Alamat#3

30 1 0
                                    

"ANG ALAMAT NG COTTON BUDS"By:John Meinard Salamat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"ANG ALAMAT NG COTTON BUDS"
By:John Meinard Salamat

  Noong Unang panahon sa may baryo Mapudpod may isang babaeng napakaganda ang naninirahan doon.Ang pangalan nya ay Bodanilya Halimparot aka Buds,nagtataka ang mga kalalakihan sa kanya dahil sa pagkaganda-ganda ng itsura nya eh mas lalaki pa sa lalaki ang kilos nya.

Kaya nagpustahan si Danilo,Pedro at si Luigi na kung sino makakapagpapabalik kay Buds sa pagiging babae sya ang unang Makapanliligaw dito.

Si Danilo ang nauna,sa sobrang kaba nya bigla nyang natanung si Buds na "Te Virgin ka pa?" sandamakmak na sampal at suntok ang inabot nya rito.

nung Sumunod na araw si Pedro nman ang kumausap kay Buds, sa sobrang kaba nya , nadapa siya at sa di sinasadyang pagkakataon nahawakan nya ang dalawang bolang malambot (oops! alam nyo na yun!) kaya sandamakmak din na sampal ang inabot nya kay Buds.

Kinakabahan na si Luigi dahil sya na ang susunod na kakausap kay Buds.alam nya kasi ang nangyari sa dalawa nyang kaibigan at ngayoy na sa Ospital pa, Palibhasa siya'y magandang lalaki dinaan nya ito sa porma.

Habang siyay papunta kay Buds,naglinis siya ng tainga gamit ang maliit na baling tingting at may bulak sa bawat gilid kaya naman nagtaka ang mga tao sa nakita nila, ang sabi nung isa "Ano kaya yung ginagamit ni Luigi ?" kaya dali-dali nilang tinanung ito.  Dahil sa pagkamangha ni Luigi sa kagandahang taglay ni Buds, ang naisagot nya sa mga tao ay "Ang Cute ni Buds" kaya nagtaka ang mga tao " Ano? Kuto ni Buds?" sabi ng isa sa kanila "Hindi! ang sabi ni Luigi KUTO NI BUDS ang tawag sa panlinis ng tainga na ginamit nya na maliit na baling tingting na may bulak sa bawat gilid" .

Kaya simula noon ang tawag sa Maliit na baling tingting na may bulak sa bawat gilid ay Kuto ni Buds at sa paglipas ng panahon ginawa itong COTTON BUDS.

Kawalan (COMPLETED)Where stories live. Discover now