Cornelia XI

381 10 2
                                    

"Behbest!"

Napatingin ako sa right side ko kung saan nanggaling ang boses. Nakita ko si Charlene, nakatayo siya at seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin.

"Behbest, ikaw pal--"

"Bakit mo kausap si Harvey?" Seryoso niyang tanong habang naglalakad palapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at nagcross arms.

"Aahh, napadaan lang siya. Nakita ako tapos ayun nakitambay dito." Sabi ko. Tiningnan ko siya. Nakasimangot siya. "Teka, nagseselos ka ba behbest?"

"Ha?" Parang nagulat niyang sagot. "Hindi ah! Bakit? May dapat ba akong pagselosan?"

"Wala!" Maagap kong sagot. "May pinabibigay nga siya sayo oh."

Nagliwanag ang mukha niya, bigla siyang sumaya.

"Talaga? Ano yun?" Excited niyang sabi.

Inabot ko sa kanya ang ticket na binigay sa akin ni Harvey. Binasa niya iyon at napatakip siya sa kanyang bibig.

"Totoo ba 'to behbest?" Masaya niyang sabi.

Tumango ako.

"Sa Saturday na yan." Sabi ko sa kanya.

"Geez! I'm so excited!" Tuwang-tuwa niyang sabi at saka pinagpapalo ang braso ko. "Friday na today, so it means... Bukas na 'to. OMG, kailangan ko nang mag-isip ng damit na isusuot ko. Bibili rin ako ng bagong pabango mamaya. At oh, muntik ko nang makalimutan yung--"

Hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bibig niya.

"Stop!" Sabi ko. "Relax! Inhale." Sinunod nya ako. "Exhale." Nag-exhale siya.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa bibig niya. Tuwang-tuwa siya masyado, nagiging hyper na siya.

"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sa kanya,

"Oh, I almost forgot. Hinahanap pala kita para sabihin sa'yo na may orientation tayong mga varsity ng school ngayon." Sabi niya. "Lahat lang ng official ha, ibig sabihin lahat lang ng nanalo."

"Kasama ba sa orientation ang mga basketball players?" Tanong ko sa kanya.

"Of course! Lahat nga ng varsity dib-- wait! Ayieeh. Kunwari ka pa. OO! Andun si Onyx." Panunukso niya sa akin.

"Ano ka ba? Hindi naman yun ang ibig sabi-- aray!"

Napa-aray ako dahil hinampas niya ako ng malakas sa braso. Napakabrutal talaga nitong taong 'to!

"Denial Queen! Ay nga pala," Sabi niya na parang may naalala. Pagkatapos ay binigyan niya ako ng nang-aasar na tingin. "Narinig ko na may nakakita daw sa inyong dalawa ni Onyx na magkaholding hands at lumabas ng school. Saan kayo pumunta ha?"

"Nag 'date' DAW kami." Nahihiya kong sabi.

Tumili naman siya sa kilig at umiling ng sobrang bilis dahilan para magulo ang buhok niya. Ganyan siya pag kinikilig, nagiging hyper.

"Bahala ka nga diyan, ayoko na magkwento!" Sabi ko at kunwari ay tatayo na pero pinigilan niya ako at hinila paupo. Pinatong niya ang dalawa niyang paa sa lap ko at umakap sa braso ko.

"Hindi ka makakaalis hangga't hindi ka nagkukwento. Detail by detail." Sabi niya,

Ano pa bang magagawa ko? Im trapped! Kaya ayun sinimulan ko ang pagkukwento mula sa paghigit niya sa akin hanggang sa paghatid niya sa akin sa bahay. Syempre in-edit ko na ang kwento at tinanggal yung nangyari sa mga magnanakaw.

"Yun lang?" Sabi niya na parang naiinip. "More!" Sabi niya.

"Osge, ikukwento ko sayo yung naging pag-uusap namin habang kumakain ng ice cream."

"Sige!" Masaya niyang sabi.

Ganito yun...

---

"Want some ice cream?" Tanong niya sa akin. Katatapos lang namin sakyan ang halos lahat ng rides noon.

Tumango ako, naglakad kami sa nagtitinda ng ice cream at bumili. Binigay niya sa akin ang isa at nagsimula kaming maglakad.

"Salamat sa pagpayag ha." Sabi niya. Siya lagi ang bumabasag sa katahimikan. "Sorry kung napakarude ng pagyaya ko sa'yo eh nahigit lang kita eh."

Sabi niya ay tumawa na para bang nahihiya.

"Okay lang yun. Buti nga nahigit mo ako eh, dahil sobra akong nag-eenjoy." Sabi ko, paano ba naman akong hindi mag-eenjoy eh crush ko siya?

"Talaga? Good to hear that." Masayang sabi niya. "Pero kung may mas nag-eenjoy ng sobra dito, ako yun."

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Dahil kasama kita." Sagot niya.

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Naggiyera nanaman ang mga paru-paro sa tiyan ko. Naging abnormal nanaman ang tibok ng puso ko.

"M--may nasabi ba akong masama?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

Umiling ako.

"W--wala no." Sabi ko at nginitian ko siya.

"Tara, upo muna tayo." Aya niya sa akin at umupo kami sa bench. "Ano bang gusto mo sa lalake?"

Nagulat naman ako sa tanong niya. Pero teka, ano nga bang gusto ko?

"Gusto ko yung... mabait, matalino, masayang kasama at yung makakasundo ko sa lahat ng bagay. Parang..."

"Ako?" Dugtong niya.

Napatingin ako sa kanya. Nagkasalubong ang mga mata namin. Hik! Shocks, sininok nanaman ako.

"H--ha?" Nauutal kong sabi.

Tumawa siya at kumamot sa likod ng ulo niya, "Sabi ko ako naman ang tanungin mo." Palusot niya.

"Aahh! Hehehe." Nag-isip ako ng itatanong ko sa kanya. Tutal, gwapo naman siya at mukhang babaero, tatanungin ko siya about sa lovelife niya.

"Ilan na ba ang babaeng minahal mo?" Tanong ko.

Napatigil siya, seryoso ang mukhang humarap sa akin. Hinawakan niya ang baba ko at bahagyang iniangat iyon paharap sa kanya. Nagkatinginan kami. He licked his lips bago sumagot.

"Bakit? Ilan ka ba?"

---

"Kyaaaa! Nakakakilig!" Sigaw ni Charlene at nagtatalon na parang batang tuwang-tuwa. "Ang swerte mo behbest."

"Stop it." Saway ko sa kanya, pero ramdam ko rin ang pag-init ng pisngi ko sa twing naaalala ang tagpong iyon. "We're just friends."

"Nakuu! Showbiz." Pang-aasar ni Charlene. "Deny pa eh kinikilig ka din naman."

"Hindi no!" Pagdedeny ko.

"Psh, tell it to your blushing cheeks!" Sabi niya habang tumatawa.

"Ewan! Teka, anong oras nga pala yung orientation naten?" Paglilihis ko nang usapan.

"11:00." Sagot niya.

I looked at my watch.

"Shocks! 11:20 na! Tara na nga, late na tayo! Chismosa ka kasi!" Hinila ko siya papunta sa Athlete's Association Office.

Pagpasok namin ay napahinto sa pagsasalita ang coach ng lahat ng players. Lahat sila ay napatingin sa amin pati na sina Harvey at Onyx. Humingi kami ng paumanhin at naghanap na ng bakanteng silya. Nakakita kami sa harap ng upuan ni Onyx, naglakad kami doon at uupo na sana ako pero hinila ni Onyx ang silya at inilagay iyon sa tabi niya.

To be continued...

Cornelia [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon