Kasabihan #1 &#2

35 2 0
                                    


Kasabihan#1

May mas sasarap pa ba sa ginagawa ko ngayon? Nakahiga habang pasak pasak sa tainga ang Earphone at pinakikinggan ang mga kantang nagpapa-alala ng kabataan ko.

Sino bang 'di nakakamiss sa mga kanta ng Repablikan at Sagpro Krew? Sabihin nyo nang may Pagka-jejemon ako pero Putang ina! Kumbaga sa pagkain nagcre-crave ang puso't isipan ko sa mga kantang 'toh.

Mas lalo na 'yung mga kantang nagpatibok ng Puso ko. Sino bang 'di makakalimot sa kantang Statue at God Gave me you? Pati na rin ang kantang Prinsesa na ginamit ko pang kantang panliligaw nung nagkaCrush ako sa kapitbahay namin.

Naaalala ko pa nga nung minsang napaiyak ako ng kantang "Dance with my Father" at "Marry Your Daughter". Naging tampulan tuloy ako ng tukso ng mga pinsan kong bugok ng Magkwento ako tungkol sa mga hinaing ko sa buhay hahahah.

Ngayon ko lang napagtanto na ang lahat ng bagay na gawin mo sa buhay mo ay may Katumbas na Musika. Musikang minsang mong kasa-kasama sa lahat ng iyong nararamdaman. Hinagpis, Saya, Sakit, Tuwa at kung anu-ano pa. Na kapag nakalimutan mo na at napakinggan mo ulit ay biglang babalik ang nakaraan.

Words by: John Meinard Salamat

Kasabihan#2

Sa panahon ngayon lahat ng bagay BIG DEAL! May masabi ka lang na 'di naaayon sa pandinig o paniniwala nila, aawayin ka na. Mas lalo na 'yung mga feeling banal na netizen na daig pa disipolo ni Kristo kung ipagtanggol ang paniniwala samantalang 'di rin naman sila sumusunod sa mga nakasulat sa Bibliya.

Pare-Pareho lang tayong nagkakasala kaya lang minsan kung sino pa 'yung laman ng simbahan at nagpapakabanal sya pa mismo 'yung mas nakagagawa ng kasalanan. Mantakin mo papasok ng simbahan, nanamnamin ang presensya ng Panginoon with matching iyak at luhod pa pero pag-labas Daig pa si Ricky Lo at Lolits Solis kung mantsismis at manira ng tao. Gagaling hano?Hindi ko nilalahat, Yung iba lang.

Lahat tayo ay may kanya-kanyang flaws sa ating pagkatao pero putang ina naman! Kung sa tingin mo 'di na makatao ang ugali mo wag mo naman ipangalandakan sa madla. Hindi mo kina-cool 'yan, nakaka-awa ka lang!

Words by:John Meinard Salamat

Kawalan (COMPLETED)Where stories live. Discover now