Wakas

342 7 1
                                    

Epilogo.

Nanginginig ang katawan ko sa sobrang galit. Ang lungkot na nararamdaman ko ay natakpan ng galit sa mga taong ito na naging sanhi ng pagkamatay ni mama. Galit kay Pepper dahil sa ginawa niya. Si Pepper na pasimuno sa lahat ng ito. Dahil sa kanya nabunyag ang kakayahan ko. Sinira nila ang buhay ko. Ginawa nilang impyerno ang buhay ko sa isang iglap lang. Mga hayop!

Unti-unting tumayo ang mga tao sa kalsada at pinulot ang mga dala nilang armas. Kiniling ko ang ulo ko sa kaliwa at saka ngumisi. Ayaw nilang sumuko, ipaparamdam ko sa kanila ang aking poot.

I throw my arms forward at sa isang iglap ay tumilapon ang gate ng aming bahay, mabilis na nakaiwas ang mga tao sa lumipad na bakal ng gate. Nangibabaw ang gulat sa mukha nila.

Sampung lalaki na may dalang mahahabang itak ang mabilis na tumakbo palapit sa akin. Ikinumpas ko ang dalawang kamay ko at sabay-sabay silang nadapa. Sinarado ko ang mga palad ko dahilan para kahit pilitin nilang bumangon ay hindi na nila magawa. Tumingin ako sa paligid at napangiti ako ng makita ang 16 wheeler truck na nakaparada sa daan.

Mataman kong tiningnan ang sasakyan at dahan-dahan ay gumalaw ang gulong ng truck.

Tumingin ako sa mga nakadapang lalaki. Mababakas ang takot at pangamba sa kanilang mga mukha. Naglaho na ang tapang na kanina lamang ay nakapinta sa kanilang mga mukha.

"Mamatay kayo!" Nagngangalit kong sigaw.

Dahil medyo pababa ang daan ay bumilis ang pag-andar ng sasakyan. Nagsimula nang sumigaw ang mga lalaking hindi makabangon sa kalsada.

Maya-maya pa ay isang babaeng may dalang piko ang susugod sa akin pero ng tingnan ko siya ay mabilis siyang tumilapon sa ere at tumama ang likod sa matutulis na bakal na bakod. Bumaon iyon sa katawan niya at tumagos sa kanyang tiyan. Bumulwak ang dugo sa kanyang bibig. Tiningnan ko ang humahagibis na truck at sa isang iglap ay nagtalsikan ang dugo ng mga lalaki ng magtagpo ang malalaking gulong ng truck at ang kanilang mga katawan.

"Damhin niyo ang tamis ng kamatayan!" Sigaw ko.

Mga tunog ng mga nadudurog na buto at mga sigaw na puno ng sakit ang umalingawngaw sa katahimikan ng gabi. Nagtalsikan ang maraming dugo sa kalsada at makalipas ang ilang segundo ay mga bakas na lang ng maraming dugo at mga nagkalat na lamang-loob ang naiwan sa pwesto ng mga lalaking nakadapa sa harapan ko kanina. Ang 16 wheeler truck naman ay bumangga sa isang poste.

Parang labis na tuwa ang naramdaman ko ng makita ang mga kalunos-lunos na bagay sa harapan ko. Tinawag nila akong demonyo kaya ibibigay ko sa kanila ang demonyong hinahanap nila.

Mabilis akong naglakad sa gitna ng kalsada. Hindi alintana ang mga dugo na natatapakan ko. Tiningnan ko ang mga bahay sa paligid ko. Tahimik. Malinis at maayos. Hindi katulad ng ginawa nila sa bahay namin, sinira nila ang tirahan ko at pinatay ang mga mahal ko. Ipaparamdam ko sa kanila… Ipaparamdam ko sa kanila ang nangyari sa akin!

Galit na galit kong pinadyak ang paa ko sa lupa at sa isang iglap ay parang bumubukas na zipper na nabiyak ang daan. Dahan-dahan kong itinaas ang dalawang kamay ko at kasabay nun ay ang pag-angat din ng malalaking tipak ng bato mula sa nabiyak na kalsada. Dahil nag-angatan ang mga bato ay parang nagkaroon ng malaking hukay sa bahaging ito ng daan. Tamang-tama para sa libingan ng mga hayop na 'to.

Malakas ang paghinga kong itinaas ang dalawa kong kamay sa itaas ng aking ulo. Tumingala ako at huminga ng malalim at pagkatapos ay ubod lakas na sinara ang mga daliri ko. Kasabay ng pagsara ng aking mga daliri ay ang pagliparan ng mga malalaking tipak ng bato sa mga bahay na nasa paligid ko.

Umalingawngaw ang mga tunog ng nababasag na mga gamit, sigaw ng mga takot na takot na tao at ang musika sa pandinig kong pagtangis nila dahil sa takot at kalungkutan. Parang umuulan ng bubog sa kinatatayuan ko. Nagspark rin ang mga kable ng kuryente at maya-maya pa ay isang nakabibingig pagsabog na sinundan ng malaking apoy at makapal na usok ang lumukob sa gabi. Nagliwanag ang paligid dahil sa pagliyab ng isang bahay, maya-maya pa ay sumabog ulit ang katabi pa nitong bahay. Tumatakbong lumabas ang mga duguan at umiiyak na tao. Nang makita nila ako ay takot na takot at nagmamadali silang naglakad papalayo sa akin. Tama lang yan! Katakutan  niyo ako. Katakutan niyo ang tinatawag niyong demonyo!

Cornelia [Completed]Where stories live. Discover now