Cornelia XX

320 11 1
                                    

"Cornelia!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Onyx na tumatakbo papalapit sa akin. Parang biglang naging slow motion ang lahat. Siya lang ang nakikita ko, pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao dito sa mundo.

"Onyx!" Sigaw ko rin at tumakbo papalapit sa kanya. Niyakap niya ako at iniangat sa ere at inikot-ikot. Tawa kami ng tawa. Ang saya-saya namin. Ang gwapo niya, napakalawak ng ngiti niya. Ini-spread ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid at tumingala, ang sarap sa pakiramdam. Pagtingin ko ulit kay Onyx ay nagulat ako dahil hindi na siya si Onyx, naging si Harvey na siya.

-

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Wew, panaginip lang pala. Sa sobrang kaiisip ko sa date namin ni Onyx eh kung anu-ano na napapanaginipan ko.

Uhmmn! Ang sarap ng tulog ko at ang ganda ng gising ko. Pakiramdam ko ang saya-saya ko ngayon. Tumayo ako at nag-inat. Lumapit ako sa bintana at binuksan iyon, pumasok ang napakasariwang hangin. Nag-awitan din ang mga ibon na nakadapo sa puno na nasa tapat ng bintana ng kwarto ko. This day is going to be the best.

Lumabas ako ng kwarto habang kumakanta-kanta. Pakiramdam ko napakasaya ng paligid. Dumiretso ako sa kusina at nadatnan kong nagluluto si Mama ng almusal.

"Good morning ma." Bati ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi bago umupo sa lamesa.

"Masaya ka ata ngayon at may pakiss-kiss ka pa." Natatawang sabi ni mama. Pumunta siya sa may ref at may kinuha dun. Inabot niya sa akin ang maliit na box na may lamang cupcake. "May nag-iwan niyan sa may pinto."

"Sino?" Nagshrug lang si mama at bumalik na sa pagluluto. Nagtataka kong tiningnan ang box, may note na nakadikit sa may ilalim. Kinuha ko yun at binasa.

'Mamaya ko ibibigay yung kulang.Hany ang flavor niyan.'

Si Harvey agad ang pumasok sa isip ko. Yung tao talagang yun, sinabi ko nang hindi ako nagpapabayad eh.

Kinain ko ang cupcake, ang sarap! Lasang-lasa yung hany. Siguro special 'to, ngayon lang kasi ako nakatikim ng hany flavored cupcake. Nag-effort pa talaga siya ha.

Kumain ako ng masarap na almusal at pagkatapos ay naligo na, pupunta ako sa mall para bumili ng susuotin kong damit. First date ko 'to kaya kailangan maganda ako. Buti na lang at Sabado ngayon, wala kaming pasok kaya makakapaghanda pa ako. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Charlene. Natagalan bago niya iyon sinagot.

"Behbest." Parang hinihingal niyang sabi sa kabilang linya.

"Hello behbest. Magpapasama sana ako sa mall. Bibili ako ng damit kasi..."

"Kasi ano?" Sabi niya na parang excited.

"Kasi magdedate kami ni Onyx mamayang gabi." Kinikilig kong sabi.

Sabay kaming tumili.

"Teka lang behbest. Masaya ako para sayo, pero kasi... kahit gustong-gusto kitang samahan eh hindi pwede eh." Biglang nalungkot niyang sabi. "Nagyoyoga kasi ako ngayon eh tsaka sasamahan ko si Mama sa golf club."

"Sayang naman." Nalungkot naman ako, kailangan ko pa naman ng advice niya pagdating sa mga damit. " Sige behbest, balitaan na lang kita sa Monday. Bye."

"Yieeh! Enjoy your night behbest. Malay mo magkafirst kiss ka rin ngayon. Hahaha. Bye." Sabi niya at in-end na ang call.

Baliw talaga si behbest. Kiss on the first date, parang ayoko. Gusto ko magkafirst kiss kapag boyfriend ko na siya. Well, it looks like ako lang mag-isa ang pupunta sa mall. Nagbihis na ako. Simpleng t-shirt, jeans at sneakers lang at pagkatapos ay nagpaalam na ako kay mama.

Cornelia [Completed]Where stories live. Discover now