Cornelia XXIV

264 6 1
                                    

Nakahiga na ako sa kama ko at nagbabasa ng libro para makalimutan ko ang lungkot ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bedside table ko at nakitang si Onyx ang tumatawag.

"Princess." Bungad ni Onyx ng sagutin ko ang tawag.

"Napatawag ka, Moo." Sabi ko at nilagyan ng bookmark ang librong binabasa ko saka nilapag iyon sa tabi ko. MOO ang tawag ko sa kanya, meaning My One and Only.

"Miss na kita." Sabi ni Onyx, kinilig ako sa sinabi niya. Napangiti ako at humiga sa kama.

"Mas namimiss kita." Sabi ko.

"So, gusto mo pumunta ako diyan?" Sabi niya.

"Kung kaya mo. Gabing-gabi na kaya." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Silip ka naman sa bintana mo." Sabi ni Onyx.

Mabilis akong napabangon at nagmamadaling naglakad papunta sa bintana. Iniangat ko iyon at nilabas ko ang kalahati ng katawan ko. Nagulat ako ng makita ko sa labas si Onyx, nakasandal siya sa kotse niya habang nakalagay ang cellphone sa tenga niya. Kumaway siya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong kay Onyx sa cellphone.

"Namimiss kita eh kaya pumunta ako. Papasukin mo naman ako diyan princess." Sabi niya.

"Paano? Baka magising sina mama at papa." Sabi ko.

"Sandali, aakyat ako sa puno." Sabi niya.

"Ha? T-teka…" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil binaba na niya ang cellphone. May kinuha siyang plastik sa kotse niya at isinukbit iyon sa braso niya. Nagmamadali siyang umakyat sa bakod at lumapit sa puno sa tabi ng kwarto ko at nagsimulang umakyat doon.

"Onyx, wag kang…" Pabulong kong sigaw pero hindi ko na naituloy dahil umaakyat na siya sa puno.

Wala na akong nagawa, napapailing na lang akong ngumiti at lumapit sa saksakan. Sinaksak ko ang isang plug at umilaw ang mga lantern na nakasabit sa mga sanga ng puno dahilan para magliwanag iyon. Ako mismo ang nagsabit ng mga iyon doon. Sakop kasi ng lupa namin ang punong iyon ng mangga kaya naman malaya akong gawin ang gusto ko doon. Dumungaw ulit ako, nakita kong malapit na si Onyx sa sangang malapit sa kwarto ko. Nagsimula na din akong tumuntong sa bintana. Inabot ko ang sangang malapit sa bintana ko at saka tumalon at lumapat ang paa ko sa isang matabang sanga ng puno. Lagi ko na 'tong ginagawa kaya sanay na ako at hindi natatakot. Lagi rin kasi akong umaakyat dito at umuupo kapag hindi ako makatulog.

Umupo ako sa tatlong magkakadikit na sanga, ito ang paborito kong lugar dahil malapad ito at parang upuan. Maliwanag din ang parteng ito dahil nilagyan ko ng maraming lantern ang sangang nasa ibabaw nito.

Nang malapit na si Onyx ay inabot ko ang kamay niya at bahagyang hinigit para makaupo siya sa tabi ko.

Humihingal siya at pawis na pawis. Pinahiran ko ang pawis sa noo niya at leeg. Ngumiti siya at tumingin sa akin.

"Ang ganda dito." Namamangha niyang sabi at tiningnan ang mga lanterns sa puno. "Ikaw ba ang gumawa nito, princess?"

"Oo. Nagustuhan mo ba?" Tanong ko.

Tumango siya. Ngumiti ako.

"May dala ako para sa 'yo." Parang excited na sabi ni Onyx at nilabas mula sa plastik na dala niya ang nayupi ng kahon ng cheese cake. "Nayupi na pala."

"Okay lang yan, MOO." Sabi ko at kinuha ang nayuping kahon. "Lagi mo na lang akong binibigyan ng cheese cake, parang nagsasawa na tuloy ako."

"Eh di ako na lang kainin mo." Pagbibiro niya na sinundan ng tawa.

Cornelia [Completed]Where stories live. Discover now