Cornelia XXVI

250 6 2
                                    

Kasalukuyan kong sinusuot ang white rubber shoes ko dito sa dressing room ng tumabi sa akin si Sandy.

"Congratulations Cornelia." Masaya niyang sabi.

"Ano ka ba, hindi lang ako ang dapat icongratulate mo no. We work as a team. Kailangan, tayong lahat ang makakuha ng credits." Sabi ko at sinintas ang sapatos.

Oo, kami ang nanalo kanina. Mahigpit ang laban at akala ko nga matatalo kami kasi nagkakailangan kami ni Charlene pero buti na lang at sinabi sa amin ni coach na kalimutan muna ang alitan, kaya yun, medyo gumaan ang pakiramdam namin at nagawa naman ng maayos ang laro.

"Ahmmm. May tampuhan pa rin ba kayo ni Charlene?" Tanong niya.

Bumuntong hininga ako bago sumagot.

"Oo eh. Hindi pa rin niya ako pinapansin hanggang ngayon." Sabi ko at tumungo.

"Alam mo…" Inakbayan ako ni Sandy. "Hindi masamang gumawa ng first move. Baka naman kaya hindi ka niya pinapansin eh dahil naghihintayan kayo."

"Baka…" Sabi ko. "Susubukan kong kausapin siya mamaya."

"Good!" Sabi niya at tumayo. "Masyadong precious ang pagkakaibigan para sirain ng ganun-ganun lang." Sabi niya at ngumiti. "Sige, mauuna na ako sa labas."

"Sige… Salamat!" Sabi ko at ngumiti rin.

Lumabas na si Sandy sa dressing room at naiwan akong mag-isa. Haaaay, matagal na rin ang tampuhan namin ni Charlene, namimiss ko na rin siya. Pero hanggang ngayon parang galit pa rin siya sa akin. Ang unfair niya kasi eh, hindi niya ako pinagpaliwanag.

Tumayo ako at tiningnan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Tamang-tama sa akin ang sukat ng bagong uniform na 'to. Awards night kasi ngayon kaya naman lahat kami ay sinuot ang mga nakatagong bago naming uniform. Inayos ko amg pagkakatirintas ng buhok ko at saka pilit na ngumiti bago lumabas sa dressing room.

Pagpunta ko sa school grounds ay sinalubong ako ng malakas na tugtog at mga sumasayaw na ilaw. Pinapakita rin sa malaking Led screen sa stage ang recap ng mga nangyaring laro. Maraming tao, pawang mga athletes galing sa ibang school. Ginala ko ang paningin ko para humanap ng pamilyar na mukha pero wala akong makita, asan kaya sila?

Mabuti pa siguro ay kumuha muna ako ng maiinom. Naglakad ako papunta sa kuhanan ng refreshments ng may tumawag sa pangalan ko.

"C-cornelia…"

Napalingon ako sa likod ko at nagulat ako ng makitang si Charlene iyon.

"Ch-charlene!" Gulat kong sabi. Kinabahan ako at nakaramdam ng sobrang saya, parang gusto kong tumakbo at yakapin siya. Pinapansin niya na ulit ako!

Ibubuka na sana niya ang bibig niya para magsalita ng may tumawag muli sa akin sa aking likuran.

"Cornelia."

Napalingon ako at nakita kong nakatayo roon si Harvey. Mabilis kong binalik ang tingin ko kay Charlene at nakita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Nilukob ng galit ang ekspresyon niya.

"Charlene." Tawag ko pero mabilis siyang tumalikod at tumakbo palayo. "Charlene!"

Hahabulin ko sana siya pero may kamay na pumigil sa braso ko. Paglingon ko ay nakita kong si Harvey iyon.

"Get off of me!" Asar kong sigaw at pilit binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya. "What do you want? Bakit nanggugulo ka nanaman?!"

"H-hindi ako nanggugulo Cornelia." Paliwanag niya.

"Hindi? So nagkataon lang na ang pangit ng timing ng pasok mo, ganun? Nagkataon lang na saktong magkausap kami ni Charlene saka ka biglang papasok? Ganun ba yun Harvey, ha? Pinansin niya na ulit ako pero anong ginawa mo? Umepal ka nanaman!"

Cornelia [Completed]Where stories live. Discover now