Cornelia V

548 13 1
                                    

"Behbest. Tara naaa!" Pilit sa akin ni Charlene, hila-hila niya ang braso ko. "Tara na! Maganda to, laban nina Harvey ngayon sa basketball!"

Binuksan niya ang pinto papunta sa stadium at hinila ako papasok.

"Ayoko nga!" Sabi ko at pilit tinatanggal ang pagkakahawak niya sa akin. "Wala akong hilig sa basketball."

Tumingin siya sa akin. Malungkot ang kanyang mukha. Binitawan niya ang braso ko.

"Minsan lang naman." Malungkot na sabi ni Charlene. "Pero kung ayaw mo talaga, okay lang."

Bumuntong hininga ako.

"Fine!" Tinaas ko ang dalawa kong kamay para ipakitang suko na ako. "Saan tayo uupo?"

Umaliwalas ang mukha niya at bigla ulit akong hinila.

"Dun sa unahan!" Tumakbo siya, nakaladkad niya ako. "Dali! Baka maunahan tayo!"

Pagkarating sa unahang part ng stadium ay agad kaming umupo. Kinuha niya ang bag niya at may inilabas siyang dalawang pares ng pompoms. Binigay niya saken ang isang pares. Tiningnan ko siya ng tingin na nagtatanong.

"Gagamitin natin yan para sa pagchicheer. Parang ganito."  Tinaas niya ang dalawa niyang kamay na may hawak ng pompoms at winagayway iyon saka sumigaw. "Go! Yuhooo! I know you can do it! GO GREEN LEOPARD! GO HARVEY! HART HART! YUHOOO!"

Winagayway niya ng mas malakas ang pompoms, natawa ako sa itsura ng bestfriend ko! Tumingin siya sa akin at ng makitang tumatawa ako ay sumeryoso ang mukha niya,

"What?" Tanong niya.

"Nakakatawa lang kasi yung ginawa mo!" Tumawa ulit ako. "Muntanga ka behbest! HAHAHAHA!"

"Whatever!" Sabi niya sa akin. "I'm doing this for Harvey!"

Biglang umalingawngaw ang malakas na tunog. Tanda na magsisimula na ang laro. Isa-isang pinakilala ang mga manlalaro ng 4th year. Umalingawngaw ang malalakas na sigawan. Nagwawagaywayan din ang mga lobong kulay pula, kulay ng seniors.

"And last but not the least, the 3 consecutive years MVP holder. The PRECIOUS BOY! ONYX LEONY!"

Matapos sabihin ng announcer ang pangalang iyon ay napuno ng napakalakas na sigawan ang stadium. Nakakabingi!

"O-NYX! O-NYX! O-NYX!" Sabay-sabay na chant ng mga estudyante sa loob ng stadium! May nagtaas ng mga banner na may pangalan niya, ang iba naman ay tarpaulin na may picture niya. Celebrity?

Lumabas ang lalaking may pangalan na Onyx Leony kasama ang mascot ng 4th years. Nagulat ako nang makita ang hitsura niya. Logan Lerman? Owshucks, kamukang-kamuka niya si Logan Lerman. Biglang nag-init ang mga pisngi ko ng maalala ang kwento ni Charlene kahapon. Isang katulad niya ang nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng saya.

Nagulat ako ng pagpapaluin nanaman ni Charlene ang braso ko.

"Ang gwapo niya behbest diba?" Kinikilig niyang sabi.

Napatingin ulit ako kay Onyx, kumakaway siya habang nakangiti. Ang puti at pantay-pantay ang ngipin niya.

"Tama ka!" Sabi ko habang nakatitig kay Onyx. "Ang gwapo nga niya!"

Nagulat ako ng biglang sinundot ni Charlene ang bewang ko.

"Crush mo na no?" Panunukso niya.

"Hindi no." Umiling ako.

"And now, lets all welcome... THE JUNIORS!" Sigaw ng announcer.

Umalingawngaw nanaman ang nakakabinging ingay! Tumayo si Charlene at nagtatalon habang sumisigaw. Ako? Nakaupo lang.

Cornelia [Completed]Where stories live. Discover now