Cornelia VI

472 12 1
                                    

"What the..." Diring-diri siyang tumingin sa damit niyang sobrang dumi dahil sa basurang bumuhos sa kanya. Tinanggal niya ang mga balat ng pagkain na nasa buhok niya. "AAAAAHHH!"

Diring-diri siyang sumigaw. Pinagtitinginan siya ng ibang estudyante, pinipigilan ang pagtawa dahil kilala nila ang ugali nito. She's a campus queen. Mayaman at kaya nitong pagtarayan ang kahit sino.

Tumingin siya sa akin. Dalawang dipa lang ang layo namin sa isat-isa. Naawa ako sa kanya, kahit na inaway niya ako eh hindi naman ako ganun kasama para hindi siya tulungan. Mabilis akong bumaba ng hagdan para lumapit sa kanya. Nilabas ko ang panyo ko at pupunasan ko sana siya.

"DON'T TOUCH ME!" Sigaw niya at malakas na tinabig ang balikat ko. Na out of balance ako at alam kong malalaglag ako sa hagdan!

"AAAHHH!" Sigaw ko. Naghanda na ako sa sakit na mararamdaman ko pagbagsak sa hagdan pero nabigla ako ng may dalawang kamay na humawak sa braso ko, dahilan para hindi matuloy ang paglaglag ko sa hagdan.

"Gotcha!" Sabi ng nakasalo sa akin.

Lumingon ako sa taong nakahawak sa balikat ko. Nakita ko ang medyo singkit niyang mata, kulay itim iyon. Bumaba ang tingin ko sa matangos niyang ilong at sa mapula niyang labi, ngumiti siya at nakita ko ang maputi at pantay-pantay niyang ngipin. Tiningnan ko ang kabuuan ng mukha niya at nanlaki ang mga mata ko ng makilala siya.

"Harvey?"

"You okay?" Tanong niya.

Parang natauhan ako at mabilis na inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Tumayo ako ng maayos at inayos ang damit ko.

"S-- salamat." Mahina kong sabi. Nilingon ko si Pepper. Masama niya akong tiningnan.

"Don't you dare to touch me." Sabi niya at inirapan ako. Pairap din siyang tumingin kay Harvey. "Hero wannabe? Psh!"

Nagdadabog siyang umakyat ng hagdan. Sinundan ko siya ng tingin. Hindi na nga siya sports, hindi pa marunong magsorry. Tutulungan ko na nga siya pero tinulak pa niya ako. Paano na lang kung nalaglag ako sa hagdan? Buti na lang at nasalo ako nitong crush ng best friend ko.

"Mataray at maarte talaga yun." Sabi ni Harvey. Napatingin ako sa kanya. "Pagpasensyahan mo na si Peppy!"

"Ha? Ah eh, wala yun." Ngumiti ako. "Hmmm, salamat nga pala sa pagsalo mo sakin kanina, kung hindi dahil sayo baka nagpagulong-gulong na ako sa hagdan."

"Wala yun." Sabi niya. Inabot niya ang kamay niya sa akin para makipagshake hands. "I'm Harvey. Ikaw?"

"Cornelia." Kinamayan ko siya. "Kilala na kita."

"Kilala mo na ako?" Nagtataka niyang tanong.

"Sino ba namang hindi makakakilala sayo eh star player ka ng 3rd year diba?" Tumingin ako sa kamay namin. Magkahawak pa rin pala kami. "Yu-- yung k-- kamay ko."

"Oh, sorry!" Sabi niya at napakamot sa likod ng kanyang ulo.

"Nice game nga pala kanina." Sabi ko. "Bagay sayo yung Astroboy. Ang taas mo tumalon eh."

Natawa siya. Lalong sumingkit ang mga mata niya at lumabas ang dalawang dimple sa kanyang pisngi. Lalo siyang gumagwapo pag tumatawa.l

"Kahit na sa 4th year ka nagchicheer kanina." Parang nang-aasar ang titig niya. Nahiya ako at hindi nakasagot. Napayuko ako. "Sige, I have to go. Mag-ingat ka na next time ha."

Nginitian niya ako at tumakbo na siya paakyat ng hagdan.

"Talaga? Nilapitan ka ni Onyx kanina?" Kinikilig na sabi ni Charlene habang kumakain kami sa canteen. "Magkwento ka naman!"

Cornelia [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon