Cornelia XXI

286 6 2
                                    

Ilang oras na akong nakatayo sa harap ng salamin, hindi pa rin ako mapakali sa itsura ko. Pilit akong naghahanap ng mga mali sa ayos ko ngayon at pag may nakita ako ay agad ko iyong inaayos. Gusto kong maging perfect ngayong gabi. Gusto kong maging maganda sa date namin ni Onyx.

"Cornelia." Narinig kong tawag ni papa mula sa labas ng kwarto ko. Agad akong tumakbo at binuksan ang pinto, tumambad sa akin si papa. Biglang umaliwalas ang mukha niya ng makita ako. "Nandiyan na ang sundo mo."

"Sige po, bababa na po ako." Nakangiti kong sabi. Kinuha ko ang clutch bag ko na nakapatong sa kama at saka lumabas.

"Sandali, anak." Habol sa akin ni Papa ng pababa na ako ng hagdan. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Natutuwa ako na normal ka."

"Papa? Normal naman po talaga ako eh." Natatawa kong sabi kay papa.

"Oo nga anak at masaya ako para sa 'yo. Mukhang maayos naman yang boyfriend mo." Sabi niya.

"Pa, hindi ko pa po siya boyfriend." Nahihiya kong sabi.

"Sus, dun din pupunta yun." Sabi ni papa. "Sige na, hinihintay ka na niya sa baba."

Nginitian ko si Papa at bumaba na ako ng hagdan. Ng makababa ako ay nakita kong napatayo si Onyx sa kanyang pagkakaupo. Makikita ang paghanga sa kanyang mga mata. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya at napatungo ako, nakakailang kasi yung mga tingin niya.

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Napakagwapo niya sa suot niyang blue na plaid shirt na pinartneran niya ng denim jacket. Khaki pants ang suot niya at mid-cut black boots.

"You look stunning." Sabi niya ay kinuha ang kamay ko at hinalikan iyon.

"Thank you." Nahihiya kong sabi at hinawi ang mga hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko.

"Lets go?" Aya niya. Tumango naman ako at naglakad na kami palabas ng bahay.

Inalalayan niya ako sa pagsakay sa kotse at pagkatapos ay sumakay na siya sa drivers seat at nginitian ako bago patakbuhin ang kotse.

Tumigil kami sa cake shop.

"Bili muna tayo ng paborito mo." Sabi niya at bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Dumiretso kami sa cake shop at sinalubong kami ng matamis at mabangong amoy ng mga cakes.

Pumunta kami sa counter para umorder nang may lalaking tumabi sa akin.

"Isang cheese cake nga." Sabi niya sa babae sa counter.

Parang pamilyar sa akin ang boses na iyon. Agad akong lumingon at hindi nga ako nagkakamali. Si Harvey nga ang lalaking ito sa tabi ko.

"Harvey?"

Napalingon siya sa akin at rumehistro sa mukha niya ang pagkagulat.

"Oh pare, andito ka pala." Bati rin ni Onyx ng makita niya si Harvey.

"Ha? Ah, eh. Oo, m-may bibilhin kasi akong cake." Nauutal niyang sabi, parang naiilang siyang tumingin sa akin.

"Aaaahh. Excuse me lang ha. CR lang ako." Paalam ni Onyx kay Harvey. Bumaling sa akin si Onyx. "Teka lang Corn ah."

Tumango kaming dalawa ni Harvey at nagmamadali nang naglakad si Onyx papunta sa CR.

"Nga--ngayon pala yung date niyo." Sabi ni Harvey.

"Ah, oo." Sabi ko. "Pasensya na kung hindi ko nasabi sayo."

"Okay lang at least ako namam ang first date mo diba?" Sabi niya at kumamot sa likod ng ulo niya na parang nahihiya.

"Oo, ikaw nga. Naambush mo ako eh." Sabi ko at nagtawanan kami. "Nga pala, para kanino yung binibili mong cheese cake?"

Bigla siyang natagilan. Nag-aapuhap ng isasagot niya.

Cornelia [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon