Cornelia XVIII

363 6 0
                                    

Ang saya-saya ko ngayon, akala ko tatagal yung problema ko kay Onyx pero ayun at hindi pa lumilipas ang araw na ito eh pinasaya niya rin agad ako. Napakamemorable ng araw ko ngayon. Pakiramdam ko ang ganda-ganda ko dahil sa ginawa niya. Hinarana na ako, binigyan pa ako ng maraming tulips. Sigurado ako na inggit na inggit nanaman yung ibang babae dahil sa ginawa niya sa akin.

Ay, shete! Umuulan pala. Buti may dala akong payong. Pinauna ko na kasi si Onyx at hindi na rin ako nagpahatid dahil may emergency daw sa kanila. Syempre hindi ko hahayaan na unahin niya ako kesa sa pamilya niya. Mas importante ang pamilya!

Ang lakas ng ulan! Binuksan ko ang payong ko at lumabas na sa canteen. Kokonti na lang ang tao dito sa university at halos lahat eh pauwi na rin. Lumabas na ako sa gate ng school, tsk, medyo maputik ha. May bagyo siguro, parang galit na galit yung langit eh.

Nagsimula na akong maglakad at naalala ko nanaman yung tingin ni Harvey sa akin kanina. Parang galit siya, bakit kaya? Ewan, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang magsuplado sa akin. Hindi ko rin magets kung bakit ganun yung ugali niya, may time na mabait tapos bigla-biglang mag-iiba at magiging masungit. Gulo niya!

Sinipa ko ang maliit na bato na nadaanan ko at sinundan kung saan iyon pumunta, pero may nahagip ang mata ko sa malayo. Lalaki siya at parang wala sa sariling naglalakad sa ulanan. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa kanyang bulsa at may nakasabit na malaking headset sa leeg. Teka, s-si Harvey ba yun? Bakit siya nagpapaulan?

Tumakbo ako para habulin siya pero napapahinto ako kapag tinatangay ng hangin ang payong ko. Medyo malayo siya sa akin kaya mas binilisan ko ang takbo ko, nagtatalsikan na ang tubig sa akin pero hindi ako tumigil hangga't hindi ko siya naaabutan.

"Harvey!" Tawag ko sa kanya pero parang hindi niya ako naririnig.

Mas binilisan ko ang takbo ko at ng maabutan ko siya ay pinigilan ko ang braso niya at tumayo ako sa harap niya. Pinayungan ko rin siya kahit na basang-basa na siya ng ulan.

"Harvey! Anong ginagawa mo? Bakit nagpapaulan ka?" Nag-aalala kong tanong.

"Psh, wala kang pakialam!" Sabi niya at tinabig ako at naglakad ulet pero hinila ko ang braso niya at humarang ulet sa kanya.

Tiningnan ko siya. Namumula ang mata at ilong niya, dahil siguro sa lamig. Nangungulubot na rin ang mga daliri niya, tanda na matagal na siya dito sa ulan. Halos itim na rin ang labi niya.

"Ano bang ginagawa mo dito? Dun ka kay Onyx! Wag mo 'kong pakialaman!" Sigaw niya sa akin.

"Ano bang problema mo?" Hinawakan ko ang leeg niya at sobrang init niya. Nilalagnat na siya! "Harvey, may lagnat ka na! Masama sa'yo 'to. Umuwi ka na! Tara, ihahatid na kita!" Nag-aalala na talaga ako sa kanya.

"No! Ayoko! Hindi kita kai--" Hindi na natapos ni Harvey ang sasabihin niya ng bigla siyang mawalan ng malay. Nabitawan ko ang payong na hawak ko at mabilis siyang sinalo.

"HARVEY! Jusko, ang init mo!" Natataranta kong sabi. Tiningnan ko ang address niya sa kanyang ID at nagmamadaling pumara ng taxi.

Wala siyang malay habang bumibiyahe. Basang-basa na rin ako dahil sa nangyari. Ng makarating kami sa bahay ni Harvey ay tinulungan ako ni Manong na ipasok siya sa gate pero hindi namin mabuksan ang nakalock na pinto. Kaya binayaran ko na yung driver at hinanap ko sa bag niya yung susi. Buti naman at nakita ko agad. Ng mabuksan ang pinto ay pinilit ko siyang buhatin at inihiga sa sofa.

Ang lakas pa rin ng ulan at ang taas pa rin ng lagnat niya. Nagmamadali kong hinanap ang kwarto niya at kumuha ng tuwalya at mga tuyong damit. Nangialam na ako dito. Agad akong bumaba at wala pa rin siyang malay. Pinunasan ko siya pero may problema, paano ko siya papalitan ng damit?

Cornelia [Completed]Where stories live. Discover now