Cornelia III

651 17 0
                                    

Uwian na. Magkasabay kami ni Charlene na lumabas sa campus. Andun na ang sundo niyang kotse, nagpaalam siya sa akin at kumaway bago pumasok sa sasakyan. Kumaway rin ako. Nung umandar na ang kotse at naglakad na ako pauwi, malapit lang ang bahay namin sa school na pinapasukan ko, siguro mga 15 minute walk. Mabuti na rin tong exercise.

"Aaaaaaaahhhh." Sigaw ng isang matabang babaeng anim na dipa ang layo mula sa kinatatayuan ko. "Ang bag kooo!"

Nakita ko ang isang motor na may sakay na dalawang lalaki. Ang isa ay may hawak na bag. Riding-in-tandem. Mga snatcher.

Tinitigan ko ng masama ang papakaripas na motor. Mga magnanakaw! Galit ako sa mga magnanakaw! Iniisip ko na sana ay mabangga sila. Iniisip ko na sana mawarak at mayupi ang motor.

Mabilis nilang pinakaripas ang motor at ng malapit na sila sa tapat ko ay mariin kong kinuyom ang mga kamay ko.

Sa isang iglap ay parang bumangga ang motor sa isang hindi nakikitang harang dahilan para mabasag at mayupi ito. Ang dalawang sakay ay tumalsik sa tindahan ng mga palamig. Sinundan ko sila ng tingin gamit ang nanlilisik kong mga mata. Nakahiga sila at unti-unting tumatayo. May plano pa rin silang tumakas. Nakatayo na silang dalawa. Inisip ko na sana ay madapa silang dalawa. Hahakbang palang sila ng parang biglang may humigit sa kanilang mga paa dahilan para madapa sila. Tumingin ako sa paligid. Maraming nagkalat na bato.

Nabuo sa isip ko ang isang imahe kung saan nakakulong ang dalawang magnanakaw sa isang maliit na kwebang gawa sa mga maliliit na bato. Nagulat ako ng unti-unti ay gumulong ang mga nakakalat na bato palapit sa dalawang magnanakaw. Nagsimula itong gumawa ng bilog palibot sa mga magnanakaw, maya-maya pa ay nagpatong-patong na ang mga bato hanggang sa makabuo ito ng maliit na kweba na nagtrap sa dalawa sa loob.

Nakatingin lang ako sa kwebang bato. Iniisip na tumibay ito para hindi makalabas ang dalawang magnanakaw sa loob. Nagbulungan ang mga tao. Ang iba ay nagkrus at nagdasal.

Tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam na ramdam ko ang enerhiyang bumabalot sa buo kong katawan. Nag-iinit ang mga palad ko. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa galit. Nanlilisik ang mga matang tiningnan ko ang yupi-yuping motor ng mga snatcher at sa isang iglap ay nag-apoy ito at sumabog! Nagsigawan ang mga tao. Sa lakas ng sigawan nila ay bigla akong natauhan. May narinig  rin akong sirena ng pulis.

Anong ginawa ko? Anong ginawa ko? Biglang nawala ang galit ko. Tumingin ako sa maliit na kweba at bigla itong gumuho. Agad na lumapit ang mga pulis para hulihin ang dalawa. Tinakpan ko ang aking tenga at tumakbo pauwi sa aming bahay.

Pagkauwi ko ay agad akong pumasok sa kwarto ko at nilock ang pinto. Padapa akong humiga sa kama, sinubsob ang mukha ko sa unan at umiyak. Anong ginawa ko? Nanakit ako ng tao.

Sobrang lungkot at pagsisisi ang naramdaman ko. Umiyak ako ng umiyak. Dahil sa wish ko, nakasakit ako ng ibang tao. Maya-maya pa ay narinig ko ang pagkakalansingan ng mga gamit sa kwarto ko. Naramdaman ko rin na parang gumagalaw ang kama ko. Mabilis kong inangat ang ulo ko at napasigaw ako ng mula sa pagkakalutang ay bumagsak ang kama ko sa sahig kasabay ang mga gamit sa kwarto ko.

"Cornelia, anak!" Sigaw ng mama ko sa labas ng pinto na sinundan ng malakas na pagkatok. "Ano yung ingay na yun?"

Tumakbo ako para buksan ang pinto.

"Ma." Humihingal kong bungad kay mama. "Ano pong ingay yung sinasabi niyo?"

"May narinig ako eh." Sumilip si Mama sa kwarto ko at nakita niyang maayos ang lahat ng gamit.

"Wala po akong alam." Pagmamaang-maangan ko. "Baka po sa kapit-bahay yun."

"Pero--" Napabuntong-hininga si Mama. "Osya, bumaba ka na maya-maya at kakain na tayo."

Nginitian ko si Mama. Sinarado ko ang pinto ng makaalis na siyaa. Umupo ako sa kama.

Sinampal sampal ko ang sarili ko. Kinurot-kurot ko rin ang mga braso ko baka sakaling nananaginip lang ako.

Naalala ko ang librong hiniram ko sa library. Kinuha ko iyon sa bag ko at pinatong ko sa aking kama. Binuklat ko iyon. Inalam ko kung saan nakukuha ang telekinesis. Sabi sa libro, ito daw ay maaaring mamana sa ibang kadugo. Sa milyong tao ay isa lang daw ang nagkakaroon nito. Sinarado ko ang libro, at nag-isip. Wala namang telekinesis sina mama at papa. Wala akong pagmamanahan nito. Walang paraan para magkaroon ako ng telekinesis, kaya imposible! Lahat ng ng nangyari kanina ay aksidente lang at hindi ako ang may gawa.

"Cornelia.." Tawag ni Mama sa labas ng pinto. "Lumabas ka na diyan, kakain na tayo."

"Andiyan na po!" Sigaw ko.

Bago lumabas ay muli akong tumingin sa salamin. Ang babaeng nakatayo sa aking harapan ay normal. Si Cornelia, ay normal!

Bumaba ako at nagsimula nang kumain. Napatigil ako ng marinig ko ang balita sa TV.

Dalawang snatcher ang nahuli kanina sa tapat ng La Taranee High School matapos manghablot ng bag ng isang babae. Pinaniniwalaang nahuli ang mga ito dahil sa pagmimilagro ang isang santo. Nakakapagtaka kasing biglang nayupi at sumabog ang motor na gamit ng mga suspek, at hindi lang yan, nakulong din ang mga magnanakaw sa maliit na kwebang bato na ayon sa mga nakasaksi ay parang may sariling buhay na gumalaw ang mga bato sa paligid at bumuo ng maliit na kweba para hindi makatakas ang mga magnanakaw.

"Sa tapat lang ng school niyo yan anak." Nag-aalalang sabi ni Mama.

"Ayos ka lang ba?" Tanong naman ni Papa.

"Opo." Mahina kong sagot. "Wala po ako diyan nung nangyari iyan."

"Mabuti naman." Sabi ni Mama. "Nagalit na siguro ang Panginoon kaya gumawa na ito ng himala para mahuli ang mga magnanakaw."

Tama! Wala akong kinalaman sa nangyari. HIMALA lang ang lahat. Himala lang.

Cornelia [Completed]Where stories live. Discover now