Cornelia XV

332 6 0
                                    

"Sigurado ka ba na hindi na kita ihahatid behbest?"

"Sigurado. Kaya ko na sarili ko. Kitakits na lang tayo bukas." Paninigurado ko kay Charlene. "Kainin mo yang cake mo ha, yan naman ipaframe mo pa." Pahabol kong biro kay Behbest.

"Ididisplay ko 'to sa kwarto ko." Sabi niya na sinundan ng tawa. "Sige na, gabi na eh, kitakits na lang bukas." Nagbeso kami at sumakay na siya sa sasakyan nila at umalis.

Ng makalayo na ang kotse ay naglakad na rin ako para umuwi. Inabot na kami ng gabi sa pagpapraktis, nakakaasar! Unang praktis pa lang pukpukan na agad? Hindi naman halata na gusto talaga nilang manalo no? Grabe, alas otso na kaya.

Psst!

Napalingon ako ng may sumitsit. Walang tao. Ano kaya yun? Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ng biglang may mga brasong pumulupot sa leeg ko, may naramdaman rin akong nakatutok sa tagiliran ko.

"Holdap 'to!" Sabi ng malaking boses sa likod ko.

"Wala po akong pera! Wag niyo akong sasaktan. Wala po akong maibibigay sa inyo." Seryoso at mahinahon kong sabi.

"Hindi gamit at pera mo ang kailangan ko." Sagot niya.

Bigla akong kinabahan. Anong kailangan niya? Katawan ko? Omaygad!

"A-anong ka-kailangan mo?" Nanginginig kong sabi.

"Ang kailangan ko lang naman ay ang..." Naramdaman ko ang paglapit ng labi niya sa tenga ko. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko na nagdulot ng kiliti sa akin. "Puso mo."

Sa gulat ko ay agad akong lumingon at tinulak siya palayo. Pero nagulat ako ng makita kung sino siya.

"O-onyx?!"

Tumawa siya ng tumawa na parang wala ng bukas. Hawak-hawak pa niya yung tiyan niya at medyo namumula na rin ang mukha niya.

Bigla akong napikon sa kanya. Kinabahan kaya ako! Akala ko mamamatay na ako dahil baka masaksak ako ng wala sa oras. 'Yun pala nantitrip lang 'to!

"Anong nakakatawa?" Sabi ko at saka mabilis na tumalikod para umuwi na. Naramdaman kong sumunod siya. Buti naman! Nakakahiya kayang magwalk out tapos walang hahabol sa'yo. Sumabay siya sa paglalakad ko.

"Uy!" Sabi niya ng ngiting-ngiti. Hindi ko siya pinansin at pansamantala ko munang binalot sa yelo ang puso ko para magpaka-cold ngayong gabi.

"Sorry na." Malambing niyang sabi. Tumingin ako sa kanya. Hindi na siya nakangiti. Nanunuyo na yung itsura niya. Shocks, bakit ba ang gwapo niya. Kainis, natutunaw yung yelo. Hindi pwidiii! Inirapan ko siya at binilisan ang lakad pero humabol ulit siya at bigla akong inakbayan. "Sorry na kasi. Sorry na please." Tumingin ako sa kanya at nakita ko na nakatingin siya sa akin, nagkatitigan kami. Seryoso na ang mukha niya pero mababakas ang sincerity sa mga mata niya. Wala na! Natunaw na ang yelo dahil sa mainit na titig niya. Gwapo kasi, kabanas!

"Ok. Ok na. Apology accepted!" Pagsuko ko. "Tsk, gwapo kasi eh!"

Tumawa siya.

"Nakatulong pala yung kagwapuhan ko. Hatid na kita ha, baka mamaya maholdap ka pa talaga eh." Sabi niya, tumango ako at nagpatuloy kami sa paglalakad. "Bakit ka ba kasi nagalit eh hinihingi ko lang naman yung puso mo?"

"Pinakaba mo pa kasi ako sa holdap eh kusa ko namang ibibigay sa'yo 'tong puso ko." Wala sa loob kong sabi. Napatakip ako sa bibig ko ng marealize ang nasabi ko. Natawa naman siya. "B-bakit ka nga pala nakaakbay?" Pag-iiba ko.

"Bakit? Bawal na ba umakbay sa babaeng mahal-- ay este close ko?" Sabi niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ng mga nagtatamblingang paru-paro sa tiyan ko. Nag-init din ang pisngi ko. Pano ba naman, kunwari namali pa. Maghahalf-meant joke nga din ako.

Cornelia [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon