Cornelia XII

421 11 0
                                    

Pagpasok namin ay napahinto sa pagsasalita ang coach ng lahat ng players. Lahat sila ay napatingin sa amin pati na sina Harvey at Onyx. Humingi kami ng paumanhin at naghanap na ng bakanteng silya. Nakakita kami ng dalawang bakanteng bangko sa harap ng upuan ni Onyx, naglakad kami doon at uupo na sana ako pero hinila ni Onyx ang silya at inilagay iyon sa tabi niya.

Natigilan ako sa ginawa niya at pinrocess sa utak ko ang gustong mangyari ni Onyx.

Gusto niya akong makatabi! Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa ginawa niya. Nakatayo lang ako at hindi alam kung tatabi ba sa kanya o hindi.

"Tatayo ka na lang ba diyan Cornelia." Narinig kong sabi ni Coach. Kanina pa pala ako nakatayo. Nag-aatubili akong umupo sa tabi ni Onyx, naamoy ko agad ang pabango niya pagkaupo ko, lalaking-lalaki.

"Hi." Bati niya sa akin. Lumingon ako at nginitian siya.

Tumingin ako kay Charlene na nasa unahan lang namin. Nakita ko ang nang-aasar niyang ngiti bago humarap kay coach. Nahagip naman ng mata ko si Harvey, nakatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya pero seryoso lang ang mukha niya. Hindi niya ako ginantihan ng ngiti at muli siyang tumingin kay coach. Ano problema nun?

"Okay, for the sake of those two latecomers uulitin ko ang sinabi ko kanina." Sabi ni coach at saka tumingin sa amin. Napayuko kaming dalawa ni Charlene. "All of you here are the official players of our school. Kayo ang magdadala ng pangalan ng ating paaralan sa mga kompetisyon na ating sasalihan kaya dapat ninyong galingan at ibigay ang best niyo sa mga laban. Ayaw naman siguro ninyong maging talunan diba?"

"Yes!" Sabay sabay naming sagot.

"Mabuti kung ganun. We will start our practice on Sunday. The basketball team will do their practice in the ground, while the volleyball team is in the gym..."

"Bakit kayo late?" Bulong ni Onyx sa akin. Habang si Coach naman ay tuloy-tuloy sa pag-aannounce ng practice place ng iba pang team.

"Ha? Ano kasi-- may ginawa pa kami ni Charlene. Nalibang kami kaya hindi na namin namalayan ang oras." Pabulong kong sagot sa kanya.

"Ganun talaga pag nag-eenjoy ka, nakakaligtaan mo ang oras. Parang nung nagstar city tayo. Sobra akong nag-enjoy sa company mo kaya hindi ko namalayang gabi na pala."

Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin dahil ayokong makita niya ang pamumula ng pisngi ko. Tsk, napakalakas talaga ng epekto sa akin ni Onyx. Kahit simpleng bagay lang na wala namang meaning sa kanya eh nagkakaroon ng meaning sa akin.

"Ako din, sobrang nag-enjoy sa company mo." Sabi ko.

Napangiti siya at kinurot ang tungki ng ilong ko. Parang nakaramdam ako ng kuryente ng lumapat ang mga daliri niya sa ilong ko. Tumawa ako at nagkatitigan kami, parehong nakangiti.

"Ehem!" Tikhim ni coach. Natauhan ako at nalamang nakatingin na pala lahat ng players sa amin. Nakita ko ang ngising-ngisi na si Charlene habang nakatingin sa akin ng nang-aasar. "Baka langgamin kayo." Pahabol pa ni coach.

Nagtawanan ang lahat ng nasa loob ng AAO, kasama si Charlene na uma-ayiieeh pa. Tumingin ako kay Onyx at nakita kong tumungo siya at napakamot sa likod ng kanyang ulo. Tumingin naman ako kay Harvey, parang wala siyang pakialam habang may sinusulat sa notebook niya. Hindi siya nakikisali sa kantiyawan.

"Tama na yan." Saway ni Coach, biglang tumahimik ang lahat. "Ngayong alam niyo na ang dessignated place ng practice niyo pwede na kayong lumabas at pumunta sa rooms niyo. See you on Sunday."

"Goodbye coach." Sabay sabay naming sabi at saka tumayo para lumabas sa AAO.

"Hatid na kita sa room mo." Sabi ni Onyx habang sinusukbit ko ang bag ko sa balikat ko. Nagulat ako sa sinabi niya, napatingin ako kay Charlene at binigyan niya ako ng go-for-it look.

Cornelia [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora