa na buntis ito noong mga panahon na iyon. Pero ngayon, ilang buwan matapos itong manganak ay parang walang bakas na nag buntis ito at nag luwal ng tatlong bata. Para itong isang dyosa sa ganda. Isang anghel na kakababa lang mula sa langit. Hindi na nakakapag taka na humaling na humaling dito si Josh.

"Hi." She greeted them.

"Van, Hi." Tumayo ito at hinalikan sya sa pisngi. Sa ginawa nito ay gusto nyang mapaluha. Ang bait bait nito. Samantalang sya ay walang ibang ginawa kundi patayin ang babae sa kanyang isip dahil sa labis na pagmamahal ni Josh para dito. "Hey are you ok?" natataranta nitong tanong ng makita ang pamumuo ng kanyang luha.

"Can I talk to you?"

"Sure!" inalalayan sya nitong umupo sa binakanteng upuan ni Ravin. "Rav, ok lang ba iwan mo muna kami? Tatawagan nalang kita pag mag papasundo na ko." Tango lamang ang isinagot nito sa asawa bago ito halikan at umalis.

Nang maiwan na silang dalawa ay hindi na nya napigilan ang emosyong nararamdaman.

"Zea, pano ba maging ikaw?" she asked her with her tears rolling in her eyes.

"Vanessa ano bang sinasabi mo? nasaan ba si Josh? Bakit hindi mo sya kasama?"

"Alam mo bang mahal na mahal na mahal ka ni Josh?" imbes na sagutin ito ay iyon ang kanyang sinabi. "Sobrang mahal ka nya na hindi man lang nya ko magawang mahalin kagaya ng pagmamahal nya sayo. Despite marrying his cousin and giving birth to his nieces. Ikaw parin yung mahal nya."

"Van, mahal ka ni Josh. Oo sinabi nya sakin na gusto nya ko pero matagal na yon. Alam kong sa ngayon ikaw na yung mahal nya-"

"He want to break-up with me."

"Van."

"He said I am better without him, knowing that I am carrying his baby. Hindi ko alam kung ano pa bang hindi ko nabibigay. Kung ano pa bang kulang sa pagmamahal ko sa kanya. Then I realized, maybe the reason why he can't love me is because I am not you. I am not Azalea Montes whom he love so much. Kaya gusto kong malamann kung paano ba maging kagaya mo? paano ba ko magiging Zea para mahalin din ako ni Josh?"

Tumayo ito at niyakap sya. Alam nyang puro kabaliwan ang kanyang sinasabi kay Zea pero inilalabas lang naman nya ang lahat ng damdaming matagal nya nang kinikimkim. Ilang beses nyang inisip noon na kung sya ba si Zea mamahalin na sya ni Josh kagaya ng pagmamahal nito dito? matatangap na ba nito na magkakaanak na sila? Hindi na ba sya masasaktan kagaya ng nararamdaman nya ngayon?

"Van, please. Don't stress yourself. Kung gusto mo kakausapin ko si Josh para ayusin kung anuman ang hindi nyo pag kakaunawaan. Please van, baka makasama pa sa anak nyo yang pag iyak mo." patuloy nitong hinagod ang kanyang likod.

"Kaya siguro mahal na mahal ka ni Josh kasi ang bait mo." she smiled bitterly. "All my life I always get what I want. I never tried to get envy with something or someone. Pero nung nakita kita, lahat ng meron ka kinaingitan ko. Even the way you smile, kasi feeling ko yun yung rason kung bakit mahal na mahal ka ng lalaking mahal ko."

"Van."

"Sorry." madali nyang tinuyo ang mukha. " pasensya na sa abala." Pinilit nyang ngumiti dito. "Naistorbo ko pa tuloy kayong mag-asawa sa date nyo. Pasensya na sa kadramahan ko ah." Tumayo sya mula sa upuan. Aalis na dapat sya pero niyakap sya nito ng mahigpit.

"You are great Van. You are already perfect as being you. Wala ka nang dapat baguhin. Hindi mo na kailangan maging ako o maging kahit na sino para lang mahalin ka cause I can clearly see how beautiful person you are."

Gumanti sya ng yakap kay Zea. Hindi nanaman nya napigil ang paglandas ng luha sa mga sinabi nito. "Sana makita nya rin yan."

"No Van, sana makita mo yan. Buksan mo lang yung mata mo makikita mo kung gaano ka kaganda. Kung gaano karami ang nag mamahal sayo. You are worth to be loved Van. Hindi ko alam kung hindi ba talaga yun nakikita ni Josh but one thing is for sure. No don't need t change anything cause you are already perfect."

"Thank you!"

Nang matapos silang mag-usap ay nagpasya itong samahan sya sa paghahanap ng gusto nyang kainin. Tumangi pa sya sa alok nito pero mapilit si Zea kaya wala na syang nagawa. Ang asawa naman nito ay tahimik lang na nakasunod sa kanila.

"Ang alam ko may branch ng caramia dito. doon masarap yung mga melted cakes." Hawak nito ang kanyang kamay habang hinahanap ang sinasabing bakeshop.

Nakakatawa lang isipin na kanina nag-iiyakan silang dalawa pero ngayon daig pa nila ang mga batang excited makita ng hinahanap na pagkain.

"Just make sure na masarap yan ah. Magagalit sayo ang anak ko pag hindi." She kidded and they both laugh with her words.

Nang makita na nila ang sinasabi nito ay nag mamadali silang pumasok.

Abala silang namimili ng flavor ng cake na bibilhin nya ng may mapansin. Nang makasiguro sa kanyag nakikita ay bigla syang natigilan. Napansin naman iyon ni Zea kaya tumingin ito sa kanya saka bumaling sa direksyong kanyang tinitignan.

"Oh my God!" napasinghap ito.

Mula doon ay kitang kita nila kung paanong hinawakan ng babae ang mukha ni Josh at siniil ito ng halik. Sa nasaksihan ay parang tumigil sa pagtibok ang kanyang puso.

"Van!" yun ang hui nyang narinig bago naging blangko ang lahat.

Lockheart Series 5- His HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon