Cornelia IV

569 14 0
                                    

1 month later.

"Mine!" Sigaw ko at saka tumalon at in-spike ang bola. Mabilis iyong tumama sa sahig ng kalaban.

Nagsigawan ang buong 3rd year section apricot na sinundan ng malakas na pito ng aming trainor. Kami ang nanalo!

"Good job!" Masayang sabi ni Charlene Visi at saka ako niyakap. "You're the best striker ever!"

"Thankyou behbest!" Masaya ko ring sabi sa kanya.

"Cornelia!" Nagkalas kami sa aming pagkakayakap at sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Sandy, kagrupo ko sa volleyball. Lumapit siya at kinamayan ako. "Nice game! Hindi ako nagsisisi na sinama kita sa grupo namin."

Sinagot ko siya ng isang matamis na ngiti.

"Nice game, CORNY!" Napalingon kaming tatlo sa aming likuran. Si Pepper, ang leader ng kalaban naming section. "Catch the ball!"

Mabilis niyang hinagis ang bola sa akin. Hindi ako nakagalaw sa gulat, at tumama ng malakas ang bola sa aking mukha. Muntik na akong matumba pero buti na lang at nasalo ako ni Charlene. Nakaramdam ako ng matinding sakit sa aking ilong. Naluluha ako sa sakit. Nakaramdam ako ng mainit na likidong dumadaloy mula sa aking ilong. Mabilis kong sinapo ang ilong ko, nanlalabo ang paningin ko. Ng tingnan ko ang kamay ko ay nakita kong may dugo iyon.

"Oh my--" Napatakip si Charlene sa kanyang bibig at mabilis na kinuha ang towel niya para itakip sa ilong kong tuloy-tuloy pa rin sa pagdugo. "You're bleeding!"

"Kahit kelan talaga napakapikon mo!" Galit na sigaw ni Sandyy. "Maging sports ka naman!"

"Aaaww! Sorry." Maarteng sabi ni Pepper! "Hindi prepared ang best striker mo! Ow my... Pagaling ka CORNY ha!"

Nagkunwaring naaawa si Pepper. Umiling-iling siya bago umalis.

Matapilok ka sana. Galit kong sabi sa isip ko bago tumalikod para pumunta sa clinic.

"Aaaahhh." Mabilis kaming napalingon sa malakas na tili ni Pepper. Nakita namin na nakaupo siya habang hawak-hawak ang kanyang kaliwang paa. Mababakas sa mukha niya ang matinding sakit. "Help. Natapilok ako!"

Naglapitan sa kanya ang mga kagrupo niya at tinulungan siyang itayo para dalhin sa clinic.

Nagkatotoo nanaman ang mga bagay na inisip ko. Pangalawang beses na ito.

"Ang bilis talaga ng karma!" Natatawang sabi ni Charlene.

"Hindi iyan karma!" Wala sa sarili kong sabi. Napatingin sa akin si Charlene ng nakakunot ang noo.

"What do you mean?" Nagtataka niyang tanong.

"Ha?" Umiling-iling ako. "W-- wala yun."

"Sobra na yung pagbibleed ng nose mo." Nag-aalalang sabi ni Sandy. "Tara na sa clinic!"

Inalalayan nila akong dalawa papunta sa clinic. Agad naman akong sinalubong school nurse at agad na pinaupo para masuri ang nangyari sa ilong ko. May mga ginawa rin siya para tumigil ang pagdurugo.

"Maupo ka muna dito." Mahinahon niyang sabi. At saka ngumiti. "Okay na ang ilong mo. Magpahinga ka muna dito at aasikasuhin ko lang yung ibang pasyente."

Tumango ako at umalis na siya. Isang buwan na rin ako dito sa school. Matagal-tagal na rin. Masaya ang maging 3rd year lalo na at naging kasali pa ako sa volleyball team. Kami ang nanalo kanina kaya naman kami ang magpipresent sa aming school.

Kanina, natupad ang bagay na naisip ko. Yun ang pangalawang insidente. Ang una ay yung sa mga magnanakaw. Well, it's just a coincidence. Nagkakataon lang na naiisip ko muna ang mga bagay bago mangyari.

Tumayo ako at lumapit sa malaking salamin ng clinic. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng green volleyball uniform namen. Number 8 ang nakalagay sa likod ng uniform ko, favorite number ko 'to. 8 is a healthy number daw kasi saka pag pinahiga mo ang 8 magiging infinity sign ito.

I stared at my face. I possess a striking look. Pabilog ang mga mata ko, katulad ng mata ni Allison Harvard, kulay brown ang mga mata ko na lalong tumitingkad pag nasisinagan ito ng araw. Maliit lang ang matangos kong ilong, namumula ito dahil sa pagtama ng bola kanina. Heart shape ang aking labi na mapula kahit hindi lagyan ng lipstick. Inayos ko ang pagkakatirintas ng itim na buhok ko. Fishtail braid.

"Cornelia."

Lumingon ako sa pinto ng clinic. Nakita kong nakasilip si Charlene.

"Hungry?" Tanong niya.

Tumango ako at ngumiti saka lumabas ng clinic.

Dumiretso kami sa canteen at kasalukuyang kumakain ng bigla akong hinampas ni Charlene sa braso.

"Aray!" Nagtataka akong tumingin sa kanya. Todo ngiti siya. "Bakit ka namamalo?"

"Si Harvey!" Kinikilig niyang sabi at inalog-alog ang balikat ko. "Si Harveeeeey!"

"Si-- sinong Harvey?" Hindi siya sumasagot, tuloy-tuloy parin siya sa pagkakilig. Tumingin ako sa direksyon ng mata niya at nakita ko ang isang grupo ng mga lalaki. "Sino diyan?"

"Yung naka blue na bag!" Kinikilig pa rin siya.

Nakita ko ang kulay blue na bag na sinasabi niya. Nakatalikod ang lalaking may blonde na buhok at may nakasabit na malaking headset sa leeg. Hinintay ko itong humarap pero hindi ito humaharap.

Sana humarap na siya, ngayon na! Naisip ko.

Bigla nga siyang humarap. Nagtataka ang ekspresyon ng mukha niya. Napatingin siya sa lamesa namin. Nagkatitigan kami, ngumiti siya. Umiwas ako ng tingin, si Charlene naman ay nakatitig lang kay Harvey. Daydreaming?

"Behbest." Bulong ko sa kanya. "Nginitian ka niya!"

"Talaga?" Todo ngiti siya. "Kinikilig ako behbest. KINIKILIG AKO!"

Hinampas hampas niya ang balikat ko. Well, ganito talaga pag magkakaibigan. Tanggap ko na magpapasa ang braso ko mamaya.

"Tama na ang palo!" Sabi ko. "Lumabas na sila."

"Hindi ko mapigilan. Sobrang kinikilig ako. Ultimate crush ko talaga yun!" Kinikilig niyang kwento at saka uminom ng ice tea. "Nakita mo ba si Onyx? Nakatitig siya sayo."

Nilunok ko muna ang carbonarang kinakain ko bago sumagot.

"Sinong Onyx?" Tanong ko. "Uri ng bato yun diba?"

Tumawa siya.

"Ano ka ba? Hindi mo kilala?" Umiling ako. "Si Onyx Leony. 4th year student. Ang pinakasikat at pinakakilalang basketball player sa loob at labas ng ating school."

"Psh." Sabi ko at nagroll eyes. "Unreachable!"

"Unreachable? Kahit nakatitig siya sayo kanina?" Tukso niya sa akin.

"Wala akong time para diyan." Sabi ko. At sumubo ng carbonara. "Mas mabuti pang pagkain ang intindihin ko. Hindi pa ako masasaktan."

Cornelia [Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang