Cornelia XXVIII

319 8 2
                                    

"Kailangan mong mamatay Cornelia gaya ng pagpatay namin sa mga lolo at lola mo!"

Nanlilisik ang mga matang sabi niya at kinalabit ang gatilyo ng baril.

Mabilis akong dumapa at tumama ang bala ng baril sa lampshade dahilan upang malakas iyong mabasag. Hawak ang dumudugo ko pa ring braso ay pilit akong gumapang para makapagtago. Lumingon ako sa pwesto ni Papa at nakita kong mabilis siyang lumapit sa akin.

Napahiga ako at nakita ko sa harapan ko ang galit na hitsura ni papa. Parang hindi ang ama kong nagpalaki sa akin ang kaharap ko. Ibang-iba siya.

Tinutok niya sa akin ang baril.

"Wag papa… Anak niyo po ako… Papa…" Nagmamakaawa kong sabi at pilit iniangat ang kamay ko.

Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko dahil sa ibat-ibang emosyon.

"Hindi kita anak! Wala akong anak na demonyo!" Galit na galit niyang sigaw. Kakalabitin na sana niyang muli ang gatilyo ng baril nang sumigaw ako.

Kasabay ng malakas kong sigaw ay ang pagtilapon niya sa ere. Malakas siyang bumangga sa may pinto at padapang lumagpak sa sahig.

Hindi ko sinayang ang pagkakataon at nagpumilit akong tumayo. Nakita ko si Mama na tumakbo papunta sa kusina. Susundan ko sana siya ng isang sigaw ang narinig ko sa likuran ko. Mabilis akong humarap sa pinanggalingan ng sigaw at itinapat ang kamay ko sa lalaking susugod sana sa akin, si Papa. Labag man sa loob ko ay iniangat ko ang kamay ko dahilan para lumutang din si Papa.

"D-demonyo ka!" Sigaw ni Papa.

Bumagsak ang luha ko dahil sa sinabi niya. Ano ang nangyayari sa kanila? Hindi ko inaasahan na katulad pala ng ibang tao ang pamilya ko. Katatakutan rin pala nila ako.

"P-papa… Hindi po ako demonyo! Ayaw ko pong masaktan ko kayo… parang awa niyo na po, tigilan na natin 'to… Umalis na tayo dito." Umiiyak kong sabi.

"Hindi! Papatayin ka rin namin! Demonyo ka…"

"T-totoo po bang… P-pinatay niyo sina lolo at lola?" Nauutal kong tanong.

"Oo! Pinatay namin ng nanay mo ang mga magulang namin dahil katulad mo rin sila. Demonyo rin silang kagaya mo!" Sigaw ni Papa.

"A-ano pong s-sinasabi niyo?" Naguguluhan kong tanong.

"May kakayahan sila ng katulad sa iyo! Kampon din sila ni Satanas at ikaw… Nalahian ka nila. Demonyo ka kaya dapat mamatay ka din!"

"Kelan niyo ba maiintindihan na hindi ako demonyo. Telekinesis ang tawag sa kakayahan ko. Kayo ang demonyo, dahil pinatay niyo ang mga magulang niyo. Mamamatay tao kayo!"

"Wala akong pakialam! Kailangang patayin ang mga demonyong katulad niyo! Kahit ikaw ang huling bata sa aming angkan hindi ako magdadalawang isip na patayin ka!"

"Papa…" Naibulong ko.

Bigla akong nahilo dahil sa sugat ko sa balikat dahilan para mawalan ako ng konsentrasyon at bumagsak si Papa sa sahig. Napaupo ako habang hawak ang dumudugo kong balikat. Mabilis na tumakbo si papa at kinuha ang baril sa lapag. Itinutok niya sa akin ang baril, madiin akong pumikit, handang maramdaman ang sakit ng pagtama ng bala. Hindi ko alam kung kaya ko pang gamitin ang aking kakayahan. Malakas ang kaba ng dibdib ko.

Sampung nakabibinging putok ng baril ang pinakawalan niya. Pero wala akong sakit na naramdaman. Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakalutang ang mga bala sa harapan ko.

"P-papa t-tumakbo ka na!" Sigaw ko pero huli na ang lahat. Mabilis na bumalik ang bala at sabay-sabay na tumagos sa dibdib ni papa… Sa mismong tapat ng kanyang puso.

"PAPA!" Malakas kong sigaw.

Bumulwak ang dugo mula sa bibig ni Papa, nasapo niya ang dumudugo niyang dibdib. Paluhod na bumagsak, hanggang sa tuluyan ng bumagsak padapa sa sahig.

"Papa! Diyos ko!" Tatakbo sana ako palapit sa walang buhay na katawan ni papa ng biglang mabasag ang bubog na salamin namin. Gulat akong napatingin sa nabasag na bintana at nakakita ako ng isang malaking bato sa lapag. Napasigaw ako ng magsimulang ulanin ng malalaking bato ang aming bahay.

"Lumabas ka diyang demonyo ka!" Sigaw ng isang lalaki sa labas.

"Salot ka sa bayang ito!" Sigaw naman ng isa pa.

"Batuhin natin ang bahay ng mangkukulam na iyan!" Sigaw muli ng isang lalaki at ang sumunod ay ang nakabibinging tunog ng nagbabagsakang bato sa aming bubong at pader. Nakabibingi rin ang pagkabasag ng mga bubog na bintana at ng aming mga kasangkapan dahil sa mga malalaking bato na pumapasok sa aming bahay.

"Mama!" Sigaw  ko at payukong tumakbo papunta sa kusina. Binuksan ko ang pinto. Lumingon si mama. Tatakbo na siya papunta sa akin. Pero nanlaki ang mga mata ko ng isang boteng may may nag-aapoy na mitsa ang pumasok mula sa bintana ng kusina. Pampasabog!

Mabilis kong inabot kay mama ang kamay ko.

"Ma--"

Isang pagsabog ang pumutol sa sasabihin ko. Tumilapon ako sa sulok ng kabahayan at sunod ay ang pagkalat ng nakakasilaw at nakakapasong init sa buong kusina kung saan naroroon si mama.

"Hindi! Mama!" Yan na lang ang tangi kong naisigaw.

Mabilis akong tumayo at desperadong tumakbo para lumapit sana sa kusina pero matinding init ang pumigil sa akin.

Isang sigaw na punong-puno ng sakit ang aking narinig mula kay mama!

"MAMA!" Malakas kong sigaw.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kailangan ko ng tubig! Nagmamadali akong pumunta sa banyo, hindi alintana ang mga batong nagliliparan sa bahay. Pinalutang ko ang lagayan namin ng tubig at mabilis na tinapon ang laman nun sa kusina. Kahit may apoy pa ay sumuong ako at nakita ko ang nag-aapoy at wala ng buhay na katawan ni mama. Parang nanigas ang katawan ko sa dahil sa nakikita ko sa harapan ko. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Parang biglang naging madamot ang hangin sa baga ko dahilan para maghabol ako ng paghinga. Lumabo ang mga mata ko at ang sumunod ay ang masaganang pagbagsak ng aking luha.

"M-ma-mama!" Hindi ko na napigilan ang malakas na paghagulhol. Mabilis akong lumuhod sa harap ng sunog na katawan ni mama. Hindi alintana ang sakit mula sa mainit na sahig. Mas masakit ang nararamdaman ko sa puso ko. Pakiramdam ko ay isang malaking bato ang nakadagan sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay sinasakal ako. Pakiramdam ko ay isang libong suntok ang natamo ko sa dibdib ko.

Patay na ang mga magulang ko at dahil iyon sa pesteng kakayahan ko! Patay na ang pamilya ko! Mag-isa na lang ako! Hindi sana mangyayari 'to kung hindi dahil kay Pepper. Hindi sana mangyayari to kung hindi dahil sa mga taong makikitid ang utak at hindi kayang intindihin ang kakayahan ko. Magbabayad sila… magbabayad sila… Sinira nila ang buhay ko… maghihiganti ako! Ipaghihiganti ko ang mga magulang ko!

Magkahalong poot at pagdadalamhati ang nararamdaman ko ngayon. Yumuko ako at hinalikan si mama saka tumayo.

"MAGBABAYAD KAYO!"

Nanlilisik ang mga mata kong naglakad papunta sa pinto. Ramdam  ko ang panginginig ko dahil sa labis na poot na nararamdaman ko.

I stretch my arms forward at sa isang iglap ay nadurog ang pinto. Tumambad sa akin ang maraming tao na may hawak na mga sulo, itak, bato at kung anu-anong armas.

Natigilan sila ng makita ako.  Mababakas ang takot sa mga mukha nila.

Kayo ang may kasalanan ng lahat ng ito! Magbabayad kayo!

"Patayin siya!" Sigaw ng isang lalaki.

Sumigaw ang mga tao bilang pagsang-ayon. Pero bago pa nila itaas ang mga hawak nila ay punong-puno ng galit kong kinumpas ang kamay ko at sa isang iglap ay sabay-sabay na tumilapon ang lahat ng tao sa ere at bumagsak sa kalsada.

"Pagsisisihan niyo ang lahat ng ginawa niyo sa akin at sa pamilya ko!"

…to be continued

Cornelia [Completed]Where stories live. Discover now