Cornelia VII

566 11 3
                                    

Naglalakad ako ngayon sa corridor ng aming school. Nahahalata kong ang iba sa mga estudyante ay nakatingin sa akin, nailang tuloy ako.

Siguro nalaman nila yung nangyari sa canteen, pero nai-announce naman na nagkaroon nga ng short circuit kaya nagputukan ang mga bombilya. Asan na ba kasi si Behbest? Tsk, hindi ako sanay maglakad sa school ng mag-isa eh.

"Wait, hindi ako pwede eh."

Narinig kong sabi ng isang lalaki sa di kalayuan. Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang boses at nakita ko si Onyx, may kausap siyang babae na nasobrahan ata sa make-up, dahil tinalo pa niya ang mascot ng Mcdo sa kapal ng lipstick niya.

"But you promised me na ngayon tayo magdedate." Maarteng sabi nung babae at nagpacute pa sa harap ni Onyx.

Napakamot sa kanyang ulo si Onyx at napatingin sa direksyon ko. Parang nagulat siya na nakita niyang nakatingin ako sa kanya at nginitian ako. Bigla naman akong napaiwas ng tingin, nakaramdam ako ng hiya dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Nahihiya kong binalik ang tingin ko sa kanya at nagulat ako ng makitang nakatingin pa rin siya sa akin. Nginitian ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Nagmamadali ako sa paglalakad habang hinahampas ang noo ko dahil sa kahihiyan. Tsk, ano na lang ang sasabihin ni Onyx, na nakikinig ako sa usapan nila? Nakakahiya talaga.

Papaakyat na sana ako sa hagdan papunta sa 2nd floor ng biglang may humila sa wrist ko. Napaharap ako at nagulat nang makita kung sino ang humila sa akin. Si ONYX.

"Siya ang kadate mo?" Galit na sabi nung babaeng kausap kanina ni Onyx.

Kadate? Ako? Teka, anong nangyayari? Nagtataka akong tumingin kay Onyx at nagkasalubong naman ang mga mata namin. Kumindat siya at sininok ako dahil sa malakas na pagtibok ng puso ko. 4 inches lang ang pagitan ng mukha namin sa isa't-isa at talaga namang napakagwapo niya sa malapitan.

"Hey!" Sigaw nung babae. Parehas kaming napalingon sa kanya. "Magtititigan na lang ba kayo diyan? Onyx, sumagot ka!"

Ang pagkakahawak ni Onyx sa wrist ko ay bumaba at nagpunta sa kamay ko. HE filled the spaces between my fingers. Nagulat ako sa kuryenteng naramdaman ko ng biglang magkahawak ang kamay namin.

"Yes." Sabi ni Onyx sa babae at pagkatapos ay tumingin ulit sa akin at nagkatitigan nanaman kami. Ngumiti siya sa akin na naging dahilan ng abnormal na pagtibok ng puso ko. "Siya ang idedate ko."

Sinabi iyon ni Onyx habang nakatitig sa akin. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

"I HATE YOU ONYX!" Galit na sigaw nung babae at saka nagdabog paalis.

"Te-- teka." Bumitaw ako sa pagkakaholding hands namin. "Anong date?"

Ngumiti siya. At binasa niya ng laway ang kanyang labi gamit ang kanyang dila. Naglean siya sa akin at tiningnan ako sa aking mga mata. Nanlaki naman ang mga mata ko at naghihintay ng gagawin niya, hahalikan niya ba ako? I close my eyes and wait for his lips to touch mine.

"May klase ka ba?" Tanong niya. Napadilat ako. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin, nakangiti siya.

Mabilis akong lumayo sa kanya, umayos ako sa pagkakatayo at inayos ang damit ko. Tsk, napaka-assuming ko naman pala. Akala ko ikikiss niya ako. Bakit naman niya gagawin yun eh kakikilala lang namin? Ano ka ba Cornelia, nakakahiya ka.

"Ha? Ah... eh..." Hindi ako makahagilap ng sasabihin ko. Madali namang sabihin na meron akong klase pero hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sa kanya.

"May meeting lahat ng teachers ngayon kaya sigurado akong wala kang klase." Sabi niya sa akin at muling hinawakan ang wrist ko. "Tara."

Hinila niya ako. Hindi ko alam, pero hindi ako nagpumiglas, hinayaan ko lang siyang hilahin ako.

Cornelia [Completed]Where stories live. Discover now