Cornelia XIX

304 9 0
                                    

Breathe in. Breathe out. Breathe deeper in. Breathe deeper out. Hindi ako makahinga! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit kaya? S-siguro kinakabahan lang ako dahil nakakahiya ako. Arggh! Bakit ba kasi ako napayakap sa kanya! Dapat naging aware ako sa mga action ko habang natutulog. Pero paano ba maging aware pag tulog? Temporary dead nga pag tulog diba? At sa nangyari, patay talaga ako! Tsk. Waaaah!

Pero bakit ba sobra ako makareact eh magkayakap lang naman kami? Pero kahit naaa! Nakakahiya pa rin!

Kring. Kring. Kring.

Napatalon ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ko at agad kong sinagot ng makitang si Charlene ang tumatawag.

"Hel--"

"Umuwi ka na behbest! Tumawag sina tita, sabi ko tulog ka pa. Kung nasan ka man ngayon kailangan mo nang umuwi dahil may pasok pa tayo. Dalii." Nagmamadali niyang sabi.

"Per--"

"Walang pero pero! Uwi na! Bye, kitakits sa school." At in-end niya na ang call.

Anubaa! May pasok nga pala saka practice ng volleyball. Hindi ako pwedeng um-absent! Tsk, kainis!

Kinuha ko ang bag ko na nasa couch at sinuot ang sapatos ko.

Aching! Shocks, sisipunin pa ata ako ah. Ang sakit ng ulo ko, ang bigat ng pakiramdam. Naalala ko, natuyuan nga pala ng ulan ang damit ko. Nakuu, wag naman sana akong magkasakit.

Tumayo ako at pumunta sa harap ng salamin, inayos ko ang sarili ko bago maglakad papunta sa pinto. Teka, magpapaalam pa ba ako kay Harvey? Tsk, wag na lang siguro dahil nahihiya talaga ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nagkaharap kami. Bakit ba kasi ako pumayag na magtabi kami?

Nagulat ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Harvey. Nagmadali ako sa paglabas ng pinto at pumara ng taxi para makauwi na ako sa bahay. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko kapag nagkaharap kami. Grabe! Para akong may nagawang kasalanan kay Charlene nito. Parang pinagtaksilan ko na rin si Onyx dahil sa nangyari.

Pero baka naman OA lang talaga ako mag-isip. Bakit naman ako magi-guilty eh wala namang malisya sa akin yung nangyari. Saka hindi naman namin yun ginusto. Okay! Kakalimutan ko na yun. Haay!

Ilang minuto ang lumipas at nakarating na rin ako sa bahay. Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng niluluto ni mama. Agad akong pumasok at dumiretso sa kusina.

"Oh, kararating mo lang?" Bati ni mama sa akin habang nagpiprito ng bacon. Tumango lang ako at umupo na sa lamesa. "Bakit naka-uniform ka pa rin? Hindi ka man lang ba pinahiram ni Charlene ng damit?"

"Ha?! Ah..." Naghagilap ako ng isasagot kay mama. "P-pinahiram po ako. Ahmm. K-kaso nagpalit po ako ng uniform bago umuwi." Palusot ko.

Tumango-tango naman si mama.

"Kumain ka na at maligo. Baka ma-late ka." Sabi ni Mama at nagpatuloy sa pagpiprito.

Kumain na ako. Gutom na gutom na pala ako. Naalala ko, hindi nga pala ako kumain sa bahay nina Harvey. Nang busog na ako ay umakyat na ako sa kwarto at naligo. Ay grabe! Ang bigat talaga ng ulo ko tapos aching pa ako ng aching, sinisipon na ako. Tsk, pasaway kasi yung Harvey na 'yun eh, nagkasakit tuloy ako.

7:15 na pala. Tsk, malelate na ako sa first subject kaya nagmadali ako sa pagbibihis at pagkatapos ay bumaba na ako at nagpaalam kina mama't papa bago umalis. Lakad-takbo ang ginawa ko at sakto 7:30 ng makarating ako sa school. Agad akong pumasok sa gate at nagmamadaling naglakad sa may pathway ng bigla akong harangan ni Pepper. Nakataas ang mga kilay niya and she's wearing her devilish smile. Nakacross-arms siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Cornelia [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora