14

20.4K 489 47
                                    

ILANG araw nang napapansin ni Vanessa ang pagiging balisa ni Josh. Lagi nya itong nahuhuli na nakatingin sa kanya na para bang may gusto itong sabihin. Pag tatanungin naman nya ang binata ay ngingiti lang ito at sasabihing. "Nothing, I just love staring at you. I love you Naughty." Pero nakikita naman nyang hindi man lang umaabot sa mata nito ang ngiti.

Hindi na nya sana papansinin ang inaasta Josh pero parang mas lumalala iyon. Lalo pa nang makatangap sila nang imbetasyon mula sa dati nitong modeling agency. Mag kakaroon kasi nag victory party ang dati nitong kompanya at inaanyayahan silang dalawa na lumahok. Pero si Josh ay parang ilag na ilag sa ideya, at gusto nyang malaman ang dahilan.

"Babe." Nakaupo ito sa sala habang nanunood ng basketball.

"Yes Naughty?" kinuha nito ang kanyang kamay at hinalikan iyon. Pinaupo din sya ni Josh sa kanydungan nito at niyakap.

"Is there anything wrong?" huminga sya ng malalim bago ipinag patuloy ang sasabihin. "Lately napapansin ko na parang wala ka sa sarili. I know somethings bothering you and I want to know that."

Naramdaman nyang natigilan ito. Isinubsob ni Josh ang ulo sa kanyang likod at mas hinigpitan pa nito ang yakap.

"Naughty." Mahina nitong bulong.

"Josh, kung ano man yan handa akong makinig. I will not judge you I promise."

She wants to assure him. Nararamdaman nya kasing mabigat ang dinadala nang binata.

"I-I'm sorry Van." He said that made her heart ache. Hindi pa man nito sinasabi ang detalye pero malakas ang kutob nya na nagkasala nga ito.

Hindi man nya gustuhin pero hindi nya mapigil ang pamumuo ng luha sa kanyang mata at ang tuloy tuloy na pagbuhos non.

"What happened?"

"I-m sorry. I'm so sorry. Sana mapatawad mo ko. I love you so much. Natatakpt ako na mawala ka so please Naughty wag mo kong iiwan. Nag mamakaawa ako sayo."

Nanginginig ang boses ni Josh tanda na umiiyak din ito. Tumayo sya mula sa pag kakakandong sa binata. Ito naman ay natatarantang yumakap sa kanya.

"Josh, aayos lang ako ng upo. I want to see you telling everything to me. Lahat lahat." Kahit na halos hatiin na ang kanyang puso ay pinipilit parin nyang mag pakatatag.

Binitiwan sya ni Josh ay hinayaan sa kanyang gagawin. Umupo sya sa tabi nito at tinignan ang binata. Ito naman ay hinawakan ang kanyang kamay at nag simulang mag salita.

"I-I slept with someone else."

Sa sinabi nito ay parang hinati pirapiraso ang kanyang buong pag katao. Hindi lang pala basta panaginip ang kanyang naranasan. Indikasyon din pala ito na totoong may kasamang iba si Josh.

"W-when?"

Gusto nyang mag wala at pagsasampalin ang binata pero pinigil nya ang kanyang sarili. Nasasaktan sya sa nalaman pero natatakot sya dahil alam nyang mas masakit kapag mawawala ito sa kanya.

"During my last photoshoot. I-m sorry Van. Hindi ko sinasadya."

"Josh, mahal mo ba ako?"

"Yes of course mahal na mahal kita." Lumuhod ito sa kanyang harap. "mahal na mahal kita at natatakot akong mawala ka sakin. Mahal na mahal kita and I am so sorry for always hurting you. Pero Van, believe me. Hindi ko yon gusto. I was-I was drunk. I don't exactly know what happened."

"Yung babae mahal mo ba?"

"No! Ikaw lang yung mahal ko. Kayo nang magiging anak natin."

"Pano kung mabuntis mo sya?"

Napasabunot ito sa sariling buhok dahil sa kanyang tanong. Nakikita nya na nahihirapan din si Josh at nag sisisi ito sa nagawa. Siguro sa ngayon ay sapat na iyon upang tangapin ang kasintahan. Alam nyang sya naman talaga ang mahal nito.

"We will solve it when it happened." Pag papakalma nya dito. gulat na gulat itong tumingin sa kanya.

"Hindi ka galit? Hindi mo ako iiwan?"

Hinawakan nya ang mukha ni Josh at pinunasan ang luha doon.

"Believe me Josh, I am mad. I am hurt and I feel worse than what you think I felt. Sa totoo lang gustong gusto kitang sampalin. Gusto kong sabihin sayo na ang kapal kapal nang mukha mong saktan ako nang paulit-ulit. Kahit pa sabihing hindi mo sinasadya. But I just can't. sapat na sakin na makitang nag sisisi ka. Sapat nang sinabi mong ako yung mahal mo at hindi yung babaeng nakasama mo, kung sino man sya. Sapat na sakin na ako yung inuwian mo. I maybe sounds like martyr but I don't care. Masyado kitang mahal. Mas kaya kong masaktan dahil nandyan ka kumpara sa iiwan mo ko. Masyado kitang mahal Josh. Kahit sobra-sobrang sakit na."

"I am so sorry!"

Nginitian nya ang binata at ibinaba ang mukha sa mukha nito upang gawaran si Josh nang halik. Gusto nyang alisin sa kanyang isip na may ibang labi na tumikim sa labi nito. Na may ibang kamay na humaplos sa katawan ni Josh at may ibang babae na nagpaligaya dito.

Pagkatapos nang magaan na halik at tinignan nya ang mukha ng binata.

"You are now forgiven. But please wag mo na masyadong sakitan. I know I told you I can handle all the pain pero wag sobra. Natatakot din ako na baka bumigay na yung puso ko. Ayokong dumating sa punto na hindi ko na kaya, na sumuko na ko. I don't want that to happen kaya nakikiusap ako sayo na sana, sana huli na to."

"Pangako hindi na kita sasaktan. Hindi na kita paiiyakin dahil sa sakit. Hinding hindi na."

Nginitian nya ang binata at tumayo. Nag paalam sya dito na mag babanyo muna sya.

Nang mapag isa sa banyo ay doon nya lubos na ibinuhos ang nararamdamang sakit. Doon sya humagulgol nang malakas at doon sya nag mura nang pauit ulit. Umupo sya sa tiles sa ilalim ng shower at doon nya pinroseso lahat. Iniisip nya kung ano pa bang kulang sa kanya? Ano pa abang hindi nya naibibigay kay Josh para mag hanap ito nang iba? Ano bang maling nagawa nya ay nasasaktan sya nang ganito? Mali ba talaga na mag mahal sya nang sobra sobra?

Habang umiiyak ay naramdaman nya ang pagragasa nang matinding sakit sa kanyang puson. Agad syang napahawak sa kanyang tiyan at natakot.

"Ah-aray! Josh! Josh!" tawag nya sa binata. Pinipilit nyang tumayo upang lumabas ng banyo pero napahinto sya ng makita ang dugo sa kanyang mga hita. Habang tumatagal ay mas tumitindi ang sakit na kanyang nararamdaman. "Josh! My, baby please save my baby."

Nag mamadaling pumasok sa banyo si Josh. Nang makita sya nito ay nataranta din ang binata. At bago pa sya mawalan nang malay narinig nya ang sunod sunod nitong pagmumura at ang pagpangko nito sa kanya palabas.

Lockheart Series 5- His HeartbreakWhere stories live. Discover now