Cornelia XXV

275 8 3
                                    

Tournament Day.

Hmmmmm. Ang sarap talaga mag-inat. Bumangon ako sa kama. Pagtingin ko sa tabi ko wala na si Onyx. Sa halip, isang unan na may nakasuot na damit na may nakasulat na Go Onyx ang nakita ko sa pwesto niya. May papel na nakapatong duon. Kinuha ko iyon at binasa.

'Madaling araw ako umalis. Suotin mo 'tong damit mamaya sa tournament. I love you.'

Napangiti ako. Kinuha ko ang unan na may damit at tiningnan iyon. Kulay moss green ang t-shirt, may lining itong itim sa may neckline. May nakasulat na 'Go Onyx.' Sa harap. Tiningnan ko ang likod ng damit at natawa ako sa nakasulat sa likod. 'STOP STARING! ONYX'S OWNED ME."

Masaya kong niyakap ang unan. Nakaramdam ako ng sobrang saya. Kinilig ako ng matindi na para bang gusto ko ng umiyak at pakiramdam ko ay namamaga na ang cheekbone ko sa lawak ng pagkakangiti ko.

Haaaay, Onyx. Araw-araw, lumalalim ang pagmamahal ko sa 'yo.

---

"Kayo ang pag-asa ng ating paaralan. Gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang maiwagayway natin ang bandera ng ating paaralan sa lahat." Masayang sabi ni Coach. Ito na ang last and final orientation namin.

Dito sa school gaganapin ang paligsahan kaya naman maraming manlalarong estudyante mula sa ibat-ibang paaralan ang makikitang nagkalat sa campus.

"Kaya ba nating manalo?"

"YES COACH!" Sabay-sabay naming sigaw.

Inilahad ni coach ang kamay niya sa unahan. Isa-isa naming pinatong ang mga kamay namin sa isat-isa.

"Go Green Leopard!" Sabay-sabay naming sigaw at itinaas ang aming mga kamay. Pagkatapos ay nagpalakpakan kami.

"Basketball ang unang game kaya naman maghanda na ang mga basketball players at ang ibang player naman ay pwedeng manuod ng laban. Goodluck." Sabi ni Coach at lumabas na ng AAO.

Lumapit ako kay Onyx. Nakangiti niya akong sinalubong ng yakap at hinalikan ako sa labi.

"Galingan mo ha." Sabi ko habang inaayos ang uniform niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na yung lalaking pinapalakpakan ko lang dati habang naglalaro ng basketball ay boyfriend ko na.

"Oo naman. Gagalingan ko, basta manunuod ka para ganahan ako ha." Malambing na sabi ni Onyx sa akin.

"Oo naman. Ikaw pa." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

Kinalimutan ko muna ang mga malulungkot na pangyayaring naganap noong mga nakaraang araw. Ayokong malungkot dahil baka madistract ako sa paglalaro. Hanggat maaari ay magpofocus muna ako sa laro at kay Onyx. Isasantabi ko muna ang negative thoughts.

"Siya nga pala, suot mo ba yung binigay ko sa 'yo?" Tanong ni Onyx.

"Ayoko suotin yun. Ang baduy eh." Pagsisinungaling ko. Suot-suot ko kasi talaga yung damit na binigay niya. Kaso nakasuot ako ng green jacket namin kaya hindi niya makitang suot ko.

"Ano ba. Pinaghirapan ko pa namang tatakan yun." Malungkot niyang sabi at tinanggal ang pagkakayapos sa akin at tunalikod. Napangiti naman ako. "Kahit nga nagmukha na akong bakla sa tinatak ko dun, ginawa ko pa rin tapos hindi mo naman pala susuotin."

Pinipigilan ko ang pagtawa ko. Naniwala kasi siya sa biro ko at ang cute niya pag nagtatampo.

Magsasalita na sana ako para aminin na suot ko yung damit nang sumilip sa pinto si Coach at tinawag na ang mga basketball player. Malungkot na tumingin sa akin si Onyx bago naglakad palabas ng AAO. Hahabulin ko sana siya pero mabilis siyang tumakbo kasabay nang iba pang player ng basketball.

Cornelia [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon