Cornelia XXVII

259 8 1
                                    

"Hi Corny, congratulations to you." Mataray na sabi ni Pepper. Umirap siya sa akin at pagkatapos ay humarap sa mga tao. "Ladies and gentlemen, ang babaeng nakikita niyo sa harap niyo ay ang babaeng hinahangaan at pinapalakpakan niyo dahil sa galing niyang magvolleyball. Pero ang hindi alam ng lahat, may tinatago pala siyang… Madilim na sikreto!"

Nagsimulang magbulungan ang mga tao. Kinabahan ako sa mga sinasabi ni Pepper, anong madilim na sikreto ko ang sinasabi niya?

"Stop it Pepper, bumaba ka na diyan!" Narinig kong sigaw ni Onyx, nilingon ko siya pero hindi ko siya makita dahil sa nakakasilaw na spotlights na nakatutok sa amin.

"Uh-uh-uh." Maarteng sabi ni Pepper habang umiiling. "Ayaw mo bang malaman ang tunay na pagkatao ng babaeng minamahal mo?"

"A-ano bang sinasabi mo Pepper?" Kinakabahan kong tanong.

Naguguluhan ako sa sinasabi niya, nahihiya na rin ako dahil sa naririnig kong bulungan ng mga tao. Gusto kong tumakbo pababa sa stage pero parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako kay Pepper habang malakas ang kaba sa dibdib.

"Wag ka nang magkunwari na hindi mo kilala ang sarili mo Cornelia at wag ka na ring magkunwari na hindi mo alam ang sinasabi ko dito." Tumingin ito sa malaking Led screen na nasa likuran namin. "Show the video please."

Mabilis akong napalingon sa screen at nakita ko ang isang CCTV footage. Makikita sa screen ang tahimik na kalsada, maya-maya pa ay isang lalaki ang biglang tumilapon. Napasigaw ang mga tao at miski ako ay napaatras sa gulat. Tiningnan ko ang mukha ng takot na takot na lalaki sa screen at bigla ang paglakas ng tibok ng puso ko ng makilala ko ang lalaki… siya yung humold-up sa amin nung gabing pauwi kami ni Onyx galing sa Star City! Kinakabahan akong tumingin kay Pepper na nakacross arm at nakataas ang mga kilay na nakatingin sa akin.

"T-tigilan mo na to Pepper." Pagmamakaawa ko kay Pepper pero tumawa lang siya at saka umiling-iling.

"No! Hindi pa tapos ang palabas." Mataray na sabi nito. "Next CCTV footage please."

Napatingin ako sa screen at nakita ko ang CCTV footage sa canteen. Yung araw na nag-away kami… yung araw na sinampal  niya si Charlene.

"Nag-aaway kami sa video na yan. Unti-unting nagalit si Cornelia and as you can see, nagsimulang magflicker ang mga ilaw. After I slap her bestfriend, see what will happen to the lights." Sabi niya sa mga nanunuod.

Tumingin ako sa audience pero bigo akong makita ang ekspresyon nila dahil sa nakatutok sa aming spotlight kaya naman kinakabahan akong bumaling sa screen. Nakita kong sinampal niya si Charlene, sumigaw ako at pagkatapos nun ay sumabog ang lahat ng bumbilya sa canteen. Narinig ko ang gulat na pagsinghap ng mga nanunuod.

"Sabi ng Electrician it was just a short circuit but I don't believe him. That's why I gave him a huge amount of money just to tell me the truth and then I found out that he really did'nt know why the lightbulbs explode it's just that Charlene told him to keep everything as a secret and tell the whole school that it's just an electrical malfunction. But the truth is," nang-aasar na tumingin sa akin si Pepper. "Si Cornelia ang nagpasabog sa mga lightbulbs."

Malakas na nagbulungan ang mga tao.

"P-pepper. Please tigilan mo na to!" Pagmamakaawa ko.

"Paano mo nasabing si Cornelia nga ang may gawa? Wala kang ebidensiya!" Rinig kong sigaw ni Harvey.

Tumawa si Pepper.

"Idiot! Do you think I will do this kung wala akong sapat na ebidensiya?! Hahaha. Moron! Her bestfriend named Charlene told me everything!"

Cornelia [Completed]Where stories live. Discover now