Cornelia XVI

345 7 2
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na katok ni mama sa pinto ng kwarto ko.

"Gumising ka na Cornelia! Bumaba ka na at mag-almusal." Sigaw niya mula sa labas ng pinto.

Papungas-pungas akong tumayo at kinusot-kusot ko ang mga nanlalabo ko pang mga mata. Kinuha ko ang tuwalya at dumiretso na sa banyo para maligo.

Nakapikit kong sinarado ang pinto at isinabit ang tuwalya sa rack. Naghubad na ako ng damit at kinapa-kapa ang bukasan ng shower. Pinihit ko iyon at mabilis na bumuhos ang napakalamig na tubig.

Parang biglang nabuhay ang katawan ko at napasigaw ako dahil sa gulat. Kasabay ng pagsigaw ko ay ang pagkabasag ng bumbilya. Shocks! Not again, kapapalit ko lang niyan kahapon eh! Araw-araw na lang akong nagpapalit ng bumbilya dito sa banyo. Paano ba naman, araw-araw din akong napapasigaw dahil sa lamig ng tubig tuwing naliligo ako ng umaga. Tsk, kainis!

Maingat kong winalis ang mga bubog at nagpatuloy na sa pagliligo. Nang matapos ay nagbihis na ako ng uniform at bumaba na para mag-almusal.

"Alam niyo ba na may nakitang lalake na nakasabit diyan sa may poste sa kanto?"  Bungad sa akin ni mama pagkaupo ko sa lamesa.

"Sino daw po ang may gawa?" Pagmamaang-maangan ko.

"Sabi nung lalake, dalaga daw eh. Pero nalaman ng pulis na holdaper pala yung lalake kaya kinulong nila." Paliwanag ni Mama.

"Dalaga? Paano magagawa ng isang babae na itali ang isang lalake sa itaas ng poste?" Nagtatakang sabi ni Papa bago sumubo ng pagkain.

Natahimik kami sa tanong niyang iyon at nagkatinginan. Tumingin sila sa akin na para bang may hinihintay na sagot mula sa akin. Alam kaya nila na ako ang may kagagawan nun?

"Ahmm, baka si Darna po yung may gawa." Sabi ko at tumawa sila.

Tahimik kaming kumain, salamat naman at hindi na nila binabanggit ang tungkol sa demonyo. Nang matapos ako ay tumayo na ako para umalis. Humalik ako sa kanila at kinuha ang bag ko saka lumabas ng bahay pero nagulat ako ng makitang may nakaparadang itim na SUV sa tapat ng gate namin. Shocks! That's Onyx's car!

Nagmamadali akong lumabas at tumambad sa akin ang gwapong-gwapo na si Onyx. All of a sudden, parang nagslow motion ang lahat. Nakasandal siya sa sasakyan at nakatungo habang pinaglalaruan ang shades niya. Ng makita niyang bumukas ang gate ay unti-unting umangat ang ulo niya, he was wearing his heart melting smile. My ever active heart starts to beat fast again.

"Hi." Bati niya.

"Hi." Bati ko din. "Anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka." Sabi niya.

"N-nag-abala ka pa." Medyo nahihiya kong sabi.

Ngumiti siya at lumapit sa akin.

"Obligasyon ko 'to bilang isang manliligaw." Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa akin.

"T-tara na." Sabi ko. Baka matunaw na ako sa mga titig niya kaya nagmamadali na akong naglakad papunta sa pinto sa tabi ng drivers seat. Hinawakan ko na ang knob at bubuksan ko na sana yung pinto ng bigla akong makaramdam ng kuryente. Hawak na pala kasi ni Onyx ang kamay ko napatingin ako sa kanya at nagtagpo ang mga titig namin.

"Let me." Sabi niya. Shocks, ang bango ng hininga niya.

Binuksan niya ang pinto at inalalayan ako sa pagsakay. Ang gwapo na, ang gentleman pa. Kakilig. Pumunta na siya sa driver's seat at umupo. Inistart niya na ang kotse at pinaandar na iyon. Tahimik sa loob ng kotse, nahihiya kasi akong magsalita. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Nakikiramdam.

Ilang minuto pa ang lumipas at nandito na kami sa tapat ng school. Mabilis siyang bumaba at umikot papunta sa side ko at binuksan ang pinto. Hindi ko maiwasang ngumiti dahil sa ginawa niya.

Cornelia [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon