Cornelia XXIII

253 6 3
                                    

"Cornelia, anak." Tawag ni mama mula sa labas ng pinto ko. "Bumangon ka na. May pasok ka pa."

"Opo." Medyo namamaos kong sabi.

"Sige, intayin ka namin sa baba." Sabi ni Mama at narinig ko ang pagbaba niya sa hagdan.

Papungas-pungas akong tumayo. Malungkot pa rin ako hanggang ngayon. Alam ko kasi na magiging iba ang araw na ito dahil galit sa akin ang bestfriend kong si Charlene. Hindi ko rin alam kung paano ko pakikitunguhan si Harvey kapag nakita ko siya. Napakarami nang nangyari kahapon. May masaya na napalitan agad ng lungkot.

Tinatamad akong naglakad papunta sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng uniporme sa volleyball. Ayoko sanang pumasok dahil pakiramdam ko ay wala akong gana, pero hindi pwede dahil ito na ang huling praktis namin. Bukas na kasi ang competition.

Bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Nakahanda na ang mga pagkain.

"Nakaalis na po ba si Papa?" Bungad ko kay Mama na kasalukuyang naglalagay ng plato sa lamesa.

"Maagang umalis anak, marami daw kasi siyang aasikasuhin sa opisina." Nakangiting sabi ni Mama.

Umupo na ako sa lamesa at nagsandok ng sinangag. Umupo na rin sa Mama sa harap ko at taimtim akong tiningnan.

"May problema ka ba anak?" Malumanay na tanong ni Mama. Napatigil ako sa pagsandok ng sinangag. "Pwede mong sabihin sa akin ang problema mo. Magaling akong magbigay ng payo."

Tumingin ako kay Mama. Nginitian niya ako. Tipid din akong ngumiti at umiling.

"Wala po 'to. Masama lang po ang pakiramdan ko." Pagsisinungaling ko. Nahihiya kasi akong magbahagi ng problema kay mama.

"Pag-ibig ba?" Tanong ni Mama at nagsandok na rin ng sinangag. "O pagkakaibigan?"

Nagulat ako sa tanong niya. Paano niya nalaman? Ganun na ba ako kahalata.

"Alam mo anak, hindi naman ibibigay sayo ang isang problema kung hindi mo kayang lampasan. Kung pag-ibig ang problema mo, wag kang masyadong malungkot. Dahil ang mga pagsubok na yan mapait sa umpisa, pero pag nalampasan niyo, yan ang makakapagpatamis sa relasyon niyo." Pangangaral ni Mama. "Kung sa kaibigan naman ang problema mo, wag niyong hayaang masira kayo ng problema. Sa halip, kayong dalawang magkaibigan ang sumira sa problema. Hindi mawawala sa magkakaibigan ang tampuhan, pero wag niyong patagalin ang tampuhang iyon dahil lalalim iyon. Maaga pa lang, resolbahin niyo na ang lahat."

Napangiti ako sa mga pangaral ni Mama. Pakiramdam ko ay medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Salamat po Mama." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

"Walang anuman yun, sabi na sa 'yo eh, pwede na akong magbigay ng advice sa radyo." Pagbibiro ni mama. Nagtawanan kami. "Kain na tayo, baka malate ka pa."

Tumango ako at nagsimula na kaming kumain.

--

Pumasok ako sa gymnasium. Nakita kong nagwa-warm up na sila. Lumapit ako sa isang upuan at inilapag dun ang dala kong bag. Kinuha ko sa bag ko ang isang maliit na kahon na naglalaman ng strawberry flavored cupcake. Binili ko ito bago pumasok, alam ko kasing paborito ito ni Charlene. Ibibigay ko 'to sa kanya as peace offering, sana nga lang mapatawad niya ako at pakinggan ang paliwanag ko.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ng mabuti ang kahon. Lumapit ako sa nag-i-stretching na si Charlene.

Tumikhim ako bago magsalita.

"Ch-charlene…" Mahina kong tawag sa kanya.

Huminto siya sa pag-i-stretching at humarap sa akin. Walang ekspresyon ang mukha niya.

Cornelia [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon