Cornelia VIII

408 11 0
                                    

"Onyx, wake up!" Umiiyak na ako. Humihikbi. Hindi gumagalaw si Onyx, tumutulo ang dugo sa mukha. Dahan-dahan kong tiningnan ang dalawang lalaki, dahan-dahan silang tumatayo. Muli kong naramdaman ang matinding galit na bumalot sa katawan ko. Unti-unting lumakas ang hangin. "Magbabayad sila!"

Dahan-dahan akong tumayo at dahan-dahang kinuyom ang palad ko.

Mabilis akong humakbang papunta sa dalawang kawatan. Nang makita nila ako ay rumehistro ang matinding takot sa kanilang mukha, nagmamadali silang  tumayo para tumakbo.

I violently stretch both my arms forward, parang may mga hindi nakikitang tali ang bumalot sa kanilang mga katawan dahilan para hindi sila makatakbo. I fiercely close my fist, causing them to lurch in the ground.

"Tulong!" Sigaw ng lalaking nakabonnet na siyang pumukpok ng baril sa batok ni Onyx. "Tulungan niyo kam---- AAAHH."

Malakas siyang napasigaw nang mabilis siyang umangat sa ere. Nakatapat sa kanya ang mga kamay ko. I'm looking at him with intense anger. Gusto ko siyang sakalin! I slowly close my fingers at kitang-kita ko kung paano lumaki ang mga mata niya dahil sa pagkakapos sa hangin, umubo-ubo siya at namumula na ang kanyang mukha at mata. I sway my arms with such great intensity dahilan para tumilapon siya sa sementong pader sa gilid ng kalsada.

Marahas akong lumingon sa kinatatayuan ng isa pang kawatan. Takot na takot siya.

"Parang awa mo na, wag mo akong saktan." Pagmamakaawa niya.

Seryoso  ko lang siyang tinitingnan habang dahan-dahang humahakbang palapit sa kanya. Nawala na ang tapang na makikita sa mukha niya kanina, napalitan na ito ng takot. Ng sobrang pagkatakot!

Dalawang dipa na lang ang layo ko sa kanya ng bigla niya akong batuhin ng kutsilyo. Mabilis ang galaw ng kutsilyo pero tumigil ito sa ere ilang sentimetro ang layo mula sa kanang mata ko. nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakalutang lang ang kutsilyo sa ere. Lalo pang lumaki ang mga mata niya nang unti-unting umikot ang kutsilyo at ang talim nito ay tumuro sa direksyon niya.

Mabilis siyang umiling-iling dahil sa takot, marahas din siyang napaatras at tuluyan ng tumakbo.

"Hindi ka makakatakas!" I shouted and throw my arms in the side, tinapat ko ang kamay ko sa unang puno na nakita ko. I slowly raise my hand at kasabay nun ay ang unti-unting pag-angat ng puno mula sa lupa. Tumingin ako sa lalaking tumatakbo and I fiercely launch my hand to his direction sending the tree flying and blocking his way. Napatigil siya sa pagtakbo at takot na takot na lumingon sa akin. I stomp my right foot to the ground as hard as I can! Mabilis na nabiyak ang lupa na tinatapakan ng lalaking nakajacket. Napasigaw siya nang malaglag siya pero mabilis siyang nakahawak sa nakausling bato sa gilid ng nabiyak na lupa kaya hindi siya tuluyang nahulog.

"Tuloooong!" Sigaw niya. "Ayokong malaglag dito!"

Lumapit ako sa kanya, nagmamakaawa ang titig niya sa akin. Hindi ako naaawa sa kanya! Sinaktan niya si Onyx.

I extend my arms toward him, unti-unti kong iniangat ang braso ko at kasabay nun ay ang pag-angat rin niya sa ere. Dahan-dahan kong sinasara ang kamay ko at gaya nang nauna ay nasakal din siya dahilan para magkakawag siya. Tumingin ako sa direksyon kung saan nakahandusay ang walang malay na lalaking nakabonnet. I just look at him at inisip ko na siya ay lumapit sa akin, mabilis siyang nakaladkad palapit sa akin at umangat sa ere sa tabi ng kasama niyang magnanakaw.

"A-- anong g -- gagawin mo?" Nauutal na sabi ng lalaking nakajacket.

Hindi ko siya sinagot, again, I stomp my left foot on the ground dahilan para mas lumawak at lumaki ang hukay.

Nanginginig ang mga kamay kong iniangat sila sa ere. Mataas na mataas, para siguradong hindi na sila ulit makakagawa ng kasamaan pagbagsak nila sa hukay na ito. Mamamatay sila!

"Mamatay kayo!" Sigaw ko sa marahas na tinig. I violently close my fist, kasabay nun ay ang pagbagsak nilang dalawa.

Nakatingin lang ako sa kanila habang mabilis silang bumubulusok pababa. Mamamatay sila at yan ang kabayaran nila sa pananakit kay Onyx.

Masama ang pumatay! Kasalanan ang kumitil ng buhay. May pamilya rin sila na umaasa sa kanila. Masama ang ginagawa ko. Nananakit ako ng tao. Ano bang ginagawa ko? Hindi 'to tama. HINDI!

I quickly launch my arms in their direction, bago pa man sila mahulog sa hukay ay napigilan ko na sila. Inilayo ko sila sa hukay at hindi ko pa man sila nalalapag sa lupa ay tuluyan na akong nawalan ng kontrol nanlalambot silang bumagsak sa kalsada.

"Umalis na kayo!" Sigaw ko sa kanila habang nakasapo sa noo ko. "Tumakbo na kayo!"

Nagulat ang lalaking nakajacket at nagmamadaling pinasan ang kasamahan niyang walang malay at saka mabilis na tumakbo palayo.

Napasapo ako sa noo ko. Sumakit ang ulo ko dahil sa nangyari.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng ungol. Si Onyx! Nagmamadali akong tumakbo palapit sa kanya. Nang makalapit ako ay maingat kong kinalong ang ulo niya at unti-unti siyang dumilat.

"Nasa langit na ba ako?" Tanong niya sa mahinang boses.

Ang pag-aalala ko ay napalitan ng pagtawa, nagawa niya pang magbiro sa ganitong sitwasyon.

"Mukha lang talaga akong anghel pero wala ka pa sa langit." Biro ko sa kanya na naging dahilan ng pagtawa niya.

Dahan-dahan siyang umupo. Napangiwi siya at napasapo sa ulo niya.

"Yung mga magnanakaw?" Tanong niya.

"Wala na. May mga pulis na dumaan, hinuli sila." pagsisinungaling ko.

"P-- pasensya na ha." Parang nahihiya niyang sabi sa akin at saka hinawakan ang kamay ko. "Hindi man lang kita naipagtanggol."

Naging abnormal nanaman ang tibok ng puso ko.

"W-wala yun." Sabi ko. "Kung wala lang mga gamit yun, alam kong kayang-kaya mo yun."

Napangiti siya at kinurot ang pisngi ko.

"Tara na!" Sabi niya.

"Kaya mo na magdrive?" Nag-aalala kong tanong sa kanya at saka hinawakan ang sugat niya sa may ilong.

"Kaya ko na." Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang ilong. Nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy hanggang sa dulong hibla ng buhok.

"Tara na!" Sabi ko at inagaw ang kamay ko. Dali-dali akong tumayo at inalalayan ko siya para makapasok sa kotse.

-

"Are you sure you're okay?"  May pag-aalala kong tanong sa kanya nang iparada niya ang sasakyan sa tapat ng aming bahay.

Tumango siya at ngumiti.

"Okay na ako." Paninigurado niya sa akin. "Well, matapos ang lahat nangyari, siguro naman close na tayo nito?"

Napangiti ako sa sinabi niya. Ang dami ngang nangyari ngayon, at sapat na iyon para kahit papaano ay makilala namin ang isa't-isa.

"Oo naman." Sabi ko. "Naenjoy ko ang 'date' na 'to kahit nahila mo lang ako dito."

Natawa siya sa sinabi ko.

"Mas nag-enjoy ako, dahil nakadate ko ang idol ko." Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "CLOSE friends?"

Binigyang diin niya talaga yung salitang close. Inabot ko ang kamay niya at nag shake hands kami. Nakatingin lang siya sa akin, naging seryoso ang mukha niya. Ang gwapo niya talaga. Nakaramdam ako ng pwersang unti-unting humihila sa amin palapit sa isa't-isa. Bumilis ang tibok ng puso ko. Unti-unti siyang naglilean palapit sa akin. Teka, ikikiss niya ba ako?

"Sige, baba na ako." Sabi ko at mabilis na binawi ang kamay ko at bumaba ng sasakyan, nagmamadali akong pumasok sa aming gate at ng isasara ko na ito ay muli akong lumingon sa kanya at nahihiyang kumaway. Naaninag kong mula sa loob ng sasakyan ay kumaway rin siya at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.

"Cornelia!" Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko si mama na nakatayo sa may pinto. "Uwi ba 'yan ng normal na estudyante? Pumasok ka na dito!"

Nakita ko ang galit sa mukha ni mama. Yumuko ako at kinakabahang naglakad papasok sa aming bahay.

To be continue...

Cornelia [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon