Cornelia XVII

307 7 0
                                    

Tapos na ang klase at hanggang ngayon eh nakaupo pa rin ako dito sa loob ng room, malungkot at nag-iisa. Nasan na ba kasi si Charlene? Sabi niya intayin ko lang siya dito at may bibilhin lang siya eh. Tagal naman nung babae na yun, natabunan na ata ng canteen eh. Buti na lang may Hany ako kaya iwas inip at stress. Kinapa ko yung lagayan ng Hany at wala na akong nakapa. Aish! Ubos na yung Hany na bigay sa akin ni Harvey! Bigla ko nanaman tuloy naalala yung Pepper haliparot at yung Onyx na yun. Buti na lang nalaman ko ng mas maaga dahil kung hindi eh baka hanggang ngayon paniwalang-paniwala pa rin ako na talagang may gusto siya sa akin. Pero kahit bago pa lang nasasaktan na agad ako ha. Haayy!

Sumubsob ako sa lamesa. Shocks! Bakit ba ako naiiyak! Bakit ba ako nasasaktan? Lechugas! Dahil ba mahal ko na siya? Yun nga ata. Mabilis akong bumangon mula sa pagkakasubsob sa desk at mabilis na pinunasan ang mga pabagsak kong luha.

Haay! Mabuti pa siguro hanapin ko na si Charlene para makauwi na kami. Mas maganda kung sa kwarto ko ituloy ang pag-iyak ko. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko saka naglakad papalabas ng room.

"For you."

Nagulat ako ng abutan ako ng isang estudyanteng lalaki ng isang piraso ng tulips. Naguguluhan ko iyong tinanggap at tiningnan ko ang bulaklak. Napakaganda! Iniangat ko ang ulo ko para tanungin ang pangalan niya pero mas nagulat ako ng makita ang mga lalaking nakahanay sa gilid ng hagdan, may mga dala silang tulips. Nakatingin sila sa akin at nakangiti. Humakbang ako pababa at kapag natatapat ako ay inaabot nila sa akin ang bulaklak. Ng tuluyan akong makababa ay labingwalong tulips ang natanggap ko. Iba't-iba ang kulay nila at ang gaganda.

Naglakad ako habang masayang tinitingnan ang mga bulaklak ng may humarang sa aking nakangiting babae.

"He wants to be your Hany daw." Nakangiti niyang sabi at inabot sa akin ang heart-shaped basket na punong-puno ng hany!

"Sinong 'he'?" Nagtataka kong tanong dun sa babae, pero nagshrug lang siya.

"Why don't you see for yourself." Nakangiti niyang sabi at itinuro ako papunta sa ground ng school.

Shocks! Di kaya si...

Bigla akong nakaramdam ng saya at excitement. Bigla akong napangiti at parang sa isang iglap ay nawala yung lungkot ko. Nagmamadali akong naglakad papunta sa stage at nakita kong maraming estudyante ang nagtitipon sa harap ng stage. Mas lumakas ang tibok ng puso ko at mas binilisan ko ang lakad. Ng makita naman ng mga estudyante na papalapit ako ay ngumiti sila at ang ibang babae naman ay parang nakasimangot. Nailang tuloy ako at napahinto sa paglalakad.

Biglang umalingawngaw sa maliit na speaker sa unahan ang tunog ng gitara. Mas lumakas ang tibok ng puso ko. Ang mga estudyante naman ay nagtabihan at binigyan ako ng daan. Nahihiya akong naglakad sa gitna nila at napunta ako sa isang mga estudyante na nakapabilog. Ng makita nila ako ay bigla silang nagtabihan at tumambad sa akin ang isang lalaking nakaupo sa mataas na bangko at may hawak na gitara.

Si Onyx.

Tumungo siya at nagsimulang tumugtog.

Uso pa ba ang harana?

Marahil ikaw ay nagtataka.

Sino ba 'tong mukhang gago,

Nagkandarapa sa pagkanta,

At nasisintunado sa kaba.

All of a sudden, biglang nawala lahat ng lungkot at galit ko sa kanya. Napalitan ng saya at kilig. He smiled and winked at me, kaya naman parang gusto na mabutas ng dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Tinuon niya ang mga mata niya sa akin. His gaze makes me feel like flying.

Meron pang dalang mga rosas.

Suot nama'y maong na kupas.

Meron ding dalang hany at cheesecake,

Na paborito mo, Cornelia

At sana'y magustuhan ang awit na sayo'y alay.

Natawa ako sa pagbabago niya ng lyrics. Singing is not his thing, pero kahit na medyo nao-offkey siya, ang ganda pa rin sa pandinig ko. Yung kahit hindi siya magaling kumanta eh kikiligin ka pa rin kasi ang gwapo ng boses niya.

Puno ang langit ng bituin,

At kaylamig pa ng hanging.

Sa'yong tingin ako'y nababaliw, giliw.

At sa awitin kong ito.

Sana'y maibigan mo

Ibubuhos ko ang buong puso ko.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinigit ako papasok sa bilog. Tiningnan niya ako sa mata at hinawi ang mga humaharang na hibla ng buhok sa mukha ko.

Sa isang munting harana...

He lean palapit sa akin dahilan para maging sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

Para sa'yo.

I can hear my heartbeat. Sobrang lakas nito. My palms are sweating and there's this awkward feeling in my stomach.

Inakay niya ako papunta sa lugar na may dalawang magkatabing cheese cake. May kandila na nakatusok sa bawat isa at may nakasulat na 'yes' at sa kabila naman ay 'no'. Nagulat ako ng lumuhod siya sa harap ko. Shocks! Proposal agad?!

"Cornelia..." Nakangiti niyang sabi. Nagsimulang may ayieeh ang mga estudyanteng nanunuod sa amin. "Pwede ba kitang ligawan?"

Nagsigawan ang mga tao sa paligid. Bumawi talaga siya at sa harap pa ng maraming tao niya ako tinanong. Ibig sabihin hindi niya ako kinakahiya at totoo talaga ang nararamdaman niya sa akin.

Tumingin ako sa dalawang cake at biglang tumahimik ang mga estudyante, hinihintay ang isasagot ko.

Tumingin ako sa mga nakikiusyoso at nakita ko si Behbest na nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang bibig. Binigyan ko siya 'what-to-choose-look' at sinagot naman niya ako ng 'wag-kang-maarte-alam-kong-yes-ang-sagot-mo' look.

Ngumiti naman ako at hinugot ang kandila sa cheesecake na may 'yes' at tinapon iyon. Pagkatapos ay kinuha ko ang yes cheese cake at kinain yun.

Nagsigawan naman ang mga estudyante at si Charlene naman ay nagtatalon. Masayang-masayang tumayo si Onyx at niyakap ako. Nagulat man ay niyakap ko na lang din siya at saka pumikit. Sarap sa pakiramdam.

Pagdilat ng mga mata ko ay nakita ko ang seryosong mukha ni Harvey. Nakacross-arm siya at nakatingin sa akin, ng makita niyang tumingin ako sa kanya ay inirapan niya lang ako at naglakad palayo. Kumalas ako ng yakap kay Onyx at may biglang humampas sa braso ko.

"Haba ng hair mo behbest ha." Sabi ni Charlene. Nasa tabi ko na pala siya.

"Thankyou sa cooperation guys!" Sigaw ni Onyx at nag-alisan na ang mga estudyante. Binaling niya ang tingin niya sa amin. "Tara! Kain tayo."

"Naku! Kayo na lang! Moment niyo yan. Bye behbest." Sabi ni Charlene at nagbeso na sa akin at pagkatapos ay kiniliti ako sa tagiliran bago naglakad palayo.

"Tara?" Yaya ni Onyx. Ngumiti naman ako at tumango.

Naglakad kami at muli ay lumingon ako para hanapin si Harvey pero wala na siya.

...to be continued

Cornelia [Completed]Where stories live. Discover now