Teaser for Book 2 : Cornelia's Revenge

537 14 7
                                    

Amoy ng gamot…

Nakabibinging katahimikan…

Malamig na hangin…

Yan ang nararamdaman ko ngayon. Dahan-dahan. Maingat na maingat ay idinilat ko ang mga mata ko. Salamin. Malinaw at babasaging salamin ang bumungad sa akin. Nakita ko ang sarili kong repleksyon. Wala akong kahit na anumang suot. May mga tubo na nakakabit sa aking dibdib, hita, binti, braso, leeg, at ulo. Dahan-dahan ay ginalaw ko ang ulo ko at ibat-ibang makina na parang gamit sa hospital na hindi ko alam kung para saan ang nakita ko sa tabi at paanan ng hinihigaan ko. Nagtataka kong tiningnan ang mga sugat ko na tinamaan ng bala. Magaling na iyon, tanging peklat na lang ang naiwan. Nasaan ako? Anong lugar 'to?

Hindi alintana ang aking kahubdan, dahan-dahan akong tumayo at napagtanto kong nasa gitna ako ng isang silid na ang kisame at mga dingding ay gawa sa mga bubog na salamin. Saan man ako tumingin ay ang hubad kong repleksyon ang nakikita ko.

Mabilis at natataranta akong napatakip sa katawan ko ng isang parte ng salamin na dingding ang bumukas, niluwa noon ang isang nakaputing babae na nakasuot pangdoktor. Nakasuot siya ng salamin. Kulay kahel ang kanyang buhok at may angking tapang na mababakas sa kanyang mukha.

"Gising ka na pala." Bungad niya.

"S-sino ka? Asan ako? Asan si Onyx?" Sunod-sunod kong tanong.

Sumilay ang tipid na ngiti sa kanyang labi na sinundan ng pagtaas ng kilay.

"Ako si Dr. Farrah Simson, isang scientist at nandito ka ngayon sa espesyal na silid na dinisenyo para lang sayo."

"Scientist ka?"

Naglakad siya palapit sa akin.

"Oo. At ikaw ay nasa pangangalaga namin dahil sa iyong pambihirang kakayahan. Ikaw ay magiging sentro ng aming eksperimento. Pag-aaralan ka namin at aalamin ang kakaiba sa 'yo. Magiging isang kagilagilalas na pagtuklas ito sa larangan ng siyensiya."

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Pag-aaralan nila ako. Hindi! Ayoko! Aalis ako dito!

Tiningnan ko ang mga salamin. Babasagin ko sila. Nagfocus ako at nagconcentrate pero nabigo ako. Walang nangyari sa salamin.

Tumawa si Dr. Farrah.

"Wag mo nang pilitin ang kakayahan mo dahil katulad nga ng sinabi ko kanina espesyal ang silid na 'to," hinaplos niya ang mukha ko. "Espesyal dahil hindi mo magagamit ang telekenisis mo rito."

"Hindi!" Sigaw ko. Nagpumiglas ako pero hindi ako makaalis sa higaan ko.

"Nagtataka ka kung bakit hindo ka makaalis sa higaan mo? Yun ay dahil gawa sa modernong pasilidad ang laboratoryong ito. Hindi ka makakaalis sa higaan mm kahit kailan!"

"Hayop ka! Hayop kayo! Pakawalan niyo ako rito. Palabasin niyo ako!" Pagwawala ko.

Tumatawa siyang naglakad palayo sa akin, papunta sa lugar na pinasukan niya kanina at biglang bumukas muli ang parteng iyon. Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.

"You will be our greatest work Cornelia. You're mine now! Amin ka na!"

"Hindi! Hindi ako papayag!" Nagpupuyos sa galit kong sigaw.

Kasabay ng sigaw ko ay ang pagkabasag ng suot na salamin sa mata ni Dr. Farrah. Gulat siyang napatingin sa akin. Hinubad ang basag na salamin at saka padabog na lumabas ng silid.

Hindi ako pwedeng makulong dito! Kailangan kong makalabas! Kailangan kong iparamdam ang poot at paghihiganti ko kay Pepper at sa lahat ng may kaugnayan sa kanya.

Aalis ako dito. Aalis ako at ipaparamdam sa kanila ang pait ng paghihiganti ni Cornelia!

Abangan…

Cornelia [Completed]Where stories live. Discover now