Cornelia II

1.2K 20 13
                                    

"TELEKINESIS, is an alleged psychic ability allowing a person to influence a physical system without physical interaction. Psychokinesis and telekinesis are sometimes abbreviated as PK and TK respectively. Examples of psychokinesis could include moving an object, levitating and teleporting."

Sumasakit na ang mga mata ko sa pagbabasa ng makapal na librong 'to about sa telekenisis. Sabi dito kailangan ng matinding focus at konsentrasyon para mapagalaw mo ang isang bagay ng hindi ito hinahawakan. Kailangang makabuo ng hindi nakikitang pwersa para mapalutang o mapagalaw ang mga bagay. Kailangang isipin mong mabuti kung ano ba ang gusto mong mangyari. Kailangan ng effort at matinding kapayapaan sa paligid.

Nakakabasa rin ako ng mga blog sa internet na nagsasabing mahirap ang magpagalaw ng bagay. Ilang taon daw nila itong pinag-aralan. Matagal na panahong pinagtuunan ng atensiyon.

Pero siguro kung gifted ka ng ganitong powers hindi ka mahihirapan. Hindi mo na kakailanganin pa ng effort at matinding konsentrasyon para mapagalaw ang mga bagay na gusto mong pagalawin. Hindi mo na kailangan pang pag-aralan ng mahabang panahon para magkaroon mg ganitong abilidad. Kapag pinanganak ka ng may ganitong kakayahan magiging madali na para sayo ang magpagalaw, magpalutang at magmanipula hindi lang mga bagay kundi maging ng mga tao.

KRRRIIIIING. KRRRIIIIING.

Bell na. Tapos na ang vacant period ko. Mabilis kong sinara ang libro. Hihiramin ko to at babasahin sa bahay. Kinuha ko ang bag ko at hinanap ang library card ko. Wala! Nasapo ko ang noo ko ng maalalang iniwan ko pala sa bahay ang wallet ko kung saan nakalagay ang aking library card. Tsk, sayang naman. Gusto ko talaga tong hiramin eh.

Mabigat sa loob kong inayos ang bag ko. Kinuha ko ang libro para ibalik sa shelf. Ilang segundo ko rin itong tiningnan bago umalis para pumunta sa aming class room. Nakakailang hakbang pa lang ako ng maramdaman ko na biglang bumigat ang likod ko. Siguro, dahil lang sa bag ko. Hindi ko iyon pinansin at dumiretso sa paglalakad papunta sa pinto ng library.

Hihilahin ko na sana ang pinto para buksan iyon nang pigilan ako ng librarian.

"Wait, miss!" Malumanay nitong sabi.

Napalingon ako at tiningnan ko siya na para  bang nagtatanong. Inayos niya ang kanyang salamin at nilahad ang kanyang kamay.

"A-- ano po yun?" Nagtataka kong tanong.

"Library card." Sabi niya.

"Ha? Bakit po?" Nagtataka kong sabi. "Wala naman po akong hiniram na libro."

"Eh ano yang libro na nasa likod mo?" Nakataas ang kilay niyang tanong.

Napatingin ako sa salamin na pintong nasa gilid ko at nanlaki ang mata ko ng makitang nakadikit sa bag ko ang librong binabasa ko kanina. Bigla itong natanggal sa pagkakadikit sa bag ko at bumagsak.

"Oh..." Nabigla kong sabi nang malaglag ang libro. Napatingin ako sa librarian. Nakataas pa rin ang kilay niya. Umiling-iling ako. "Hi-- hindi ko alam kung paano yan nap-- napunta sa likod ko."

"Itatakas mo ba yan?" Mataray na tanong ng librarian at saka tumayo.

"Ha?" Umiling ako. "Hindi po, hindi ko po talaga alam kung paanong--"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may humawak sa braso ko.

"Sorry po Ma'am." Magalang na sabi ng babaeng nakauniform. Kaedad ko lang siguro siya. "Kaibigan ko po siya at pinadala ko lang po sa kanya itong librong 'to." Yumuko siya para damputin ang nabagsak na libro. "Ako po kasi ang hihiram. Here's my library card."

Nananantiyang tiningnan ng librarian ang babaeng humawak sa braso ko bago kinuha ang kanyang library card. Tumingin sa akin ang babae at nginitian ako. Maganda siya at maamo ang mukha.

"You may go." Mataray na sabi ng librarian at lumabas na kami sa library.

"Thankyou!" Nahihiya kong sabi sa babaeng tumulong sa akin .

"No prob." Sabi niya at ngumiti. "Here's your book."

Inabot niya sa akin ang librong tungkol sa telekinesis.

"Salamat ulet." Nakangiti kong sabi. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "I'm Cornelia. Ikaw?"

"Charlene Visi." Tinanggap niya ang  kamay ko at nagshake hands kami. "Sabay na tayong pumunta sa room naten."

Tumango ako. Nakakatuwa naman na first day of school pa lang pero may bago na akong kaibigan.

Nasa tapat na kami ng Room 888 nung tumigil kami sa paglalakad.

"Dito na yung room ko Visi." Sabi ko.

"Dito ka din?" Masaya niyang sabi.

"Bakit?" Gulat kong tanong. "Dito ka din ba?"

"Yes." Masaya niyang sabi. "Classmates!"

Tinaas niya ang kanyang kamay para makipag-apir. Sa sobrang saya ko ay nakipag-apir ako.

Nung naglapat ang mga palad namin ay may mahinang hangin ang sumampal sa aming pisngi, parehas kaming napaurong.

"Woah!" Gulat na sabi ni Charlene habang inaayos ang kanyang buhok. "What's that?"

Nakatitig lang ako sa kanya. Nagshrug ako para iparating sa kanya na hindi ko rin alam.

"Ta-- tara na! Late na tayo." Aya ko sa kanya. Tumango siya at magkasabay kaming pumasok sa room.

------------------------------------------

A/N : Kamustaaaa? Ayps lang ba? Comment ka po ha. Salamat.

Cornelia [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon