Short Story#1:Kwento ni Ingkong

87 2 0
                                    

"Kwento ni Ingkong"by:John Meinard Salamat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Kwento ni Ingkong"
by:John Meinard Salamat

Madalas akong tumambay sa tindahan nila ingkong. Pala-Kuwento kasi ang matanda kaya giliw na giliw sa kanya ang mga tao sa'min, kabilang na ako. Kakaiba kasi ang mga kwento nya, Tungkol sa mga UFO at Alien. Minsan nga naikwento nya nu'ng binata pa daw sya, Ni-rape daw sya ng babaeng alien at Matapos daw syang pagsawaan ay itinapon daw sya sa ilog. Tinanong ko nga sya kung ano itsura nung alien, Hindi daw nya naaninag kasi daw naka-Blind Fold daw sya. Natawa ako, sabi ko sosyal naman kako nung alien na 'yun may Pa-Blind fold pa, Nagbabasa siguro 'yun ng Trilogy ng Fifty shades.

Kaya nga siguro tuwang tuwa akong kausap si Ingkong kasi Hindi kapani-paniwala ang mga kwento nya. Madalas kwentong barbero, Madalas Kwentong Ingkong na, dahil Malayo na sa katotohanan ang sinasabi nya.

Minsan habang nagku-kwento sya tungkol sa mga alien bigla akong nagtanong.

"Ingkong bakit hindi nakikisalamuha ang mga alien sa atin samantalang pakita naman sila ng pakita ng mga sasakyan nila sa himpapawid?"

bahagyang napangisi si Ingkong. "Kasia ayaw nilang makisalamuha sa mga tanga!"

Nagulat ako. "Bakit Ingkong?"

"Dahil tayong mga tao takot sa mga bagay na hindi natin maintindihan, Takot sa pagbabagong nagaganap sa paligid at dahil sa takot na 'yun kaya tayo nagpapatayan, nagsisiraan maipaglaban lang ang kani-kaniyang pinaniniwalaan."

Napakamot tuloy ako ng ulo. "Pano nyo po nasabing iniisip ng mga alien na tanga ang mga tao?"

Tinapik nya ako sa balikat. "Dahil 'di na nila kaylangan sirain ang mundo natin, Dahil tayo na mismo ang sumisira ng sarili nating mundo."

Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi ng matanda. Napaisip ako, Minsan pala may sense din 'tong kausap 'si Ingkong.

"Kwento ni Ingkong Part 2"
by:John Meinard Salamat

Kinabukasan nagpunta ulit ako sa tindahan nila Ingkong kaso wala sya dun. Saktong sakto nakita ko 'yung kapatid nyang si Lola Senyang kaya tinanong ko sa kanya kung nasaan si Ingkong. Sabi nya may ginagawa daw sa likod ng bakuran ng kanilang bahay. Agad naman akong nagpunta roon. Nakita ko si Ingkong naka-meditate posisyon. Naka-injan sit, Nakapikit ang mata at may sinasabi sya na sigurado akong sya lang din ang nakakaintindi.

"Ingkong Anong ginagawa mo?" mahina kong tinanong sa kanya.

"Shhh!" Itinaas nya ang hintuturo nya sa kanang kamay at nilagay nya ito sa gitna ng kanyang bibig. "Wag kang maingay, Nakikipag-usap sa akin ang superior ng mga aliens." at nagpatuloy sya pagsasalita ng ibang lengwahe. "Krrriiii! Kuri Kuri Kurikok, Kuri kuri korokok" Habang pinapakinggan ang lumalabas na lengwahe sa labi ni Ingkong, Isa lang sa dalawa ang sigurado akong kausap nya. Kung hindi mga palakang alien, Malamang mga Kalahian nila Kokey.

'Di nagtagal ay tumigil din si Ingkong sa pagsasalita at idinilat nya ng dahan dahan ang kanyang mga mata. Makikita mo sa ekspresyon ng mukha nya na siya'y kinakabahan. Sa pagtataka ko tinanong ko sya.

"Bakit ho kayo takot na takot Ingkong? ano ho bang sinabi sa inyo ng mga aliens?"

Tumingin sya sa kaliwa't kanan para tignan kung may nakakarinig. "Sasakupin daw ng mga aliens ang bansang Pilipinas."

Nagulat ako. "Bakit naman daw po?"

"Dahil Hindi daw magandang ehemplo ang ugali natin sa mundo."

"Paano naman nila nasabi 'yun, eh samantalang mabait ang tingin ang ibang lahi sa Pilipino." Pagtatanggol ko.

Sarkastikong ngumiti si Ingkong. "Kasi tayo daw mga Pilipino ay walang pagkakaisa, Walang Pakikipagkapwa-tao. Katulad na lang sa ibang bansa sino nagtra-trayduran? Kapwa Pilipino. Sino nag-a-away away dahil nagsasakupan sa sariling bansa? Kapwa Pilipino. Naturingan tayong nagbabayanihan pero pagtalikod kanya kanya namang kantyawan. Tayo daw mga Pilipino ay 'di nakikitaan ng pagsuporta sa sarili nating Kultura at mas sinusuportahan natin ang kultura ng iba. Diba ang saklap? Plastik na tayo sa kapwa Pilipino, Plastik pa tayo sa Pagiging Pilipino"

Hindi ko na sana papatulan tong kuwento ni Ingkong kaso parang bahagyang naliwanagan ako sa sinabi nya o sa sinabi ng mga aliens sa kanya. Sumpa nga ata nuon pa man sa atin ang pakikipag-traydoran sa isa't isa. Katulad na lang ng Pagpapatay ni Emilio Aguinaldo kay Andres Bonifacio at ang pagpatay ng kapwa Pilipino kay Heneral Luna. Tama nga naman ang katagang sinambit ni Heneral Luna(John Arcilla) sa isang sequence nito sa kanyang Pelikula. "Wala tayong Ibang kalaban kung 'di ang ating mga sarili"

Napaisip ako, Mas mabuti na nga lang sigurong sakupin na lang tayo ng mga aliens kesa naman harapang Masampal ng masakit na katotohanan.

Napabuntong Hininga na naman ako. May bago na naman akong natutunan kay Ingkong. Hindi 'ko man alam kung totoong nakakausap nya 'yung mga alien pero kung hindi man, Isa lang ang alam ko. May gusto syang ipahiwatig sa akin.

-----

(Note: Ingkong in the house!)

Agguuuy! Kamusta mga apo? Ako 'to si Ingkong. Pansamantala ko munang hiniram tong pesbuk ni Author para makausap ko kayo. Alam nyo kanina pa ako nahihiwagaan dito sa bakal na umiilaw na ginagamit ko ngayon, Gumagalaw kasi pag pinipindot. Ang pinagtataka ko pa ay kung bakit may mansanas na may kagat sa likod nito. sinubukan ko nga rin itong nguyain kaso pudpod na ngala-ngala ko 'di ko pa rin maubos-ubos.

Dahil sa mahiwaga na yan, napagkamalan ko tuloy may sayad ang apo kong si Appollo. Aba! Nagsasalita mag-isa with matching tawa't hagikgik pa. Tinanong ko tuloy sya kung sino kausap nya. Napag-alaman ko na lang na nakakapag-wireless Calls sila ng kaibigan nya gamit ang makabagong teknolohiya.

Sadya na ngang binago ng Teknolohiya ang ating mundo. Aba! Nung kapanahunang ako'y bata pa bibig lang ang ginagamit para sa pakikipag-Komunikasyon pero ngayon, Makakausap mo na kahit ilang milya ang Layo sa'yo ng kausap mo ng isang pindutan lang.

May magaganda rin namang naidudulot itong teknolohiya dahil makakausap mo na ng malayuan ang mga mahal mo sa buhay at syempre libre akong nakakapanuod ng XXX! Agguuuy! Wag kayong ano! Xtra-terrestrial X-files Xtravagant ang ibig sabihin nyan. Tungkol yan sa mga aliens, para mapag-aralan ko ang mga salinlahi nila.

Hindi ko alam kung para saan kung bakit nagkakaroon ng ganitong magagarbong teknolohiya. Pero isa lang ang alam kong may kagagawan ng lahat ng ito, ANG MGA ALIENS. Isa siguro ito sa mga modus nila para sakupin ang mundo. Ang dahilan? Di ko alam.

Minsan nga nakipag-peace offering ako sa kanila kaso etong superior ng mga aliens, ayaw pumayag. Misyon daw nila 'yun. E pano kako 'yung mga taong nakatira sa mundo pag tuluyan na nilang sinakop ito? Ang di sumunod sa kanila, Papatayin? Aba! Dinaig pa nitong mga aliens na toh ang mga kastila ng sakupin nila ang Pilipinas dala-dala ang isang relihiyon na makapagliligtas daw sa tao patungong impyerno. Kaso ang di maniwala o sumunod, papahirapan o bibitayin lang naman.

Minsan naisip ko, Ang misyon siguro sa buhay nitong mga alien na toh ay Sirain kung ano 'yung nakikita nilang maganda kungsabagay wala naman silang pinagkaiba sa mga tao. Ganyan din ang pananaw ng mga tao sa buhay pag may nakitang naka-aangat sa kanila, sisiraan.

Haaay! Ang hirap problemahin ang mundo, Napakadami kong tanong na hindi ko masagot-sagot. Marami ding may alam na ng sagot kaso hindi ko naman alam kung paano itatanong. Sakit sa ulo!

Hangang sa muli, Kitakits na lang tayo mga Apo sa wattpad. Hintayin nyo lang ang post ni Author na kamukha ni Aga mulach sa Libro na pinagbibidahan ko. Aggguy! Maraming salamat sa pagtangkilik.

Nagmamahal,
Ingkong

Kawalan (COMPLETED)Where stories live. Discover now