Hugot#19

34 2 0
                                    

Ang sarap sanang maglakad na kasabay ka habang hawak-hawak natin ang kamay ng isa't isa-- 'yung tipong magseselos ka pag tumitingin ako sa iba.

Ang sarap sanang manuod ng sunset kasama ka habang pinagkwe-kwentuhan natin ang buhay nating dalawa-- 'yung tipong tayong dalawa lang sa isang mundo, nakatira.

Ang sarap sanang ipagmalaki na akin ka sa harap ng mga lalaki na sayo ay nakatulala-- 'yung tipong kaiinggitan ako ng mga lalaki na sayo ay humahanga.

Ang sarap sanang mangarap na sana lahat ng inaasam ko ay totoo.
Kasi kahit pagbali-baligtarin natin ang mundo ay hangang pangarap na lang talaga ako sa'yo.
At kahit kaylan ay hindi kita maangkin sa piling ko.
Ni hindi ko mahahagkan ang mga bisig mo.
At kailanman ay hindi ko madadama ang mga labi mo. :'(

-Hangang pangarap na lang, ni John Meinard Salamat

Kawalan (COMPLETED)Where stories live. Discover now