Cornelia X

416 9 2
                                    

Maaga akong nagising dahil maaga din ang pasok ko ngayon. Bumangon ako at nag-inat, napatingin ako sa lamesa sa gilid ng kama ko kung saan nakapatong ang litrato na binigay sa akin kagabi ni Onyx. Kinuha ko iyon, napangiti ako. Pampaganda ng umaga!

"Cornelia, anak." Napatalon ako sa gulat dahil sa tawag ni mama. Agad kong tinago ang litrato sa likuran ko. "Bumaba ka na, luto na ang pagkain."

"O--opo!" Sagot ko at itinago sa ilalim ng unan ko ang picture. "Maliligo po muna ako!"

Mabilis akong tumakbo papunta sa banyo at naligo, ng matapos ay nagbihis na ako ng uniform at sumunod na sa kusina. Nadatnan ko si papa na nakaupo habang nagbabasa ng diyaryo. Umupo ako sa bakanteng silya at nagsimula ng kumuha ng pagkain.

"Kamusta ang tulog mo anak?" Tanong ni Papa.

"Ayos naman po." Nagtataka kong sagot, hindi naman kasi ganito ang pagbati niya sa akin dati, laging tungkol sa pag-aaral ko ang laging binubungad niya sa akin noon. "Bakit po?"

"W--wala naman." Kaswal niyang sabi at saka humigop ng kape.

"Nagdasal ka ba bago matulog kagabi?" Tanong ni mama at saka inilapag sa lamesa ang niluto niyang hotdog, pagkatapos ay umupo na rin sa bakanteng silya sa tabi ni papa. "Dapat lagi kang magdadasal, lalo ka na, lapitin ka ng demonyo."

Napatigil ako sa pagsasandok dahil sa sinabi ni mama.

"Ma, ano po bang nangyayari? Bakit lagi niyo nanamang nababanggit ang tungkol sa mga demonyo?" Medyo naiinis kong sabi. "Nagiging weird nanaman po kayo!"

"Hindi pagiging weird ang tawag dito Cornelia." Sabi ni Papa. "Pinuprotektahan ka lang namin."

"Pinuprotektahan saan?" Nagtataka kong tanong.

Nagkatinginan silang dalawa, nag-uusap sila sa pamamagitan ng kanilang mga mata.

"Kumain ka na lang Corne--"

"No!" Putol ko kay mama. "Saan niyo ba ako pinuprotektahan?"

"Nasa harap tayo ng pagkain! Tumigil ka na Cornelia." Galit na sabi ni papa.

Napabuntong hininga ako at napayuko. Wala na akong ganang kumain.

"Wala na po akong gana." Tumayo ako. "Papasok na po ako."

Pagkasabi ko noon ay tumakbo na ako palabas ng bahay. Tinawag nila ako pero hindi ako lumingon.

--

Pagkapasok ko ay dumiretso agad ako sa garden ng school kung saan, may mga bench na pwede mong tambayan. Umupo ako sa bakanteng upuan, gusto ko munang mapag-isa, tutal may isang oras pa naman akong natitira bago magsimula ang first subject ko.

Haay, nakakainis! Bumalik nanaman ang pagiging weird ng pamilya ko. Saan ba nila ako gustong protektahan? Simula nung napanuod nila kagabi yung balita eh nagsimula na naman sila sa pagbanggit sa mga demonyo.

Ang isa pang weird sa mga magulang ko ay wala sila ni isa mang kamag-anak na pinakikilala sa akin. Nung isang beses na hinanap ko ang mga kamag-anak namin na mula pagkabata ay hindi ko nakikita ay nagalit sila at ang sinagot nila sa akin ay wala na daw akong lolo at lola, patay na daw ang mga ito at parehas silang solong anak kaya naman wala akong mga tito at tita. Nakakalungkot diba? Last generation ako ng lahi nila, kami na ang ending.

Ay, may quiz pala kami ngayon sa math. Tsk, nakalimutan ko. Agad kong kinuha ang bag ko at hinanap ang notebook ko.

"Asan na ba yun? Tss." Naiinis kong sabi habang naghahalungkat sa bag ko.

"Cornelia, right?"

Napatigil ako sa paghahalungkat ng may magsalita sa harap ko. Dahan-dahan kong iniangat ang paningin ko at tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Harvey. Nagulat ako at napaayos sa pagkakaupo.

Cornelia [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora