Cornelia XIV

327 8 1
                                    

School. Sunday.

Kapapasok ko lang sa gate ng school namin pero hindi ako nakauniform kasi practice lang naman namin ngayon. Nakavolleyball uniform ako, the usual na maikli yung shorts kaya naman nakakahiya. Maputi naman yung legs ko at walang peklat pero talagang hindi lang ako kumportableng magpakita ng balat.

Nagmamadali akong naglalakad sa may hallway ng makita ko yung isang lalaking estudyante na makakasalubong ko na nakatitig sa mga hita ko. Tumingin siya sa akin, nagkagat-labi at saka ngumisi. Biglang nag-init ang ulo ko. Manyak niya. Bastos!

I splayed my hands and in a blink of an eye, nadapa siya. Kasabay ng pagkadapa niya ay ang pagkabasag ng salamin sa bintana ng nadaanan kong room. Nagulat ako kaya naman tumungo ako at nagmadali na lang sa paglalakad. Inaayos-ayos ko pa kunwari ang bangs ko pero ang totoo eh gusto ko lang takpan ang mukha ko.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad habang nakatungo ng mauntog ako at mabangga sa medyo matigas na bagay. Bahagya kong iniangat ang tingin ko at nalaman kong likod pala yun ng lalaki. Nakatungo ako kaya sapatos niya lang ang nakita kong humarap sa akin.

"Sorry, pasensya na." Sabi ko ng hindi tinitingnan ang mukha niya. Nilampasan ko siya pero pinigilan niya ang braso ko. Bigla akong napatingin sa kanya at nakilala ko kung sino siya.

"H-harvey!" Medyo gulat kong sabi. Biglang rumehistro sa isip ko yung nangyari sa bar. Yung nahuli niya akong hinahalikan ko yung likod ng kamay kong hinalikan ni Onyx. Nakaramdam ako ng hiya at feeling ko namumula ako."I-ikaw pala. Pasensya na nabangga kita ha, nagmama--"

"Ganun lang? Pasensya lang?" Malamig niyang sabi. Seryoso ang mukha niya at kung titingnan ang emosyon niya ay parang hindi siya yung masayahing Harvey na nakilala ko. "Masakit ang likod ko dahil sayo. Sorry is not enough."

"Ha?" Nagtataka kong nasabi. Nagtataka dahil parang nagbago siya.

Hindi siya sumagot. Tinitigan lang niya ako wearing his cold expression. Bigla naman akong kinabahan dahil nakaramdam ako ng pagkailang sa ginagawa niya. Sino ba naman ang hindi maiilang kung hawak ng isang lalaki ang braso mo at tinititigan ka na parang walang bukas sa gitna ng hallway  na may dumadaang maraming estudyante?

I can't stand his stare kaya naman binawi ko ang titig ko at tumingin sa ibang direksyon.

"I prefer this kind of sorry." Sabi niya at saka hinila ang braso ko dahilan para mas mapalapit ako sa kanya. He lean closer while looking at my lips. Hahalikan niya ako! Sa gulat ko ay napapikit na lang ako ng mariin.

Ilang sandali pa ay walang lumalapat sa labi ko kaya dinilat ko ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang itim na itim at medyo singkit niyang mata. Ngumisi siya at binitawan ang braso ko. Nilagay niya ang mga kamay niya sa bulsa niya habang ako naman ay napaayos sa pagkakatayo.

"Sorry, nakalimutan kong indirect kiss pala ang gusto mo." Sabi niya at saka inilagay sa tenga niya ang headset na laging nakasabit sa leeg niya bago maglakad palayo.

Hindi pa rin ako umaalis sa pagkakatayo ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganun na ang ugali ni Harvey. He changed a lot. Saka teka, indirect kiss daw ang gusto ko? Ibig sabihin ba nun, inaasar niya ako? Bakit bigla siyang nagkaganun sa akin?

Napahilamos ako sa mukha ko bago ulit naglakad papunta sa gymnasium kung saan magpapraktis ang volleyball team. Pagkarating ay pumasok agad ako at nakitang nanduon na sina coach at ang mga team mates ko, nagwawarm-up na. Agad-agad kong binaba ang bag ko at tumakbo sa pila para sumabay sa warm up.

"Bakit late ka?" Tanong sa akin ni Charlene habang nag-e-stretching kami.

"Body clock problems." Sagot ko. Nagma-malfunction na nga kasi yung body clock ko, natagalan pa ako sa hallway dahil kay Harvey.

Cornelia [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon