Cornelia XXII

259 7 2
                                    

Tumigil ang sasakyan ni Onyx sa tapat ng bahay namin.

"Nandito na tayo princess." Nakangiti niyang sabi. Nakaramdam ako ng kilig sa tinawag niya sa akin. Yun daw kasi ang gusto niyang itawag sa akin, tutal prinsesa daw naman ang turing niya sa akin.

"S-salamat." Sabi ko. "Nag-enjoy ako ngayong gabi."

Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Ako din." Nakangiti niyang sabi. "At hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na girlfriend na kita."

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.

"Sa'yo na ako." Nakangiti kong sabi.

Nag-lean siya at sa pangalawang pagkakataon ay naglapat ang mga labi namin. Pinikit ko ang mga mata ko para namnamin ang halik na iyon ng maramdaman ko nanaman ang unti-unting pag-angat ng kotse. Agad ko siyang tinulak palayo.

"S-sorry--"

"Hindi. Okay lang." Putol ko kay Onyx. "B-baba na ako. Ingat ka sa pag-uwi."

Lumabas ako ng kotse at nginitian ko muna siya bago ko isara ang pinto.

Umandar ang sasakyan pero hindi pa ito nakalalayo ng umatras muli iyon at tumigil sa tapat ko. Bumaba ang bintana sa tapat ko.

"Oh bakit? May nakalimutan ka?" Nagtataka kong tanong kay Onyx.

"I love you, my princess." Sabi niya.

Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko. Bumalik pa talaga siya para sabihan lang ako ng I love you.

"I love you more, Onyx." Sagot ko naman.

Nakita ko ang malawak na ngiti niya. Bumaba siya ng kotse at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hibaplos ang pisngi ko.

"I love you most, my princess." Sabi niya at kumindat pa.

Ramdam ko ang kuryente sa bawat haplos niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Mabilis ko siyang hinalikan sa mga labi. Smack lang. Parang nagulat naman siya.

"Oh, sige na. Umuwi ka na, gabi na." Sabi ko sa kanya at pabiro siyang tinulak.

"I love you, Cornelia." Sabi niya habang naglalakad ng patalikod.

Sumakay siya sa kotse at kumaway bago pinaharurot ang sasakyan palayo.

Naiwan ako ritong nakatayo at nakatingin sa papalayong sasakyan ni Onyx. Napapangiti ako kapag naaalalang may boyfriend na ako, bonus pa na ang lalaking crush ko ang naging boyfriend ko. Hinawakan ko ang mga labi ko. Kinain ko ang sinabi kong hindi ako magpapahalik sa first date ko, pero, boyfriend ko na siya kaya ayos lang siguro yun.

Nakangiti akong naglakad palapit sa gate. Bubuksan ko na sana iyon pero natigilan ako ng may pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko. Agad akong lumingon.

"Harvey?" Gulat kong sabi. "Anong ginagawa mo dito? Gabing-gabi na ha."

"Hinintay talaga kita." Parang malungkot niyang sabi. Lumapit siya sa akin habang may hawak na kahon. "Diba sabi ko sayo sa letter nung cupcake na ngayon ko ibibigay yung kulang sa bayad ko sayo? Kaya hinintay talaga kita, ito oh, para sayo."

Inabot niya sa kin ang kahon. Cheesecake iyon.

"Nag-abala ka pa." Nahihiya kong kinuha ang kahon. "Teka, diba ito yung binili mo kanina nung nagkasabay tayo sa cake shop? Akala ko ba para kay Char--"

"Ikaw talaga ang ibinili ko ng cake, Cornelia." Putol niya sa akin.

"Ha? Eh bakit--"

"Nagsinungaling ako dahil kasama mo si Onyx. Kasama mo yung lalaking mahal mo." Nakatungo niyang sabi. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Cornelia [Completed]Where stories live. Discover now