23

18.1K 433 38
                                    

Hello sa mga admins ng NAUGHTY LOCKHEARTZ, lalo na kay Yer at Cris na todo effort sa pagames.

Hello Din sa mga magpaparticipate mamaya. Enjoy!

---------------------------------------------------------------------

NAGISING si Vanessa sa isang puting silid. Nang subukan nyang tumayo ay saka nya lang ininda ang sakit ng kanyang kamay. Halos hindi nya iyon maigalaw.

"Van, thank god your awake."

"Rean, nasan ako? Si Zena? Nasaan ang anak ko." Pinipilit parin nyang tumayo pero masyado talagang masakit ang kanyang kamay. Lumapit si Rean sa kanya at tinulungan syang makaupo.

"Nasa ospital ka. Zena is fine. Si mika at Zea yung nagbabantay sa kanya."

Medyo nakahinga sya ng maayos sa narinig.

"Sila Zoe, nasaan sila? Paano kami nakaligtas ni Zena? Kagabi may narinig akong sinabi nung tauhan ni Zoe na may lalaking namatay sino yun?"

"Van, keep calm. Kailangan mo yun para gumaling agad yang sugat mo. saka mo na alamin lahat. Don't stress yourself too much."

Pinilit nyang gawin ang sinabi ni Rean. Ipinikit nya ang mata upang pakalmahin ang sarili pero hindi nya magawa.

"Dok, glad you're here. Paki tignan na po ang kaibigan ko."

Nang tignan nya ang doktor na pumasok sa loob ay hinihiling nya na sana ang asawa nya ito pero hindi, kaya mas lalo syang kinabahan.

"Mrs. San Jinez, how do you feel now?"

"Nasaan si Zyroh?" imbes na sagutin ang tinatanong nito ay hinanap nya ang asawa. nangangamba sya na baka may masamang nangyari dito.

"Van, please."

"I want to know where is Zyroh? ayos lang ba sya?"

"Van, unahin mo muna yung sarili mo. kailangan mong mag pagaling."

"Rean, where is Zyroh? Please Ri answer me. Nag aalala ako sa asawa ko."

"He is fine!" nagulat sya nang marinig ang baritonong boses ni Josh. Hindi nya namalayan na nakapasok na pala ito sa kanyang silid. "Ayos lang sya." Nakatingin ito sa kanya.

Nakita nyang may benda ang kaliwang braso nito at namumula ang kabilang pisngi ng binata. Ang mga mata nitong nakatitig sa kanya ay puno ng mga emosyon. Saya, sakit, pagmamahal? Hindi nya alam kung tama ba ang kanyang nababasa o posible bang magsama-sama ang mga emosyong iyon.

"Josh."

"Kami na ang bahala sa mga humahabol sa inyo. Magpagaling ka na Van, wag ka nang mag-alala para sa anak at- kay Zyro. Ako nang bahala. I will make sure your- y-your family is safe." Nakita nya ang pagbalatay ng sakit at lungkot sa mata ni Josh habang sinasabi sa kanya iyon.

"Josh." Gusto nyang takbuhinn ang binata at yakapin ito upang kahit papaano ay maibsan ang nakikita nyang kalungkutan sa mga mata nito. Gusto nyang magpasalamat sa binata at the same time to apologize for the trouble she and her family caused him. Na kahit hindi madali para dito ay ginagawa parin iyon ni Josh. He is protecting her together with her daughter and husband. At alam nya kung gaano iyon kabigat, ang tulungan ang pamilya ng taong mahal mo.

"Magpagaling ka. Gumaling ka lang ayos na ko." Mapait itong ngumiti sa kanya bago lumabas ng kanyang silid.

Hinayaan nya lang ang doktor na usisain ang kanyang sugat habang sya ay nakatingin sa pintong pinag labasan ni Josh. Alam nyang nasasaktan ito. At aaminin nya, kinakain sya ng kanyang konsensya dahil alam nyang sya ang dahilan ng nararamdaman nito.

Lockheart Series 5- His HeartbreakWhere stories live. Discover now