Spoken Word Poetry#1

409 8 0
                                    

"Suplong"By:John Meinard Salamat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Suplong"
By:John Meinard Salamat

Heto ako bitbit ang ala-alang mapait.
Sa makasalanang rehas ako ngayo'y kumakapit.
Habang nag-a-alala sa anak 'kong maliit.
Na siguro sa gutom ngayo'y namamalipit.

Nasan ang Hustisya na aking pinipilit?
Kahit walang ebidensya ako'y ipiniit.
Sa mga tunay na may sala ako'y naipit.
Kawawang pamilya 'ko eto ngayon ang sinapit.

Sakit ng katawan ay aking tiniis.
Pambubugbog nila ay aking tinangis.
Mas masakit pa dyan ang aking hinagpis,
Dahil ang katotohanan ay kanilang inilihis.

Lumipas ang panahon at ako'y nasanay din.
Tinanggap na ang rehas na matagal ko ding Sasapitin.
Ngunit nawindang ako sa balitang aking nadinggin.
Kagaya ng iba, Ang asawa ko'y nakiapid na rin.

Tinawagan ko ang aking ina para tanungin.
Ginawa daw ng asawa ko iyon para anak nami'y mapakain.
Dinurog ang puso ko ng aking marinig.
Kawawa 'kong asawa sinakripisyo ang katawan dahil sa akin

Ako'y napaupo sa sahig.
Kasabay nito ang pagpatak ng luhang aking pinapahid.
Tumingin sa mga ulap at nagtanong sa paligid.
Anong kasalanan ko at ganito ang aking sinapit?

Labing limang taon na rin simula nang ako'y makulong.
Napatunayang walang kasalanan na sa aki'y sinuplong.
Kaya't labin limang taon din ng buhay 'ko ang nasayang,
Dahil sa BULOK NA SISTEMA NG HUSTISYA DITO SA PILIPINAS!

Kawalan (COMPLETED)Where stories live. Discover now